LONG DISTANCE (part1)


Dahil sa pag kabagot, at panahon ng semestral break sa aming unibersidad, sa aking pag kakatanda, taong 2009 ,ng maisipan kong kalikutin ang friendster ko. ng makita ko sya na konektado sa isa sa malapit kong kaibigan,
Dahil sa angkin nitong ka gwapuhan.at kakisigan ,nabighani ako..kayat gumawa ako ng paraan para mapansin nya..nag message ako sa kanya at kinabukasan ay nakatanggap naman ako ng reply at ng hiningi ko ang number nya ay agad naman nya itong ibinigay, at yun ang simula ng pag kakaibigan namin ni aries na humantong sa pag iibigan.

ako si chris, isang binatang galing sa isang mayamang pamilya,graduate at nag aral sa isang malaking unibersidad sa pampanga, madaming business ang pamilya nila, to describe him,  gwapo sya, matangakad, chinito, maputi, at higit sa lahat.mabait ..ako naman,di ako kagwapuhan, maliit at maingay na tao,galing sa simpleng pamilya, 4th  year college ako nun ng makilala ko si aries, isang registered nurse at nag ta trabaho sa isang pribadong ospital sa makati. noong una ay nag aalangan pa ako na makipag kilala sa kanya, sa kadahilanang baka mataas ang standard nito sa pakikpag kaibigan o kaya naman baka hindi ako pansinin dahil hindi sya nakikipag usap sa hindi nya kilala.. ngunit ng binigay nya ang number nya ay nag bago ang pananaw na yun..

nagsimula na ang pag kakaibigan namin sa frienster at ngayon naman ay naging textmate kami, marami kaming napag kwentuhan, mula sa personal na buhay, mga ginagawa sa araw araw, kaibigan,gala,problema, at kung ano ano pa na  nauwi na nga sweetness pag kalipas ng ilang buwan..

nov.1 nun at abala ang lahat sa pag hahanda para sa pag bisita sa mga yumao nating kapamilya at mahal natin sa buhay, hating gabi na noon ngunit madami padin tao dahil karamihan sa kanila ay nag tayo ng tent para doon mag sleep over,at ganun din kami ng  pamilya ko.at dahil sa pag ka bagot tinext ko nalang si aries at agad naman syang nag reply.

"oh pre,napatext ka..?kamusta?nasa cemetery ka din..?"

"oo e, bored na ako d2, namiss kita,hehehe!.san ka pala ngayon..?"

"dito ako sa pampanga.. since andito buong family ko, dito na ako mag papalipas ng undas,"

"ahh ganun ba..?" hmm.. "

....hindi ko ma derecho dahil baka mabigla sya sa sasabihin ko.,pero ng mag tanong sya kung ano yun ,at dahil sa hindi ko sya matiis sa kakakulit nya ay inamin ko na.

"pre.. matagal na tayo  mag ka txt at mag ka chat diba.. kilala mo na ako, kilala na din kita, alam mo yun. wala na tayong itatago sa isat isa..so..ano kasi....


wala ka pa ba nararamdaman sakin. ?

ano na ba tayo.."kasi ..................ako gustong gusto kita.."



aries:"gusto din nman kita, actually yan din sana ang gusto ko sabihin sayo e.."so ano nga.?. heheheh!"

"tayo na..pwede ba..?"


habang kinakabahan ako sa pwede nyang isagot.ay humingi ako ng sign,.
pero mas nauhanan na ako ng reply ni aries kayat binasa ko ito kaagad.

"oo,tayo na....bhe" salamt at pinag katiwalaan mo ako,sana tumagal tayo."

laking gulat ko sa reply nya.. napatayo ako bigla sa masarap na pag kakahilata,gusto kong mapasigaw ng "YES" !! "SA WAKAS..!!" dahil sa mag kahalong saya at kilig na naramdaman ko nung oras na yon,at atleast di ako nabigo..
para sakin naman, sukatan na ang tagal naming mag ka kilala, pero ang hindi ko lang masiguro ay kung tatagal kaming ganon kahit di kami nag kikita.

ngunit sa kabila ng saya na nararamdaman ko,bumalik ako sa totoong panahon.nalungkot ako. dahil alam kong sa pag kakataong iyon ay malamang makikipag kita na sya sakin, pero ..




huli na ang lahat..

About the Author