Masaya ako ng malaman ko na isa pala ako sa ga graduate nung batch 2012. After 5 years of hardwork. grumaduate din. :) akala ko. mag kaka ugat na ako sa unibersidad na pinapasukan ko. hahahah! full support ang buong family at nakatanggap pa ng regalo galing kay kuya. yes! medyo okay na kami. hindi ko alam kung paano sya nag simulang kausapin ako. napakatagal din namin hindi nag usap. halos 5-6 taon. mula ng mamatay ang papa namin. anyways, saka ko na idedetalye ang storya ng buhay namin mag kapatid. steady muna tayo dito sa pag graduate ko. haha!!
Tinapos ng inyong lingkod ang kursong BS-HRM, o Bachelors Degree of Hotel and Restaurant Management sa Jose Rizal University. 5 taon ko din binuno dahil sa pag i intern ko sa Singapore for six months. kaya nahuli ng 6 months. at yung 6 months pa ay ginamit ko para makompleto naman lahat ng back subjects ko na binagsak ko noong panahon na adik pa ako sa barkada. haha!! so kung hindi ako nag OJT sa Singapore. malalaman nila na madami akong bagsak. so naging daan na din yun para mapag takpan ko ang nakaraang kasalanan. LOL!
Pinasok ko ang kursong HRM, HINDI dahil sa gusto kong mag luto o matutunan ang mundo ng Hospitality . kaya ko sya pinili dahil yun ang pinaka murang COURSE that time. dahil ng panahong yan eh. 2 kami nag aaral ng ate ko sa college at isang hamak na tindera lamang ang aming ina sa palengke sa Pasig. kaya bumagsak nalang ako sa kursong hindi ko naman gusto , at sa eskwelahang pinili NILA para saakin. para maka TIPID. :(
Sa limang taon pakikipag sapalaran sa JOSE RIZAL UNIVERSITY. madami naman ako nakilala. naging kaibigan. naka away. madami akong natutunan sa buhay, na experience, doon ako namulat sa makamundong bagay. at dumating pa nga sa point na sinubukan ko ang mga bagay na hindi dapat ginagawa. pero dahil sa kalikutan ng utak ko. at sa matinding curiosity bilang teen ager. sinubukan ko. natikman ko lahat ng Bisyo. hindi naging dahilan saakin ang hirap ng buhay para mag pursigi. baliktad ako. ginamit ko ang hirap ng buhay para mag mukang mayroon. ibig sabihin. nag paka SOCIAL CLIMBER ako. sumasama ako sa BARKADAHAN ng mayayaman sa school. nakiki sakay sa kotse. nakiki party. nakiki shopping nakiki food trip at kung ano ano pa.
Napaka Flexible kong tao sabi nila. kaya kahit anong antas pa ng buhay mo. kaya kitang sabayan. hindi ko alam kung natural yon. o dahil sa "dalawa" ang pagkatao ko.
Hanggang sa dumating ang mga pag subok. Bumabagsak ako sa mga subjects ko, kapalit ng lakad ng barkada. hindi pwedeng laging "PASS" kasi baka hindi makasabay. at ayaw masabihan ng "KJ" o "Patay na bata" . at ang pinaka malupit pa eh nung nag nanakaw ako ng tuition. nagawa ko pang mag pagawa ng RESIBO. para lang masabi na ganun talaga ang binayaran ko. mabigat sa loob ko. pero kailangan kong gawin para "MAKASABAY".
Habang tumatagal ako sa pag aaral. nakikita ko ang sarili ko sa BABA. kasama nila na isa isa ng nawawala sa school. na kung hindi LUMIPAT ng school , eh Nakabuntis o NABUNTIS naman .walang pinatutunguhan. Hanggang sa bumalik ako sa dati kong mga kaibigan, mga una kong nakasama at sila ang nakalimutan ko na. pero sila hindi nila ako kinakalimutan na alalayan at pag sabihan. at tinanggap nila ako ng buo. nung panahong wala na akong kasama at lagi ng mag isa. Nung malugi ang negosyo namin. Muntik na akong hindi makapag enrol noong 3rd year 1st sem. Pero pinilit ko si mama, kahit na alam kong hindi na kaya. sa pag pasok ko , doon ko naranasan na pumasok ng walang baon. Pamasahe lang. kahit Full load ako . Tinitiis ko ang gutom.kakain nalang ako ng marami sa bahay. at uuwi nalang ng maaga para makakain ulit pagkatapos ng klase.
Hanggang sa dumating ang araw na mag tatapos na ang mga kaibigan ko. at ako hindi parin. mabait parin ang diyos dahil binigyan nya ako ng 2nd chance. pumasok ang Global internship at napasama ako sa nag OJT sa Singapore. inayos ko ang trabaho at umuwi akong masaya. bumalik ako ng pag aaral at sinikap kong makatapos.
at sa palagay ko. isa na yun sa pinaka Maganda at masayang regalo na binigay ko sa Mama ko. nung gabing yon, naramdaman ko kung gaano sya ka proud sa akin. kasama ng buo kong pamilya. Salamat sa Dyos. Salamat sa mga kaibigan ko.
Sa mga tao na naging daan para tumibay ako. sa lahat ng mga nakasama ko. mula professors classmates at iba pang faculty ng school. salamat.
Ngayon.. haharapin ko na ang Bukas, dahil alam ko. ang pag tatapos ko.
ay simula palang ng hamon ng buhay.
No comments:
Post a Comment