Pa- PEYSBUK nga!!!!!!!!!!!!!



“PA – PEYSBUK NGA!!!!”. Linya ng estudyante na uubusin ang baon para makapagrent sa isang internet shop. Linya ng isang empleyado pagkadating niya sa opisina at naabutang ginagamit ng katrabaho ang office computer. Linya ng kapitbahay na gustong maki gamit ng internet sa kadahilanang hindi siya nakapagbayad ng bill. At kung sino man ang sinasabihan nila, malamang ang isasagot nito ay.. “teka, log out ko lang..”. Nagpe-facebook din pala.


Facebook. Ang social networking site na lumamon sa myspace at friendster. Ito rin ang pilit kinakaibigan ng ilan pang aspiring forms of social media. Pansinin mo, yung mga bagong kumakaribal sa Facebook e may feature kung saan magrereflect din sa FB account mo ang kung ano mang post mo, gamit ang site nila. Gaya nalang ng twitter, tumblr at kung ano ano pa. Parang pelikula. Pag pinalabas ito sa sinehan sa guadamall (ang mabagsik na mall sa guadalupe), ipapalabas din ito sa sinehan ng MOA. Nagkakaiba nga lang sa level ng urine aroma at dami ng surot sa upuan.

Sa sobrang popularidad nito ay pwede na itong iconsider na necessity. Iba na ngayon. Humans need food, water and facebook. Clothing? Ano ngayon kung nakahubad. At least. nakaporma ka naman sa bago mong profile picture. Pwede na ngang iconsider ang kasalukuyan bilang “The Facebook Era”. Ang panahon kung saan tangap na ang mga bading at tomboy (kaya ikaw, wag na magpanggap, ok na daw, di mo na kelangan mag gym kuno), kung saan mas mahal nang mga tao ang aso kesa sa kapwa nila tao (inday!! ibigay mo ung ulam mo kay brownie, mag skyflakes ka nalang!!!), kung saan lahat ay tumatakbo sa mga marathon, kung saan lahat ay may necklace na ang pendant ay isang mamahaling camera, kung saan papalitan na ng cobra at sting ang dumadaloy sa mga tubo ng NAWASA, kung saan lahat ng statement ay dapat magtapos sa isang uri ng emoticon (uy, tang ina mo, joke. (“,) ). Lahat ito ay bahagi na ng social norm. Lahat tangap na. Pero huwag. Uulitin ko. HUWAG NA HUWAG mong sasabihin, lalo na sa isang pampublikong lugar na. “Ay, wala akong Facebook eh..”. Patay ka dyan brad. Kiss of death yun. Baka bigla kang paskilan ng papel sa noo mo na may nakasulat na EEEWWWW!!!. Baka biglang magkaroon ng caste system sa pinas at lahat ng walang FB account ay mga untouchables. Pwede ring i-ekskomunikado ka ng simbahan katoliko at ipapakalat ito sa mga tweet ng arsobispo.

Kung stalker ka, di na kelangan ng paliwanag kung bakit adik na adik ka sa FB. Pero para sa masa. Ano bang meron dito?

Bukod sa green joke na ibinulong sayo nung tropa mong adik, pwede ka ding magshare ng pictures (aka pix),videos, notes at mga links mula sa iba pang sites. Makikita ito ng mga “friends” mo at pwede silang magkomento dito. Walang limit ang pagpo post. May sense man o wala. Healthy nga daw ito sabi nung mga sociologist. Exercising our rights to free speech daw ito. Pero lahat ba e post-worthy? O karamihan ay nagdadala lang ng badtrip.

Freedom of speech pala ha. Ito ang post ko tungkol sa mga post ng iba. Guilty tayo dito.

1. Iwasan ang pabigla – biglang pagpapalit ng relationship status. Lalo na kung mababaw lang ang dahilan tulad ng late reply sa text o hindi pag iloveyou sayo ang jowa mo kaninang alas tres (sarili nyong 3 o’clock habit). Dahil pag nagka-ayos kayo, at ibinalik mo sa dati ang status mo, ikaw din ang magmumukhang praning.

2. Walang masama kung purong tagalog ang shout out mo. Wag matakot na sabihan nang “uy makata”. Kesa naman panay nga ang english, sablay naman ang grammar at hindi kakikitaan ng sense ang sinabi. (iba ang you’re sa your).

3. Check in. Ang post kung saan sinasabi ang kasalukuyan mong lokasyon. Positibo. Pwedeng maging safety precaution. At least alam nila kung saan ka huling pumunta sakaling di ka mahagilap ng ilang araw. Negatibo. Easy prey ka sa mga serial killers o sa kaibigan na may galit sayo. (Ingat ka silvestre. hehehe)

4. May “about you” page ang FB. Dun mo isusulat ang mga hilig mo. Di mo na kelangan pang magpost ng magpost ng mga youtube videos nila Ozzy Osbourne, Metallica o Korn para ipagdiinan na rakista ka. Ikaw din, baka mahirapan kang panindigan. Lalo na pag tumugtog na ang paborito mong kanta ni Katy Perry. Napaindak at sing along si kumag.

5. Hindi kelangan magpost ng mga litrato o video nang iniembalsamo o bangkay na durog durog ang katawan at labas ang mga laman loob. Palit kaya kayo nung andun sa picture. Ako naman ang magpopost.

6. Magtira ng konting privacy para sa sarili. Hindi lahat ng bagay ay dapat ishare. Lalo na sa social media. Sarilinin mo nalang ang gusot sa pamilya o away mag asawa. Pribado na yon. Post ka ng post, tapos mababadtrip ka kung gagawing pulutan sa inuman ang kwento ng buhay mo.

7. Ok lang ipost ang mga bago mong gamit. Gaya ng mga gadget, damit o accessories. Natural lang maging proud ka lalo na kung pinaghirapan mo o importanteng tao ang nagbigay sayo nito. Di lang siguro tama na sabihing “hay nakakapagod na magshopping, andami ko kasi pinamili”.

8. Kung sakaling may nagpost ng malungkot o kaya’y tungkol sa isang masamang pangyayari sa kanila, wag mong i-like. Ano yun? Nagustuhan mo pa na sumemplang siya sa kanal.

9. Wag mong i-like ang sarili mong post. Kaya nga pinost mo in the first place. Mas malala kung ikaw din ang magcocomment. Parang loner ka naman nun.

10. Wag kang basta basta magpost ng nakakagagong comment, lalo na sa mga picture kung saan may mga taong di mo kilala. Halimbawa: “Pre, sino yang kasama mo sa pic? si Bella Flores?”. Huli mo na nalaman. Girlfriend pala niya yun.

11. Kung sakaling may nagpost ng matino at informative na mensahe. Magpasalamat. Huwag mag angas sabay comment nang “ay luma na yan, huli kana sa balita” o kaya “wala, kalokohan lang yan”. Wag kang magmagaling. Matalino kaba na parang si Rizal? E di pabaril ka sa Luneta.

12. Wag gamitin ang FB para magpakalat ng maling impormasyon at maghatid ng mass hysteria. Pero kung sino man ang napost na aabot dito ang radiation sa japan. Nagpapasalamat sayo ang manufacturer ng Betadine.

13. Wag sumali at i-like ang isang fan page kung puro kagaguhan lang ang ipopost mo sa wall nito. Halimbawa, nagpamember ka sa page ng isang seksing artista tapos mag cocomment ka lang ng “uy, sarap mo naman, parang mainit na lugaw sa malamig sa madaling araw”. Tapos magtataka, “hala.. bakit ako na banned?”.

14. Hindi lang ikaw ang may gustong manood ng sine. Wag kang mag post ng mga spoilers na maaaring ikabadtrip ng iba. “just watched Nardong Putik: Ang Pagbabalik Ni Totoy Burak, ganda ng ending, napatay nya ung kontra bida sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo ng isang palayok, pero sad dahil huli na nang malaman nya na tatay niya pala yun..”.

15. Di naman ata kelangan simulan ang post mo sa salitang “Damn!!” o kaya “Oh gosh” lalo na kung di naman malubha o kagulat gulat ang pangyayari. Halimbawa: “oh gosh, umuulan”. Taga saudi???

16. Wag matawa at kantyawan kung corny o masyadong romantiko ang isang post. Tandaan mo, magmamahal ka din. Lintik lang ang walang ganti. Dami kong kilalang ganyan.

17. Ok lang siguro ipost kung ano at kung saan ka kumakain. Iwasan lang yung pagpopost ng close up pictures nung pagkain mismo. Marami ang nagpapalipas ng gutom sa pamamagitan ng Facebook. Sino ka para inggitin sila. Parang yung feeling na, asa air-con bus ka, pauwi sa bahay at gutom tapos may kumag na kakain ng burger at fries. Langhap mo ang bawat kagat niya. Di maka tao. Dapat palitan ang pangalan niya. Gawing Lucifer.

18. Ok lang siguro ang mag post sa paraang Jejemon. Trip mo yun e. Wag mo nga lang asahan na seseryosohin ka kahit matino ang gusto mong sabihin. Expect mo rin na lahat ng comment sayo e magtatapos sa “jejejeje”.

19. Wag magimbita sa isang okasyon gamit ang shout out mo, tapos may ita-tag ka lang na piling tao. Bangag kaba? Makikita ng lahat ng “friends” mo na iilan lang ang gusto mo papuntahin sa nasabing okasyon.

20. Pwede ba?? HINDI PORKET ALL CAPS E GALIT ANG NAGPOST. BAKA LUMUBOG AT NASTUCK LANG ANG CAPS LOCK.

21. Sapat naman na siguro ang tatlong exclamation point para ipaalam sa bumabasa na puno ng emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng punctuations porket walang bayad ang extra characters tulad ng sa text messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Mali yun. Dapat. Pakyu ka!!!

22. Iwasang magpost kung ikaw ay (a) lasing, (b) nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot o (c) hindi tinirahan ng ulam. Walang gustong makabasa ng pag aamok mo na puno ng mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam ng “FB rage”, magpahid ng menthol toothpaste sa mga palad, at itampal tampal sa mukha mo hanggang sa kumalma.

23. Oo, dapat sulitin ang unlimited surfing na maghapon mong binantayan para lang maregister. Pero di ibig sabihin nun na post lang ng post. Halimbawa, ang ilalagay mo sa shout out mo e tatlong magkakasunond na tuldok. Ano yun? Buti pa quote nalang. Time is gold.

24. Wag trigger happy sa “share” button. Hindi porket di nagappear sa profile page ang mabangis mong status message e kelangan mong tiktikin ang pagpindot. Antayin mo lang. Mamaya ilang beses na pala napost. Paulit ulit. Wag kang atat. Lalo na kung ang ipopost mo e “Patience is a virtue”.

25. Wag mong kakumpetensyahin ang youtube sa dami ng video na nakapost sa wall mo. OK lang siguro kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan may nag susurfing na pusa o kaya naman e makabuluhang excerpt ng isang documentary. Wag naman yung lahat ng mtv ng kantang marinig mo sa jeep o lahat ng episode ng wow mali.

26. Wag ipahamak ang sarili. Kung sakaling pwede naman palang acronym ang isang term e wag mo na itong buuhin sa iyong post. Loud out loud!!!!.

27. Hindi masamang makisali sa mga occasional drives o campaigns. Tulad ng paggamit ng picture ng nanay mo pag mother’s day o pag post ng mensahe tungkol sa cancer bilang status message mo. Hindi porket di ka nakisali e cool o mas sophisticated ka.

28. Kung may nagcomment o nagpost sa wall mo na di mo kilala ang pangalan pati na ang picture. I-open saglit ang profile. Wag mo agad replyan ng makamandag na “HU U?”. Malay mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang pangalan. O kaya naman e dinagdagan ng H. Mhayhumhi Pharhedez.

29. Kung magcocomment ka, halimbawa sa isang picture, iwasang gumamit ng paghahalintulad sa ibang tao lalo na kung kagaguhan lang ang sasabihin mo. Halimbawa, “baduy ng porma mo pre, parang bisaya lang” o kaya “mukha kang magsasaka”. Tandaan, di ka lamang o nakahihigit sa mga bisaya at magsasaka. Ikaw kaya, magpost ka ng video tungkol sa mga unggoy, tapos may magcomment, “ambobobo naman nila, parang ikaw”.

30. Wag kang magatubiling bumati sa mga post tungkol sa panganganak ng isang ina, pagpapakasal ng magsing irog o pagkatangap sa trabaho. Sa magulong mundo, hindi ba’t masarap ishare ang mga positibong pangyayari.

Code of ethics. Wala. Oo. Walang basagan ng trip.

Pero hindi ba mas maganda kung ginagamit mo to sa matinong paraan?

Pa-Peysbuk nga!!!






TSINELAS

“O, okay ka lang?” Tanong mo sa akin, nagliligpit ka na ng gamit bago mag- ayos ng katawan at matulog. Maaga ka pa pala bukas, board exams mo na. Tumango lamang ako, tulad ng nakagawian. Hindi ka umimik.
Kahit naman sabihin kong oo, halata namang hindi. Hindi ako okay. Hindi at okay- hindi bagay magsama sa isang pangungusap lang. Kaso ganoon talaga. Iyon lamang ang nalalaman kong paraan upang maisalawaran kung “okay nga ba ako?”
Nalulungkot ako. Dahil ba sa nalulungkot ka, hindi ka na okay? Ano ba ang maging okay? Ano ba ang okay? Nalulungkot ako. Nalulungkot talaga ako. Kulang pa nga ito upang maihayag kung ano itong pumipiga sa puso ko. Bakit nga ba ako malungkot- dito, ngayon, sa eksaktong lugar at oras na ito? Tulad ng tuwalyang sinabunan at binabanlawan ko kanina ang puso ko: pigang- piga. May ipipiga pa ba?
Tingnan mo nga naman, kung anu- ano na itong naiisip at nasasabi ko!
Hindi naman ako humagulgol, nakapapagod iyon. Tuluy- tuloy lamang ang naging pagdaloy ng luha sa aking mga pisngi, pero kung tutuusin nakapapagod din ito. Iisipin mo pa kung bakit kailangan mo pang pag- isipan at pag- ukulan ito ng panahon! Iyon yung mga pagkakataong hindi mo na makontrol. Mamamalayan mo na lamang na nangyayari na pala. Nagkakaroon na pala ng kaganapan. Tila bago akong hilamos- sa luha.
Napangiti na lamang ako nang muli mong lingunin. Ngiting
sana
kakitaan mo pa ng lakas, lakas na galing din naman sa iyo. Sabihin na nating ng pagmamahal ko sa iyo.
“Nakakain ka na ba?” Tanong ko. Tumango ka naman bilang tugon.
“May tubig pa ba tayo?” Tanong mo, nagbibihis ka na’t nagtatanggal ng sapatos.
“Paubos na.”
Buwan- buwan kasi ang rasyon ng tubig sa atin. Kung bakit kasi hindi pa ito magawan ng paraan ng lokal na pamahalaan.
“Nasaan na pala iyong tsinelas ko?”
“Ewan ko, saan mo ba iniwan kanina?”
“Hindi ko na matandaan eh…”
“Alalahanin mo muna kung saan mo huling nilagay.”
Katahimikan.
Naglakad ka mula sa
kama
hanggang sa may banyo nang walang sapin sa paa. Nakakunot ang noo mo sa iyong pagbalik. “Nawawala talaga. Wala rin sa banyo.”
Paano mo nga ba naman kasi mahahanap ang isang bagay na nawawala? Patuloy mong hahanapin. Masuwerte ka kung mahahanap mo nga. Kung hindi naman, ayos lang. Maaari kang maghanap ng panibago upang mapalitan o di kaya’y tuluyan mo na lamang itong kalilimutan. Makakalimutan mo nga ba o mananatili itong naroon at bahagi ng iyong pag- iral, kahit hindi mo na mamalayan? Ang paghahanap na ito ay naiiba sa paghahanap sa isang bagay na hindi mo alam kung saan mo inilagay.
Paano mo mababalikan ang isang bagay na hindi mo alam kung saan mo iniwan?
“Bilhan na lang kita ng bago.” Sabi ko. “Anong gusto mong kulay?”
“Hindi na… sige na, tulog na tayo,” sabi mo, sabay higa. Nakaharap ka sa akin, sabay talikod. Bahagya kang bumangon, sabay halik sa aking pisngi. “Good night.”
Minahal kita sa sandaling hindi mo namamalayan. Paano kung sa sandaling hindi ko napaghandaan, bigla na lamang mawala ang ningas ng minsan nating matamis na pagtitinginan?
“Anong
plano
mo sa buhay?” Tanong mo. Gabi
noon
, sabi mo ihahatid mo na lang ako pauwi kung kaya’t hindi na rin ako nag- alala sa oras.
Sa puntong iyon pa lamang, nagkakalapit na ang ating kalooban. Hindi ko maitatanggi na mabilis na nahulog ang kalooban ko sa iyo. “Marami.”
“Gusto ko, simpleng buhay lang. Masaya. Iyong tipong kuntento ako sa kung anong meron at kasama ko mga mahal ko sa buhay. Ganun.. eh ikaw?”
Pangiti- ngiti ka pa noong una. Ngiting naging dahilan ng una kong pagluha. “Ganun na ganun din.”
Sayang, kung naghintay pa siguro tayo ng mas matagal bago natin pinasok ang relasyong sa kalaunan, hindi rin pala makakabuti sa atin.
Kaya pala ang Diyos, hindi lamang bigay nang bigay. Kaya pala tinuturuan niya bawat isa na maghintay.
Kaya pala kapag bata ka, pinupuna nila ang mga ginagawa mo. Good girl, bad girl. Good boy, bad boy. Dahil sa huli, hindi lamang sa iyo umiikot ang mundo. Kay rami nilang maaari mong masaktan, o matulungan o mahalin, ipaglaban. Sa bawat kilos mo, mayroong maaapektuhan.
Kaya pala ang tao, mayroong pilit na pinatutunayan sa sarili at sa kapuwa. Dahil mayroon siyang hinahanap, hindi niya matumbok- tumbok, kahit batid niya kung ano nga iyon.
Sa wakas, dumating din ang gabing kay tagal kong pinaghandaan. Kay tagal kong naghihintay rito, sa salas na iniayos ko rin sa paraang gusto mo. Simple lang naman ang inihanda ko para sa gabing ito. Pasado ka sa exams! Nakalagay ang pangalan mo sa diyaryo. Binati na rin ako ng mga kaibigan natin. Ng mga kamag- anak.
Nabili ko na pala iyong ipapalit natin sa tsinelas mo. Ikaw naman kasi, kung saan- saan mo inilalagay! Kapag hindi mo talaga iningatan, mawawala iyan! Ang tagal- tagal mo nang ginagamit iyon, nasaang lupalop na kaya iyon?! Mahuhuli raw pala ang rasyon ng tubig para sa buwang ito. Ayun, nagreklamo na ang mga kapitbahay sa baranggay! Ewan ko ba, bakit ganyan ang mga tao, pabaya! Ang dami- raming mapeperwisyo sa ginagawa nilang iyan!
Lumamig na ang putaheng magiisang- oras ko nang naihanda. Pulos balita na rin ang mapapanood sa telebisyon na napanood ko na kanina pa sa TV Patrol. Pinatay ko na lamang ang telebisyon. Nakaidlip na nga ako nang may kung ilang minuto.
Iniwan ko na lamang ang tsinelas sa may paanan ng
kama
natin. Makikita mo agad iyon, tiyak na ikatutuwa mo. Hindi ba’t ganoon ka pa rin naman? Natutuwa sa mga simpleng bagay.
Maaga akong nagising. Hindi ka pa rin pala dumarating.
Naghanda ako ng iyong almusal, iyong paborito mong vienna sausage at corn soup. Nag- init na rin ako ng kaunting tubig na iyong ipanliligo. Inihanda ko na rin ang isusuot mo para sa araw na ito.
Malaki ang ngiti ko ngayong umaga. Ngiting minsan, sabi mo, naging dahilan ng pagkakahulog ng iyong kalooban sa akin. Sa ganitong pagkakataon, hindi maiwasang balik- balikan ang nakaraan. Sapagkat naroon ang minsan nating pinangarap. Minsan nating mga mithiin, minsan nating mga takot at pangamba.
Hindi ka na darating. Sayang naman ‘tong mga inihanda ko para sa’yo! Nagsayang lang ako ng panahon! Ang dami kong ginawa para sayo! Gaganituhin mo lang ako! Kung alam ko lang, hindi
sana

Hindi ba’t ang pagngiti’y para lamang sa nagagalak? Hindi ba ako dapat na matuwa sapagkat nabigyan na ng kasagutan ang matagal ko nang hinala?
“Okay ka lang ba?” Tanong mo. Kumakain tayo ng agahan
noon
. Huling beses kong inihanda ang hapag- kainan para sa iyo. Huling beses na hinugasan ko ang plato mo. Huling beses na nagpahalik sa iyo ng “Bye, ‘dy”, “Ingat…” Tiningnan kita nang hindi kumukurap. May kung ilang segundo rin iyon. Sabay ngiti, “Okay lang. Ang tanong, ikaw, okay ka lang ba?”
Wala kang naisagot.
Doon
pa lamang, naunawaan ko na. Pakakawalan na kita. Nakasisiguro na ako..






National FOOD Showdown 2011.

At dahil matagal tagal din akong hindi nakapag bahagi sa inyo. malamang ginutom na kayo sa mga post ko. echos! hahahah! (asa) . sa sobrang busy ng inyong lingkod sa kanyang tinatahak na larangan sa sining ng pagkain. heto at bibigyan ko kayo ng ilang larawan, mga kaganapan sa nakaraang national food showdown na ginananap sa world trade center kamakailan lang.

dahil sa mahalagang okasyon na ito. at bilang isa sa organizer/officer sa aming pangkat.
kami ay nag over night sa school mini hotel. sa dami namin , salamat naman at nag kasya kami. nakalibre ako ng malambot na higaan sa malamig na kwartong pinaliligiran ng kalalakihan palamuti.lol!. di naman nakatulog sa ingay nila. mga excited!!

hala bangon na!!peace!













welcome to the "national food showdown 2011" .!!



ipapakita ko muna sa inyo ang mga larawan ng mga cake na gawa ng ating mga malikhaing kabataan sa industriya ng HRM.
















































maniwala kayo o sa hindi. cake yang mga yan! at lahat ay edible. kaya after ng grading, nilantakan nung iba. lalo na sa mga hindi nag lunch! hahahah!

syempre ako naman.. sa mga ayaw makita ang mukha ko. pakilagpasan nalang! hahah!!.pasintabi po sa mga kumakain..o heres my pic..




















kami naman ni sir..! ayieeeee!!!



anong gusto mong cake dyan! pili na!! ^_^


FRUIT/veggie CARVING











actually madami pa sanang pics kaso. di ko na  ilalagay pa. nasa FB ko naman yang lahat. hehehe! gusto ko lang ishare yung sa cake. amazed lang ako! hehehe! sa dalawang araw na food showdown. eto lang masasabi ko.  ang gagaling ng mga studyante ngayon. napaka creative. palaban na talaga. at hindi na biro ang mga kaganapan lalo na sa flambe' competition na may nag buwis buhay. oooops!! hindi yun, i mean. yung ginawa nyang eksena. ikaw ba naman ang mag flambe' na nakapatong sa bamboo na pang tinikling at buhat ng apat na kalalakihang payat. grabe!! 


at bilang pasilip. heto sya.



kita nyo ba ang apoy..?? grabe 'no..  yan ang pinakamalupit na flambe' na nakita ko in history.!
IMBA nga sabi ng iba. pero sabi ko. buwis buhay yan! hahaha! kakaiba.! nasa bamboo na nag paapoy pa. then nag sasasayaw pa..

tsk!!
sana grumaduate na ako at ng makapag work na. mahirap kalaban ang mga kabataang ito. baka di na ako makapasa sa standards nila pag nakita nila to! haha!.ibang level na. sa mga propesor na mahuhusay, salamat sa pag babahagi ng kaalaman, salamat din sa organizer ng showdown na ito dahil marami nanaman ang nakilahok, nanalo at nabigyan ng inspirasyon.

galing ng pinoy!!

Dear Self

DO YOU STILL REMEMBER YOUR PAST??DO U STILL REMEMBER WHAT YOU ARE BEFORE AND WHAT YOU ARE NOW AT THE MOMENT.. ? DON'T DEPEND YOURSELF TO OTHER PERSON AROUND YOU. TALK TO YOURSELF. TO KNOW WHAT YOU NEED, AND WHAT YOU WANT..




THIS IS MY LETTER TO MY SELF, I WOULD LIKE THIS TO  BE AN INSPIRATION TO ALL OF THE PERSON  WHO ALREADY FORGOT THEMSELVES,




Hi! Hello.. how are you,

Im sure this thing is unusual to you, though we often time talk every minute of the day,. i decided to write to you, so that this will work as a reminder of communicating with you, I am really sorry for all the not so good things that i have done to you. I am so sorry too in hurting you badly and causing you a lot of pain and trouble. I am also asking an apology fro abusing, exploiting, and neglecting you for quite a long time.

most other people call you in so many different names, like others say you are the consciousness, some say you are conscience while many say you are soul or spirit. no matter what they would like to call you, still you will always be my one and only "self. "

I wanted to be more close to you the same as how i was once been so very thirsty and eager in meeting and discovering you.  i guess for me to know you more, understand you more, and learn more about you.

i had almost forgotten and abandoned you as i once was fooled by the illusion of this wordily life, and finally realized that there must be other ways of getting out of here. there is too much confusion, to much hatred and madness among other "selves" living around me. i also almost had forgotten my mission and purpose of staying here living this life for a while, because everything is just temporary and has its own definite end, which they call the material physical death of the existence of the finite.

but i think this physical material death of the finite is both an end and a beginning towards having a new life in another dimensional existence.

well before i forget,i would like to extend my personal thanks to you "self" for all the good things that you have done, for being so patient, supportive, understanding kind, modest polite and passionate to me, most especially your prayers. i will never forget all of these things and they will remain in my heart eternally. I dont want to make any promises at this point of time, but from now on i will strive hard to do all my best to be always be good to you the same with the other "selves" around me so, we can be like best of friends,isnt it?

and for you to be my very ever best "self" with in me. goodbye for a while because i need to go back to my ordinary routinary living and return being a common human being. don't you worry about me  "self " because i will be fine and everything will be all right! as i will now start to put order and direction in reaching my greatest goal to accomplish my mission, purpose and very reason why i was given a chance to live and stay here on earth. thank you so much for loving me and accepting me for what i am.

i want you to know "self" that i really do miss you so much.!

(love enemy as you love yourself, because the real enemy of man is himself)

p.s.
I LOVE YOU
from ME!



MAGNA-CUMLAUDE

Birthday ng napakaganda kong professor(naka blue dress) nung nakaraang thursday kaya naman, join force dapat ako dyan! para mabuo ang kulay ng rainbow pagkatapos ng pag "wisik" ng ulan sa aming mga mukha.dahil nga si sir ay isang "kapanalig sa pananampalataya" sa dyosang si "braguda" (dyosa  ng bading) imagine nyo nalang kung ano itchura nya.. nung una. hindi ko talaga binalak na sumama pa, sa layo ng pasig to quezon city, malamang ngaragan ang byahe, pero dahil isa akong likas na kaladkarin e, sumama na ako. siguro naman pag tungtong ko ng edd na 50 nay mrt na pasig to QC 'noh! ayun! naka sampung tambling ako mula bahay hanggang birthday party ni sir ganda na may split pa sa gitna crossing overpass.


pag dating ko palang ay sinalubong na ako ng bati, "special guest" hahah! dahil nga sa ako ay kabilang sa natatanging "dugong bughaw" LOL!  in na in ako sa party na yon! madaming bisita, may makikita kang solidong lalake, medyo lalake, at confused na lalake, at mga bading! ..at malamang sa alamang. ang rules and regulataions ay umiral nung inuman at yun ay..


 "BAWAL ANG BABAE"


 daot daw kasi sa mga bisita o ang tinatawag naming "alay!" hahahah!!


sa gitna ng kasiyahan ay todo bantay sa kanya kanyang "alay" ang mga "dugong bughaw" upang hindi madaot ng kapwa dyosa. walang palitan ng pwesto, walang labasan ng cellphone at baka maka segway ng kuhaan ng numero. sigurado pag nangyari yon! mag kakaroon ng
"nota war" .. lumipas ang ilang oras ng inuman, kasayahan, tawanan, kwentuhan,kulitan, asaran, at palitan ng panlalait sa isat isa. ay nalasing din ang mga dyosa. lalo na ang mga na- "vetchin" na "alay" at simulan na ang serimonya. (bahala na kayo kung ano yun) haha!!



pag katapos ng gyera ng lalamunan at ugat. nag si-uwian na ang karamihan at ang natira nalang ay itago nalang natin sa pangalang vic, bryan, marlon (2) bading na tambay galing sa kabilang barangay., at ako.
patuloy ang pag hawak ko ng "mikroponong maugat" habang umaawit sa saliw ng musikang  pinagbibidahan ni "ate guy".


ng mapag desisyonan naming lumabas at magpahangin saglit.kwentuhan ng mga naganap kanina. at yabangan kung ano ang naging karanasan.


pag balik namin ng bahay. laking gulat nalang namin na wala na ang mga bag namin sa kilalalagyan nito. sa sala. naka bukas ang pintuan ng bahay, 


"teka, asan yung bagelya ko"??- sambit ni vic
..teka yung akin din.. -ako yung cellphone ko din-marlon..!"


BANG!!!!!


NILOOBAN ang bahay ni sir. at ang target lang ..BAG NAMIN na nag lalaman ng mahahahlagang kagamitang pang gyera. cellphone,pera,usb,id,make up(nila) , relo at kung ano ano pang mahahalagang bagay sa bag. gaya ng pustiso ni Vic na labis nyang iniyakan.


nakakalungkot isipin na may mga taong gagawin ang lahat makuha lang ang gusto, kahit kapalit nitoy ikapapahamak nila. ang mga suspek sa naganap na nakawan ay isa ding dyosa, na walang future (baklang tanod) o (baklang tambay). na nabanggit ko kanina. na labis ang pag tanggi na hindi sya ang may gawa. kahit na hindi namin tinatanong.


sa susunod pag iingatan ko na ang aking kagamitang pang gyera kung pupunta sa ibang teritoryo, dahil hindi natin alam kung sino ang gagambala , matang nag mamasid at mga kamay na naka abang sa aagawing bagay na hindi nya pag aari..poorita!!


umuwi tuloy akong walang dala., kawawa., basang sisiw at luhaan.


mga certified :MAGNA-CUMLAUDE.  kidlatan sana kayo!!


ikaw nabiktima ka na ba??



LONG DISTANCE (part4)last part

" sorry mejo busy,graveyard shift kasi ako.Liit, pag dating ko pa lang sa airport, bibili na ako ng sim to text you,dont worry  ok! see you there, mwaaaaaaahh!!"


pero ..

dumaan ang march:
1.
2-
3-
4-
wala pa din akong text na natatanggap galing sa kanya., nawalan na ako ng gana, pero hindi padin ako nawawalan ng pag asa. sabi ko nalang, baka busy pa at nag eenjoy.hayaan ko nalang..

hanggang sa dumating na ang panahon na dapat mag kikita kami. hindi sya nag pakita.. di nya ako sinipot. di sya nag paramdam..ilang buwan kong hinintay yun. tapos wala.. pilit man akong aliwin ng mga kasama ko, di nila matanggal ang lungkot na nararamdaman ko, naapektohan ang trabaho ko. pakikisama ko sa mga ka dorm, wala akong gana kumain, wala akong gana mag trabaho, wala akong gana sa lahat ng bagay..

para akong nalumpo. sobrang sakit ng naramdaman ko. parang walang nangyari, parang wala lang sa kanya, lumipas ang oras,araw,buwan..wala pa din syang message, wala syang paliwanag,parang walang pakialam.nasaktan ako ng sobra..


hanggang sa isang gabi.. may nakipag chat sa aking isang tao na hindi ko na inaasahan...


       


                                                                   
                             
habang kausap ko sya ulit ay parang   walang nangyari.. ganun pala talaga pag mahal mo,kahit ano pang ginawa,lambingin ka lang,di mo matitiis.. o baka kinain  lang ako ng pag ka desperado..  at tinanggap ko sya ulit.. 
di ko naman first time mag ka love life, madami naman din naman ang dumaan, pero sya lang yung masasabi kong maipag mamalaki ko. inside and out. 

nakakalungkot lang na nagawa nya akong i cheat, pero di ko naman masisisi dahil "babae" ang 3rd party, ano ba laban ko..

inisip ko nalang, ganon talaga.. sinimulan namin na internet, unfortunately nag tapos din sa internet. madaming mga bagay na hindi natin masasabi o masisigurado na sa atin.. wala akong karapatang angkinin sya..minsan kailangan maniguro tayo. wag ibibigay ang lahat, wag seryosohin kung alam mo naman na hindi seryoso yung isa. 

dapat marunong sa laro ng pag ibig.dahil kung anong tamis ang naramdaman mo sa una. doble ang pait na mararamdaman mo sa huli.,pinasok ko to. mag tiis ako.bago ako mag bday. after ng MAY tour nya . di nanaman sya nag paramdam. naiwan nanaman ako..

at dahil sa nangyeri tumigil na ako. at tumanggap ng ibang tao sa buhay ko. pero di nag tagal nakipag break din ako. di kasi ako masaya. di ako makahanap ng katulad nya.



sa ngayon, medyo nakakapag move on na. at paminsan minsan nag memessage sya sakin, pero hindi ko na binibigyan ng malisya. siguro mensaheng pang kaibigan nalang. ayoko ng umasta na feeling ko kami pa, nag message sya, pero hindi  ibig sabihin nun, kami na ulit.

pero hindi ko maitatanggi na nakalimutan ko na sya. inaamin ko, mahal ko pa rin. hanggat nakikita ko ang pictures nya sa fb. tuloy tuloy lang pagmamahal,kahit walang kapalit.pilit kong binibigyang buhay ulit sa panaginip ang pitong buwan na pagiging kami,.sino ba naman ang makakalimot sa heart ache, walang araw sa isang linggo na hindi ko sya naiisip, o sa isang buwan na hindi ko sya mapanaginipan.. sa ngayon "in an open relationship" ang status nya sa FB. kung sino man yun. ang swerte nya. dahil nung kami pa. never nyang nilagay sa fb nya na "in relationship sya".

wala akong nagawa kundi tanggapin yon, sino ba naman ako para pang himasukan ang buhay ng isang tao na hindi ko naman masasabing naging "akin" ..

that experience really made me stronger. still. mamimiss ko sya. marami akong natutunan sa kanya.and i will treasure him for the rest of my life..




hanggang sa muli, paalam mahal...



ps: (update-)august/28/2011- 7:10pm) blinock na nya ako sa FB.  T_T  pinaka malungkot na gabi. salamat sa lahat aries..mamimiss kita..:-(


we'll have no ending
If we can hold on
And I think I've come this far because of you
Could be no other love but ours will do



You were my "1" more chance
I never thought I'd find
You were the "1" romance
I've always known in my mind

No one will ever touch me more
I only hope that in return
I might of saved the best of me for you

LONG DISTANCE (part3)

Dumating ako ng singapore ng 7:30am, at damang dama ko ang kaba at pag ka miss kaagad sa naiwan  ko sa pilipinas,paanong hindi ko mamimiss, parang pilipinas  lang din, parang pag labas ko, makati  lang, ang kaibahan lang napakaraming puno,halaman at mga bulaklak  kahit saang ka lumingon.napakalinis at sariwa ang hangin kahit mainit.

umpisa nang trabaho kinabukasan, nakilala ko ang mga katrabaho kong pinoy at mga itsik, mga indiano at malay.
naging masaya naman ang aking trabaho, kahit mahirap at mahigpit ang boss namin, dahil pilipino nga,pag nag sama sama kami sa trabaho tanggal ang problema.
pero pag uwi ko ng bahay, bumabalik lahat ang lungkot, miss ko na pamilya ko, miss ko na school ko, miss ko na sya.

dumaan ang pasko, bagong taon at valentines na wala akong kasama. malungkot pero kinakaya,hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil kailangan, hindi pwedeng mag backout., tanging internet lang at cellphone ang nag papasaya sa akin,pero kahit malayo ako, tuloy ang communication namin ni aries, minsan nga tumawag pa sya. napasaya nya ako ng sobra nung gabing yun., pero napansin ko lang bandang january at february, hindi sya nag paparamdam sakin, sa isang buwan, 1 beses lang sya mag txt,.

 kung alam lang nya kung gaano kabigat ang loob ko kapag hindi ako nakaka recieve ng txt msg galing sa kanya.

kung alam lang nya kung gaano ako kasaya pag nakaka text at nakaka chat ko sya.

kung alam lang nya kung gaano ako nahulog sa kanya,

kung alam lang sana nya kung gaano ko sya kamahal...

-----------------------------------------


"friend, kelan ba dating nyang baby mo? diba kwento ka ng kwento na mag kikita kayo dito dahil mag tu- tour sila ng mga kaibigan nya..kelan nga ulit??"- ang tanong ng kaibigan ko.

ahh..sa march 2 andito na yun, sabi nya sa last day nalang daw nya kami mag kita para free day nya. (kahit na kinakabahan na ako dahil hindi na sya nag paparamdam at prinivate nya ang wall nya sa  fb.)


"ahh.. malapit na pla..excited ako para sayo! pakilala mo samin ha! hehehe!"


ahh.. oo walang problema..


dumating ang march ,ang araw na pinaka hihintay ko..yes! andito na sya sa lugar kung saan malapit sakin, at nag pa off talaga ako para lang maisave ang espesyal na araw na yun para sa napaka espesyal na tao sa puso ko..




excited na ako. ilang araw nalang march 5 na..

LONG DISTANCE (part2)

Tinanggap ko ang alok na OJT sa abroad.. at sa nov 2 ang flight ko, (4:30 am. to be exact ) bago pa man ang pag bisita sa puntod ng yumao kong ama ay nakapag impake na ako at nakahanda na lahat ng papers na kailangan., at lahat ay nasa sasakyan na para derecho na ako sa airport after cemetery..

biglaan ang flight ko dahil inaasahan ko sa december pa. pero may nag back out sa list, kung kayat ako ang napili nila para sumalo ng ticket. pero dahil bigla din akong sinagot ni aries,hindi ko malaman ang gagawin kung paano  sasabihin sa kanya,ano ba ang magiging resulta kapag sinabi ko na aalis ako at mawawala ng 6months, napakatagal ng kalahating taon at maraming pwedeng mangyare.

dahil hindi na ako mapakali ay inamin ko na sa kanya..

sa pag kakataoing 'to, tumawag na ako..

"bhe... may sasabihin pala ako..importante"

oh ano yun..?bad news ba yan??


"oo e, aalis ako,..

"saan ka punta?"

hmm.. sa singapore..

"wow, vacation??"


hindi, six months ako dun.. OJT.."

"ayy ganun ba.. pano yan.. aalis ka kaagad.."
iiwan mo kaagad ako..kaka oo ko palang.."T_T


sorry.. biglaan kasi e, actually flight ko mamaya, di ko na sana sasabihin sayo kasi gusto ko isurprise ka, kasi alam ko may tour ka din sa singapore, at dun tayo mag kikita...

"ikaw ah,ang daya mo. malihim ka masyado! mag iingat ka dun ha.. wag ka mag alala, mag kikita tayo dun..ok. dont worry, nag work na satin ang long distance, kaya din natin ang 6months."mag iingat ka dun alagaan mo sarili mo, galingan mo ha. andito lang ako lagi sa tabi mo.call ka lang o tawag ka sa akin pag may problema ha.."


tumatak sa utak at tumagos sa puso ko ang mga salitang bibitawan nya, at lalo akong nahulog sa kanya. ng mga oras na yon,feeling ko inlove din sya. feeling ko isa lang ang nararamdaman namin.masaya ako. at sa pag alis ko, di ako nangangamba na baka mabaling sa iba ang atenstyon nya..napakasaya ako. inspired ako mag ojt. excited na akong umalis..


oras na para mag paalam, at sa pag babalik ko, sisiguraduhin ko sa kanya na babawi ako, at ibibigay ko ang nawalang oras..


12:00am na ng umalis kami sa cemetery, nag paalam na ako sa aking ama at kasama ko ang buong pamilya sa pag hatid sa akin sa airport.
dahil sa masyado pang maaga ay nag decide silang mag coffe break muna kami sa the fort kung saan 15 mins nalang papuntang NAIA. at dahil sa anim na buwan nila akong di makakasama, nag bonding kami, mamimiss ko sila, mamimiss ko sya..sana bumilis ang panahon dahil may nag hihintay saakin, makalipas ang isang oras na pangungulit nila saakin at ang masayang kwentuhan kasama ang mga pamangkin, nag punta na kami sa airport at dun na nga ay nag hintay na kasama ang tatlo ko pang kasama sa byahe.

nanginginid ang mga mata ko ng luha habang nakatalikod na sa kanila at papasok na sa naia, madami akong mamimiss, kaibigan, pamilya, lalo na ang mahal ko..
simula na ng laban, sana makayanan ko ang tarabaho, sana makauwi kaagad ako..sana mag kita kami pag tour nya, sana mahintay nya ako.

LONG DISTANCE (part1)


Dahil sa pag kabagot, at panahon ng semestral break sa aming unibersidad, sa aking pag kakatanda, taong 2009 ,ng maisipan kong kalikutin ang friendster ko. ng makita ko sya na konektado sa isa sa malapit kong kaibigan,
Dahil sa angkin nitong ka gwapuhan.at kakisigan ,nabighani ako..kayat gumawa ako ng paraan para mapansin nya..nag message ako sa kanya at kinabukasan ay nakatanggap naman ako ng reply at ng hiningi ko ang number nya ay agad naman nya itong ibinigay, at yun ang simula ng pag kakaibigan namin ni aries na humantong sa pag iibigan.

ako si chris, isang binatang galing sa isang mayamang pamilya,graduate at nag aral sa isang malaking unibersidad sa pampanga, madaming business ang pamilya nila, to describe him,  gwapo sya, matangakad, chinito, maputi, at higit sa lahat.mabait ..ako naman,di ako kagwapuhan, maliit at maingay na tao,galing sa simpleng pamilya, 4th  year college ako nun ng makilala ko si aries, isang registered nurse at nag ta trabaho sa isang pribadong ospital sa makati. noong una ay nag aalangan pa ako na makipag kilala sa kanya, sa kadahilanang baka mataas ang standard nito sa pakikpag kaibigan o kaya naman baka hindi ako pansinin dahil hindi sya nakikipag usap sa hindi nya kilala.. ngunit ng binigay nya ang number nya ay nag bago ang pananaw na yun..

nagsimula na ang pag kakaibigan namin sa frienster at ngayon naman ay naging textmate kami, marami kaming napag kwentuhan, mula sa personal na buhay, mga ginagawa sa araw araw, kaibigan,gala,problema, at kung ano ano pa na  nauwi na nga sweetness pag kalipas ng ilang buwan..

nov.1 nun at abala ang lahat sa pag hahanda para sa pag bisita sa mga yumao nating kapamilya at mahal natin sa buhay, hating gabi na noon ngunit madami padin tao dahil karamihan sa kanila ay nag tayo ng tent para doon mag sleep over,at ganun din kami ng  pamilya ko.at dahil sa pag ka bagot tinext ko nalang si aries at agad naman syang nag reply.

"oh pre,napatext ka..?kamusta?nasa cemetery ka din..?"

"oo e, bored na ako d2, namiss kita,hehehe!.san ka pala ngayon..?"

"dito ako sa pampanga.. since andito buong family ko, dito na ako mag papalipas ng undas,"

"ahh ganun ba..?" hmm.. "

....hindi ko ma derecho dahil baka mabigla sya sa sasabihin ko.,pero ng mag tanong sya kung ano yun ,at dahil sa hindi ko sya matiis sa kakakulit nya ay inamin ko na.

"pre.. matagal na tayo  mag ka txt at mag ka chat diba.. kilala mo na ako, kilala na din kita, alam mo yun. wala na tayong itatago sa isat isa..so..ano kasi....


wala ka pa ba nararamdaman sakin. ?

ano na ba tayo.."kasi ..................ako gustong gusto kita.."



aries:"gusto din nman kita, actually yan din sana ang gusto ko sabihin sayo e.."so ano nga.?. heheheh!"

"tayo na..pwede ba..?"


habang kinakabahan ako sa pwede nyang isagot.ay humingi ako ng sign,.
pero mas nauhanan na ako ng reply ni aries kayat binasa ko ito kaagad.

"oo,tayo na....bhe" salamt at pinag katiwalaan mo ako,sana tumagal tayo."

laking gulat ko sa reply nya.. napatayo ako bigla sa masarap na pag kakahilata,gusto kong mapasigaw ng "YES" !! "SA WAKAS..!!" dahil sa mag kahalong saya at kilig na naramdaman ko nung oras na yon,at atleast di ako nabigo..
para sakin naman, sukatan na ang tagal naming mag ka kilala, pero ang hindi ko lang masiguro ay kung tatagal kaming ganon kahit di kami nag kikita.

ngunit sa kabila ng saya na nararamdaman ko,bumalik ako sa totoong panahon.nalungkot ako. dahil alam kong sa pag kakataong iyon ay malamang makikipag kita na sya sakin, pero ..




huli na ang lahat..

20 SECONDS CHALLENGE ^_^

YOU NEED TO COMPLETE THE WORD IN JUST 20 SECONDS
TIMER STARTS NOW!!!!!!






NABIKTIMA AKO NITO..! IKAW DIN BA! NYAHAHA..!
GREEN WORLD!

Written by:


About the Author