Nag daan ang isang buwan matapos ang bakasyon.. at nag simula na din ako mag hanap ng trabaho. nung naka tayo ako sa gilid ng stage.. at nag aabang na tawagin ang pangalan ko. madaming pumasok sa isip ko. nasabi ko sa sarili ko na, napaka dali lang siguro humanap ng trabaho. lalo na ngayon. graduate na ako. kung kaya ng iba. kaya ko din. at ng tawagin ako ay nakarinig ako ng hiyaw at palakpak mula sa mga classmates at professors ko. masarap sa pakiramdam. na sa huling araw kong 'yon sa school. kahit na graduate na ang mga ka batch ko. eh nagkaroon pa pala ako ng mga kaibigan. Masarap sa pakiramdam ang madaming kaibigan.
Pero hanggang doon nalang pala..
pagkatapos ng graduation eh kanya kanya na. minsan dahil sa iba iba din ang tawag ng company na pinag papasahan namin. eh hindi rin kami nag kaka sabay sabay. hanggang sa isa isa ng natatanggap ang mga kaibigan ko at ako.. hindi parin.
Dahil sa kaibigan, nakapasok ako sa CityBank , Outbound contact center. Taytay branch. madali lang ang interview. at nakapasok naman ako. at pagkalipas ng ilang araw. nag palit sila ng account at naging Pru-life UK. kung saan. naging ahente kami bigla lahat. sa hirap ng buhay sa Pinoy ngayon. napaka hirap ng maka benta ng insurance . at wala pa kami benipisyong matatanggap hanggat hindi kami nakaka benta. kaya isa isa na ang nag alisan. at hindi din ako nag tagal sa kompanya na yun.
Nag sumikap ako. dahil pinang hahawakan ko yung kasabihan na "kung hindi para sayo. hindi ibibigay. at kung sayo. ay para sayo talaga kahit ano ang mangyari"
dumaan ang isa, dalawa, tatlo hanggang sa ika limang buwan ng pag hahanap ko ng trabaho. pero hindi padin ako natatanggap. dumating sa point na sumuko na ako. dahil lumabas na ako sa filed ko at pinasok ko na ang BPO. pero hindi pa din pinalad. laging " wait for a call after a week or two" , hindi nalang sabihin kung tanggap ka o hindi. pero alam ko naman kung ano ang ibig sabihin nun. kumbaga. subtle way of saying "i'm sorry, hindi ka tanggap".
Sa sobrang pressure ko. kung ano ano na ang ginawa ko para mag ka trabaho.halos mapudpod ang sapatos ko. at maligo ng pawis habang nililibot ko ang makati at ortigas. kahit hindi ko alam kung anong kompanya ang pupuntahan ko. minsan nga eh. gumagawa pa ako ng "Maling bagay" para mag ka pera. dahil ayaw ko na at nahihiya na ako mang hingi ng pera sa mama ko. para pantustos sa pag papa print. at pamasahe ko sa pag hahanap ng trabaho.
dumating pa ako sa point na pati pag a abroad. pinatos ko na. pero wala padin. nasa isip ko. kung hindi para saakin. bakit ako sinusubukan ng ganito. grabeng pag subok naman. :( hanggang sa pati ang diyos. sinisi ko na kung bakit ako hindi napag bibigyan. kasalanan man mag isip ng masama sa panginoon. patawarin ako ng mga readers, pero nagawa ko.
wala na akong ginawa noon kundi ang mag mukmok sa kwarto. mag self pitty. mag inom , mag bisyo ulit. minsan nag oopen nalang ng dating site at nakiki pag date kung kani- kanino para lang malibang. pero ang nasa isip ko pa din yung insecurity sa sarili ko. kung bakit walang tumatanggap saakin. nakapag tapos naman ako. hindi din naman ako BOBO . madami naman ako na achieve nung college pa ako. at kung ano ano ng competition ang sinalihan ko. maging active lang sa huling taon ko nung college.
kaya habang nakahiga ako nung isang gabi. naisip ko. sana may Time Machine , para bumalik ako sa simula. mula bata. Ang katawang lupa at panahon ay babalik sa dati. pero ang Utak at pag katao ko. buo na at hindi magiging bata ulit. kumbaga. panahon at katawan ko lang lang ang mag a-adjust..mag aaral ako ng mabuti. mag babasa ako ng madaming libro. hindi ako mag lalaro at mag pe petiks lang sa buhay. aayusin ko ang buhay ko. at mag sasanay ako mag salita ng english. dahil kasalanan ko ang lahat. hindi ako naging mabuting estudyante. inuna ko ang saya. inuna ko ang bisyo. ang barkada at panandaliang ligaya. kapalit pala nito ang sobrang pag sisisi. tama nga ang nakatatanda.
"Pag sisisihan mo lahat ng bagay na ginawa mo noon. kahit na alam mong mali."
Nag sisi ako, at nag dasal. para sa isa pang chance.
Hanggang sa may tumawag saakin na agency. kung saan galing yung isa ko pang kaibigan/classmate na ngayon ay nasa kuwait na. naalala ko. nag pasa pala ako ng resume ko dun nati. at tinawagan ako for interview.
kinabahan ako . dahil sa dami ng applicante. pero pili lang ang nakuha. at sa awa ng dyos. nakapasok ako sa final interview. at
NATANGGAP ako.!
pero hindi pa nag tatapos dun ang lahat. dahil kailangan ko pang mag hintay ng ilang buwan para sa VISA. /OEC/ at ang kinatatakutan "daw" ng lahat ang GAMCA medical.
sana dumating na ang VISA ko at maipasa ko lahat ng exams. para maka lipad na papuntang
KUWAIT...!
Thank you Papa Jesus. kahit po mag hintay ako ng matagal. alam ko may plano kayo para saakin. :)
2 comments:
Jeremiah 29:11 "for I know the plans I have for you . A plan to prosper you and not to harm you . A plan to give you hope and a future."
:)
Godbless bro.
Thank you Mr. Bigotilyo ! ^_^ God Bless you too.
Post a Comment