One Night Stand (part 1)


"'wag mong masyadong seryosohin 'yung mga nakaka-one night stand mo..." sabi ng aking ka klase at kaibigang si kristel.

Kung sa bagay, tama siya. Hindi ko naman kasi inaasahan na sa ganito mauuwi ang lahat. Hindi ko minsan naisip na isang gabi makakatabi ko sa kama ang taong nakakasalubong ko lang sa corridor ng school namin. Hindi ko inasahan na ang taong hinahangaan ko at nakapagpapakilig sa nanahimik kong damdamin ay mahahalikan at mahahagkan ko ng buong magdamag. At hindi ko naisip na ang espiritu ng alak ang magbubuklod sa aming dalawa para angkinin ang isa't-isa.

Nangyari na ang hindi ko inaasahan. Nalaman ko na ang dapat kong malaman. Katulad ko rin siya. Isang nilalang na pilit ikinukubli ang nararamdaman. Batid niya na gusto ko siya, at hindi na issue sa akin 'yon o maging sa kanya. Ang issue kasi ngayon kung gusto rin ba niya ako tulad ng nararamdaman ko sa kasalukuyan.

Iniisip ko nga: "Gusto rin kaya niya ako kaya hinayaan niyang may mangyari sa aming dalawa?" Maaring oo at pupwede ring isang malaking hindi ang kasagutan...Malamang nadala lamang siya sa bugso ng kanyang nagaapoy na damdamin. At ako, nadala lamang ng minsanang oportunidad.

Naalala ko sabi ko dati: "Maangkin lang kita ng isang gabi masaya na ako..." Nakakatawa di ba? Pero bakit kabaligtaran ang nangyari? Tuluyan akong nahulog sa bitag niya at unti-unting nilamon ng mapangakit niyang alaala. Ayaw ko paasahin ang sarili ko pero hanggang sa ngayon namumutawi pa rin sa aking utak ang mga halik niyang kakaiba,waring may nais pakahulugan. Nanunuyot pa rin sa isip ko ang haplos at yakap niya na parang nagsasabing pagmamay-ari niya ako.

Sa ngayon, hindi ko alam kung dapat ba ako magpakaapekto sa nangyari. Tutal naman isang malupit na lihim ang ikinulong namin sa apat na sulok ng aking dorm, kaya walang makakaalam. Hindi ko hinahangad na lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko rin nais pang pangarapin na magiging kami pagdating ng araw. At alam ko na wala siyang panahon sa mga ganoong bagay dahil sadyang sarado pa ang musmos niyang personalidad sa mga ganoong aspeto. At dahil ako ang nakakatanda at mas nakakaunawa, malamang ako na lang ang lilimot sa lahat. Siguro pareho lang din kami ng gagawin, ang paglalaro naming dalawa sa apoy ng kahapon ay parte na lamang ng isa kong magandang panaginip at malikot na imahinasyon.

pano nga ba nag simula ang pag kakadaupang palad namin ni andrei.. sundan sa ikalawang bahagi..


1 comment:

Lei said...

SALAMAT!! salamat sa lahat ng nag basa at patuloy na tumatangkilik ng blog ko.

About the Author