Tinanggap ko ang alok na OJT sa abroad.. at sa nov 2 ang flight ko, (4:30 am. to be exact ) bago pa man ang pag bisita sa puntod ng yumao kong ama ay nakapag impake na ako at nakahanda na lahat ng papers na kailangan., at lahat ay nasa sasakyan na para derecho na ako sa airport after cemetery..
biglaan ang flight ko dahil inaasahan ko sa december pa. pero may nag back out sa list, kung kayat ako ang napili nila para sumalo ng ticket. pero dahil bigla din akong sinagot ni aries,hindi ko malaman ang gagawin kung paano sasabihin sa kanya,ano ba ang magiging resulta kapag sinabi ko na aalis ako at mawawala ng 6months, napakatagal ng kalahating taon at maraming pwedeng mangyare.
dahil hindi na ako mapakali ay inamin ko na sa kanya..
sa pag kakataoing 'to, tumawag na ako..
"bhe... may sasabihin pala ako..importante"
oh ano yun..?bad news ba yan??
"oo e, aalis ako,..
"saan ka punta?"
hmm.. sa singapore..
"wow, vacation??"
hindi, six months ako dun.. OJT.."
"ayy ganun ba.. pano yan.. aalis ka kaagad.."
iiwan mo kaagad ako..kaka oo ko palang.."T_T
sorry.. biglaan kasi e, actually flight ko mamaya, di ko na sana sasabihin sayo kasi gusto ko isurprise ka, kasi alam ko may tour ka din sa singapore, at dun tayo mag kikita...
"ikaw ah,ang daya mo. malihim ka masyado! mag iingat ka dun ha.. wag ka mag alala, mag kikita tayo dun..ok. dont worry, nag work na satin ang long distance, kaya din natin ang 6months."mag iingat ka dun alagaan mo sarili mo, galingan mo ha. andito lang ako lagi sa tabi mo.call ka lang o tawag ka sa akin pag may problema ha.."
tumatak sa utak at tumagos sa puso ko ang mga salitang bibitawan nya, at lalo akong nahulog sa kanya. ng mga oras na yon,feeling ko inlove din sya. feeling ko isa lang ang nararamdaman namin.masaya ako. at sa pag alis ko, di ako nangangamba na baka mabaling sa iba ang atenstyon nya..napakasaya ako. inspired ako mag ojt. excited na akong umalis..
oras na para mag paalam, at sa pag babalik ko, sisiguraduhin ko sa kanya na babawi ako, at ibibigay ko ang nawalang oras..
12:00am na ng umalis kami sa cemetery, nag paalam na ako sa aking ama at kasama ko ang buong pamilya sa pag hatid sa akin sa airport.
dahil sa masyado pang maaga ay nag decide silang mag coffe break muna kami sa the fort kung saan 15 mins nalang papuntang NAIA. at dahil sa anim na buwan nila akong di makakasama, nag bonding kami, mamimiss ko sila, mamimiss ko sya..sana bumilis ang panahon dahil may nag hihintay saakin, makalipas ang isang oras na pangungulit nila saakin at ang masayang kwentuhan kasama ang mga pamangkin, nag punta na kami sa airport at dun na nga ay nag hintay na kasama ang tatlo ko pang kasama sa byahe.
nanginginid ang mga mata ko ng luha habang nakatalikod na sa kanila at papasok na sa naia, madami akong mamimiss, kaibigan, pamilya, lalo na ang mahal ko..
simula na ng laban, sana makayanan ko ang tarabaho, sana makauwi kaagad ako..sana mag kita kami pag tour nya, sana mahintay nya ako.
1 comment:
mukhang maganda ang susunod na tagpo.. singapore adventure.... hmmm.... wait ulit sa next chapter... :)
Post a Comment