Safe Foods, Healthy Dogs, Long Life

               BARF Diet for your DOGS 


This is my new way of nurturing my baby Maxene. ano muna ang ibig sabihin ng BARF??
BARF stands for 

B- iologically
A- ppropriate
R- aw
F- ood

Raw feeding-  is the practice of feeding domestic dogs, cats and other animals a diet primarily of UNCOOKED meat, edible bones, organs and some of green vegetables.
Supporters of raw feeding like me, believe that the natural diet of raw meat, bones, and organs is superior nutritionally to cooked meat and commercial pet food. 

It is well studied  that a carefully planned raw diet gives the animal numerous health benefits, including a healthier coat and cleaner teeth and breath. No Dog smell and good Stool. 
Critics of raw feeding assert that the risk of nutritional imbalance, intestinal perforations and foodborne illness posed by the handling and feeding of raw meat and bones outweigh any benefits. The assertion that raw feeding is inherently better because it is natural has also been criticized.

I am one of those who believe in RAW MEAT diet. .before. my baby maxene only weighs 2Kg. and she's really a picky eater since she tasted table food. i almost tried all of the variants of kibbles in the market. but she only eats a few.so i decided to try Barf diet. and i am well impressed by the result. in just 2 weeks. her coat became so fluffy and shiny . the stools became hard and less odor. fresh breath and smells like a baby even after 1 week without bath. and she gained 350 grams in 2 weeks under BARF .

So what are you waiting for Furrent !! mag BARF diet na kayo. ^_^

                    BARF DIET BENEFITS 


Healthy Teeth & Breath
Your pet will have much-improved breath, minimal tartar buildup, and beautifully clean and healthy teeth; all without having to visit the pet dentist or brushing the teeth. In addition, periodontal disease that is so prevalent with pets fed grain-based diets is almost nonexistent.
Healthy Skin & Coat
This can be one of the first changes you will notice when you start feeding the BARF DIET™. If those persistent skin problems suddenly disappear or improve, and you no longer need vet visits, medicated washes, antibiotics, cortisone shots and cortisone tablets, it has to mean that the natural, healthy, and raw diet is supplying nutrients that other diets are missing. It really is hard to ignore the deeply colored, lustrous, thick and healthy coat!
Optimum Immune System
It normalizes and strengthens the immune system. The immune system is a wonder of creation. Because the BARF DIET contains a good balance of essential fatty acids and other immune normalizing and strengthening nutrients, it reduces inflammatory conditions and waves good-bye to infections.
Enhanced Digestion & Absorption of Nutrients
Living enzymes break down and utilize food to maximize the digestive system’s effectiveness.
Degenerative Disease
Pet owners that switch their older pets to the BARF DIET usually find that whatever degenerative disease their pet has contracted, becomes less of a problem. Our raw diet is not a wonder drug, but it has reversed many aggravating degenerative conditions and has given relief to a variety of diseases. 
Stool Volume & Odor
Reduced stool volume and odor is a sign of an improved and healthy digestion cycle. The BARF DIET is more readily absorbed, than grain fed diets, in the digestive system and the result is less stool volume and odor. Odorous stools are a result of improper or incomplete digestion of nutrients.
Healthy, Lean Body Mass
By feeding the BARF DIET, your pet will lose unwanted fat and gain that much desired increase in muscle mass. This not only makes your pet look better, it increases your pet’s metabolic rate, its activity levels and its healthy life span. The effect will be more rapid if you combine the BARF DIET with some normal exercise.

Here's Maxene's latest Pic with her Raw meat with Egg & Vegetables. 




Daddy na ako !!




Dahil sa sobrang BORED ko dito sa bahay. at sa LUNGKOT na din na nararamdaman ko. para na akong mababaliw. inaasar na nga ako ng mga close friends ko na "labas-labas din" . hahah!! halos makompleto ko ang 1 buwan ng walang labasan. kung hindi lang may interview. hindi pa lalabas. kulong lang sa kwarto at internet.

as usual. FACEBOOK mag hapon mag damag. aba, nakaka adik kaya! haha! lalo na kapag madami kang liker,. ka chat, ka kulitan, etc etc.. haaays! ang lungkot. wala na ngang work. wala pang love life. so naisip ko. bakit di ko nalang ibaling ang sarili ko sa ibang bagay.Dun sa sasaya ako.

at dahil desidido na ako. plinano kong ibenta ang DSLR ko na napundar ko nun sa Singapore.
pero pinigilan ako ni ate at ni mama. sayang daw. pero hindi ako nag papigil. text sila ng text. aanhin ko nga daw ba ang pera? sabi ko. bibili ako ng SHIH TZU N HAHAHAH! ang dream dog ko. yun kasi ang bday wish ko. pero hindi ako naka bili gawa nga ng nag painom ako sa tropa.  hindi ko rin naibenta ang Camera ko. nga naman, 1/4 lang ng original price ang presyo na inaalok sakin ng mga muslim sa greenhills. aba. lens palang hindi pa kayang bilhin dun sa presyong gusto nila ibigay sakin.  hindi na noh! slightly use pa naman.  tsaka kahit bulky at nakakasawa na din gamitin dahil sa bigat. love ko padin sya.

so umuwi nalang ako. T_T

Pag uwi ko, pinagalitan pa ako. bat daw nag de desisyon ako ng hindi nila alam. mamita! ano bey! 22 na ako. siguro naman pwede na yun noh? tsaka akin naman ang camera. haha! anyways. yun na nga. di ko naibenta. so walang shih tzu. nasa kwarto lang ako nag mu muni muni at nag iisip kung papaano ako raraket at makaka afford ng doggy.

pero habang nag iisip ako eh, bigla nalang lumapit si sisterbells. aba! parang may biglang anghel na bumaba at pinag bigyan ang akin hiling! haha! binigay saakin ang kailangan ko. basta wag lang daw ako mag bebenta ng gamit. bayaran ko nalang daw pag nag ka trabaho n ako. hehe!!

so hanap kaagad ako ng doggy sa Google, sa Sulit, ayosdito. at tanong tanong na din sa mga friends sa Facebook. aba dami nag rereply. at yun gabi din yung nakahanap ako ng seller na referral ng friend ko sa FB,

Alam kong medyo mahal ang bigay nya. sa dami ng nag aalok saakin ng shih tzu with PCCI papers. pero pumayag agad ako. kasi ang CUTE nya. hehehe!! panay ang chat namin.. andami kong mga tanong na none sense . maka chat lang sya. LOL..!  then after two days , i decided to pick up the puppy. nakaka kaba pala makipag meet talaga. heheh! malapit lang ang bahay nya saamin. suarez ville lang sya. walking distance lang. Ayun nag kita na kami. nag punta ako sa house nya, ang cute nya pala sa personal. hehe!! maliit lang and medyo chubby. at ang pinaka nagustuhan ko sa kanya "hindi halata" hehe! (if u know what i mean) :P

After transaction. umuwi agad kami ni puppy. pero hinatid nya ako hanggang sakayan. habang nag lalakad kami. naka tingin lang ako sa knya habang nag sasalita. nakaw sulyap lang. hehe! sa sobrang cute nya. gusto ko sya nakawan ng halik. LOL! pero mukhang hindi ako type. hindi naman na kasi ako chinachat after nung transaction namin. kala ko type na ako (Asa! haha! ). ganun talaga. eh hindi eh! hehehe!

Pero im so HAPPY !!!! dahil may Baby na ako!! yey!! Happy Dance! meron na akong aalagaan. and i named her  "MAXENE" ^_^

Yung baby na hawak ko dyan sa pic. Inaanak ko yan! heheh! 

she's adorable, isn't she!?



LATEST PICTURE .DECEMBER 2012
4 months old. with STORM (my sister's dog)
1 1/2 months old

2 Months old

LATEST PIC -5months. Dec 2012

3 Months @ SM megamall

Time Machine




Nag daan ang isang buwan matapos ang bakasyon.. at nag simula na din ako mag hanap ng trabaho. nung naka tayo ako sa gilid ng stage.. at nag aabang na tawagin ang pangalan ko. madaming pumasok sa isip ko. nasabi ko sa sarili ko na, napaka dali lang siguro humanap ng trabaho. lalo na ngayon. graduate na ako. kung kaya ng iba. kaya ko din. at ng tawagin ako ay nakarinig ako ng hiyaw at palakpak mula sa mga classmates at professors ko. masarap sa pakiramdam. na sa huling araw kong 'yon sa school. kahit na graduate na ang mga ka batch ko. eh nagkaroon pa pala ako ng mga kaibigan. Masarap sa pakiramdam ang madaming kaibigan.

Pero hanggang doon nalang pala..

pagkatapos ng graduation eh kanya kanya na. minsan dahil sa iba iba din ang tawag ng company na pinag papasahan namin. eh hindi rin kami nag kaka sabay sabay. hanggang sa isa isa ng natatanggap ang mga kaibigan ko at ako.. hindi parin.

Dahil sa kaibigan, nakapasok ako sa CityBank , Outbound contact center. Taytay branch. madali lang ang interview. at nakapasok naman ako. at pagkalipas ng ilang araw. nag palit sila ng account at naging Pru-life UK. kung saan. naging ahente kami bigla lahat. sa hirap ng buhay sa Pinoy ngayon. napaka hirap ng maka benta ng insurance . at wala pa kami benipisyong matatanggap hanggat hindi kami nakaka benta. kaya isa isa na ang nag alisan. at hindi din ako nag tagal sa kompanya na yun.

Nag sumikap ako. dahil pinang hahawakan ko yung kasabihan na "kung hindi para sayo. hindi ibibigay. at kung sayo. ay para sayo talaga kahit ano ang mangyari"
dumaan ang isa, dalawa, tatlo hanggang sa ika limang  buwan ng pag hahanap ko ng trabaho. pero hindi padin ako natatanggap. dumating sa point na sumuko na ako. dahil lumabas na ako sa filed ko at pinasok ko na ang BPO. pero hindi pa din pinalad. laging " wait for a call after a week or two" , hindi nalang sabihin kung tanggap ka o hindi. pero alam ko naman kung ano ang ibig sabihin nun. kumbaga. subtle way of saying "i'm sorry, hindi ka tanggap".

Sa sobrang pressure ko. kung ano ano na ang ginawa ko para mag ka trabaho.halos mapudpod ang sapatos ko. at maligo ng pawis habang nililibot ko ang makati at ortigas. kahit hindi ko alam kung anong kompanya ang pupuntahan ko. minsan nga eh. gumagawa pa ako ng "Maling bagay" para mag ka pera. dahil ayaw ko na at nahihiya na ako mang hingi ng pera sa mama ko. para pantustos sa pag papa print. at pamasahe ko sa pag hahanap ng trabaho.

dumating pa ako sa point na pati pag a abroad. pinatos ko na. pero wala padin. nasa isip ko. kung hindi para saakin. bakit ako sinusubukan ng ganito. grabeng pag subok naman. :( hanggang sa pati ang diyos. sinisi ko na kung bakit ako hindi napag bibigyan. kasalanan man mag isip ng masama sa panginoon. patawarin ako ng mga readers,  pero nagawa ko. 

wala na akong ginawa noon kundi ang mag mukmok sa kwarto. mag self pitty. mag inom , mag bisyo ulit. minsan nag oopen nalang ng dating site at nakiki pag date kung kani- kanino para lang malibang. pero ang nasa isip ko pa din yung insecurity sa sarili ko. kung bakit walang tumatanggap saakin. nakapag tapos naman ako. hindi din naman ako BOBO . madami naman ako na achieve nung college pa ako. at kung ano ano ng competition ang sinalihan ko. maging active lang sa huling taon ko nung college.

kaya habang nakahiga ako nung isang gabi. naisip ko. sana may Time Machine , para bumalik ako sa simula. mula bata. Ang katawang lupa at panahon ay babalik sa dati. pero ang Utak at pag katao ko. buo na at hindi magiging bata ulit. kumbaga. panahon at katawan ko lang lang ang mag a-adjust..mag aaral ako ng mabuti. mag babasa ako ng madaming libro. hindi ako mag lalaro at mag pe petiks lang sa buhay. aayusin ko ang buhay ko. at mag sasanay ako mag salita ng english. dahil kasalanan ko ang lahat. hindi ako naging mabuting estudyante. inuna ko ang saya. inuna ko ang bisyo. ang barkada at panandaliang ligaya. kapalit pala nito ang sobrang pag sisisi. tama nga ang nakatatanda. 

"Pag sisisihan mo lahat ng bagay na ginawa mo noon. kahit na alam mong mali."

Nag sisi ako, at nag dasal. para sa isa pang chance.

Hanggang sa may tumawag saakin na agency. kung saan galing yung isa ko pang kaibigan/classmate na ngayon ay nasa kuwait na. naalala ko. nag pasa pala ako ng resume ko dun nati. at tinawagan ako for interview.

kinabahan ako . dahil sa dami ng applicante. pero pili lang ang nakuha. at sa awa ng dyos. nakapasok ako sa final interview. at 



NATANGGAP ako.! 

pero hindi pa nag tatapos dun ang lahat. dahil kailangan ko pang mag hintay ng ilang buwan para sa VISA. /OEC/ at ang kinatatakutan "daw" ng lahat ang GAMCA medical.

sana dumating na ang VISA ko at maipasa ko lahat ng exams. para maka lipad na papuntang 

KUWAIT...!

Thank you Papa Jesus. kahit po mag hintay ako ng matagal. alam ko may plano kayo para saakin. :)

Sa aking pag tatapos








Masaya ako ng malaman ko na isa pala ako sa ga graduate nung batch 2012. After 5 years of hardwork. grumaduate din. :) akala ko. mag kaka ugat na ako sa unibersidad na pinapasukan ko. hahahah! full support ang buong family at nakatanggap pa ng regalo galing kay kuya. yes! medyo okay na kami. hindi ko alam kung paano sya nag simulang kausapin ako. napakatagal din namin hindi nag usap. halos 5-6 taon. mula ng mamatay ang papa namin. anyways, saka ko na idedetalye ang storya ng buhay namin mag kapatid. steady muna tayo dito sa pag graduate ko. haha!! 

Tinapos ng inyong lingkod ang kursong BS-HRM, o Bachelors Degree of Hotel and Restaurant Management sa Jose Rizal University. 5 taon ko din binuno dahil sa pag i intern ko sa Singapore for six months. kaya nahuli ng 6 months. at yung 6 months pa ay ginamit ko para makompleto naman lahat ng back subjects ko na binagsak ko noong panahon na adik pa ako sa barkada. haha!! so kung hindi ako nag OJT sa Singapore. malalaman nila na madami akong bagsak. so naging daan na din yun para mapag takpan ko ang nakaraang kasalanan. LOL!

Pinasok ko ang kursong HRM, HINDI dahil sa gusto kong mag luto o matutunan ang mundo ng Hospitality . kaya ko sya pinili dahil yun ang pinaka murang COURSE that time. dahil ng panahong yan eh. 2 kami nag aaral ng ate ko sa college at isang hamak na tindera lamang ang aming ina sa palengke sa Pasig. kaya bumagsak nalang ako sa kursong hindi ko naman gusto , at sa eskwelahang pinili NILA para saakin. para maka TIPID. :(

Sa limang taon pakikipag sapalaran sa JOSE RIZAL UNIVERSITY. madami naman ako nakilala. naging kaibigan. naka away. madami akong natutunan sa buhay, na experience, doon ako namulat sa makamundong bagay. at dumating pa nga sa point na sinubukan ko ang mga bagay na hindi dapat ginagawa. pero dahil sa kalikutan ng utak ko. at sa matinding curiosity bilang teen ager. sinubukan ko. natikman ko lahat ng Bisyo. hindi naging dahilan saakin ang hirap ng buhay para mag pursigi. baliktad ako. ginamit ko ang hirap ng buhay para mag mukang mayroon. ibig sabihin. nag paka SOCIAL CLIMBER ako. sumasama ako sa BARKADAHAN ng mayayaman sa school. nakiki sakay sa kotse. nakiki party. nakiki shopping nakiki food trip at kung ano ano pa. 

Napaka Flexible kong tao sabi nila. kaya kahit anong antas pa ng buhay mo. kaya kitang sabayan. hindi ko alam kung natural yon. o dahil sa "dalawa" ang pagkatao ko.

Hanggang sa dumating ang mga pag subok. Bumabagsak ako sa mga subjects ko, kapalit ng lakad ng barkada. hindi pwedeng laging "PASS" kasi baka hindi makasabay. at ayaw masabihan ng "KJ" o "Patay na bata" . at ang pinaka malupit pa eh nung nag nanakaw ako ng tuition. nagawa ko pang mag pagawa ng RESIBO. para lang masabi na ganun talaga ang binayaran ko. mabigat sa loob ko. pero kailangan kong gawin para "MAKASABAY".

Habang tumatagal ako sa pag aaral. nakikita ko ang sarili ko sa BABA. kasama nila na isa isa ng nawawala sa school. na kung  hindi LUMIPAT ng school , eh Nakabuntis o NABUNTIS naman .walang pinatutunguhan. Hanggang sa bumalik ako sa dati kong mga kaibigan, mga una kong nakasama at sila ang nakalimutan ko na. pero sila hindi nila ako kinakalimutan na alalayan at pag sabihan. at tinanggap nila ako ng buo. nung panahong wala na akong kasama at lagi ng mag isa. Nung malugi ang negosyo namin. Muntik na akong hindi makapag enrol noong 3rd year 1st sem. Pero pinilit ko si mama, kahit na alam kong hindi na kaya. sa pag pasok ko , doon ko naranasan na pumasok ng walang baon. Pamasahe lang. kahit Full load ako . Tinitiis ko ang gutom.kakain nalang ako ng marami sa bahay. at uuwi nalang ng maaga para makakain ulit pagkatapos ng klase.

Hanggang sa dumating ang araw na mag tatapos na ang mga kaibigan ko. at ako hindi parin. mabait parin ang diyos dahil binigyan nya ako ng 2nd chance. pumasok ang Global internship at napasama ako sa nag OJT sa Singapore. inayos ko ang trabaho at umuwi akong masaya. bumalik ako ng pag aaral at sinikap kong makatapos.

at sa palagay ko. isa na yun sa pinaka Maganda at masayang regalo na binigay ko sa Mama ko. nung gabing yon, naramdaman ko kung gaano sya ka proud sa akin. kasama ng buo kong pamilya. Salamat sa Dyos. Salamat sa mga kaibigan ko. 

Sa mga tao na naging daan para tumibay ako. sa lahat ng mga nakasama ko. mula professors classmates at iba pang faculty ng school. salamat.

Ngayon.. haharapin ko na ang Bukas, dahil alam ko. ang pag tatapos ko.

ay simula palang ng hamon ng buhay.

Ang Pag babalik



Hello Bloggers !! I'm Back !!! <3 font="font">






About the Author