MAGNA-CUMLAUDE

Birthday ng napakaganda kong professor(naka blue dress) nung nakaraang thursday kaya naman, join force dapat ako dyan! para mabuo ang kulay ng rainbow pagkatapos ng pag "wisik" ng ulan sa aming mga mukha.dahil nga si sir ay isang "kapanalig sa pananampalataya" sa dyosang si "braguda" (dyosa  ng bading) imagine nyo nalang kung ano itchura nya.. nung una. hindi ko talaga binalak na sumama pa, sa layo ng pasig to quezon city, malamang ngaragan ang byahe, pero dahil isa akong likas na kaladkarin e, sumama na ako. siguro naman pag tungtong ko ng edd na 50 nay mrt na pasig to QC 'noh! ayun! naka sampung tambling ako mula bahay hanggang birthday party ni sir ganda na may split pa sa gitna crossing overpass.


pag dating ko palang ay sinalubong na ako ng bati, "special guest" hahah! dahil nga sa ako ay kabilang sa natatanging "dugong bughaw" LOL!  in na in ako sa party na yon! madaming bisita, may makikita kang solidong lalake, medyo lalake, at confused na lalake, at mga bading! ..at malamang sa alamang. ang rules and regulataions ay umiral nung inuman at yun ay..


 "BAWAL ANG BABAE"


 daot daw kasi sa mga bisita o ang tinatawag naming "alay!" hahahah!!


sa gitna ng kasiyahan ay todo bantay sa kanya kanyang "alay" ang mga "dugong bughaw" upang hindi madaot ng kapwa dyosa. walang palitan ng pwesto, walang labasan ng cellphone at baka maka segway ng kuhaan ng numero. sigurado pag nangyari yon! mag kakaroon ng
"nota war" .. lumipas ang ilang oras ng inuman, kasayahan, tawanan, kwentuhan,kulitan, asaran, at palitan ng panlalait sa isat isa. ay nalasing din ang mga dyosa. lalo na ang mga na- "vetchin" na "alay" at simulan na ang serimonya. (bahala na kayo kung ano yun) haha!!



pag katapos ng gyera ng lalamunan at ugat. nag si-uwian na ang karamihan at ang natira nalang ay itago nalang natin sa pangalang vic, bryan, marlon (2) bading na tambay galing sa kabilang barangay., at ako.
patuloy ang pag hawak ko ng "mikroponong maugat" habang umaawit sa saliw ng musikang  pinagbibidahan ni "ate guy".


ng mapag desisyonan naming lumabas at magpahangin saglit.kwentuhan ng mga naganap kanina. at yabangan kung ano ang naging karanasan.


pag balik namin ng bahay. laking gulat nalang namin na wala na ang mga bag namin sa kilalalagyan nito. sa sala. naka bukas ang pintuan ng bahay, 


"teka, asan yung bagelya ko"??- sambit ni vic
..teka yung akin din.. -ako yung cellphone ko din-marlon..!"


BANG!!!!!


NILOOBAN ang bahay ni sir. at ang target lang ..BAG NAMIN na nag lalaman ng mahahahlagang kagamitang pang gyera. cellphone,pera,usb,id,make up(nila) , relo at kung ano ano pang mahahalagang bagay sa bag. gaya ng pustiso ni Vic na labis nyang iniyakan.


nakakalungkot isipin na may mga taong gagawin ang lahat makuha lang ang gusto, kahit kapalit nitoy ikapapahamak nila. ang mga suspek sa naganap na nakawan ay isa ding dyosa, na walang future (baklang tanod) o (baklang tambay). na nabanggit ko kanina. na labis ang pag tanggi na hindi sya ang may gawa. kahit na hindi namin tinatanong.


sa susunod pag iingatan ko na ang aking kagamitang pang gyera kung pupunta sa ibang teritoryo, dahil hindi natin alam kung sino ang gagambala , matang nag mamasid at mga kamay na naka abang sa aagawing bagay na hindi nya pag aari..poorita!!


umuwi tuloy akong walang dala., kawawa., basang sisiw at luhaan.


mga certified :MAGNA-CUMLAUDE.  kidlatan sana kayo!!


ikaw nabiktima ka na ba??



4 comments:

glentot said...

Tsk tsk tsk ako rin noon, ninakawan sa bahay ng kaibigan (na hindi ko na kaibigan ngayon) na nag-invite ng inuman at kainan sa bahay nila (turns out ako pa pala ang taya sa inumin at pagkain). Maulan noon kaya may dala akong payong, na ipinatago ko sa kanya habang nag-iinuman kami. Nung pauwi na kami, hindi na daw nya mahanap ang payong ko. OK payong lang yung nawala pero nawala rin yung tiwala ko sa kaibigan kong iyon kasi feeling ko pinag-interesan nya yung fibrella ko LOL. Buti na lang lahat ng valuables ko eh nasa bulsa ko.

Sagot ko dun sa tanong mo about sa domain, bale P500 yung domain name registration (ibibigay mo lang sa kanila kung anong gusto mong domain name tapos sila na magreregister at inonotify ka kung pwede mo nang gamitin) at P100 yung web hosting (required ito kasi kailangan mong maglogin dito at iedit yung mga settings para ma-redirect yung blogspot blog mo to your .com domain at may 25MB storage din so pwede ka magsave ng files). Ewan ko kung same price pa rin ngayon kasi noon ko pa nakuha yun, at nagrenew lang ako ng 1 year. Medyo nahirapan ako sa company na yan kasi nakakabwisit ang technical support nila lalo na nung time na nagdown yung system nila, hindi ma-access ang blog ko. But what do you get for 600 pesos a year right?

Salamat sa pagbackread ang tiyaga mo. Wala ka namang matutunang matino ahaha.

Lei said...

wow ang haba ng coment at reply, mala nobela.! hihihih!

oo nga. actually napag bintangan pa nga ako 1 time e. kaibigan ko pa ng 2 years yun ah. ayun. napatunayan kong hindi ako ng lumabas ang totoong nag nakaw at umamin naman. pinahiya ko sya sa school. sinigawan at minura mura sa harap pa ng building ng DSA.

grrr!! sakit nun grabe!! di ko na sya pinansin after..

about sa domain ok na. oo nabisita ko na sya. 500 pa din, ayos naman., kaso wlaang time sabi mo nga pahirap yung ginawa sayo. hehe! saka na yan. di pa naman karamihan ang entry ko.salamt sa reply sir!

ok lang! gnagawa ko to kasi love na kita. heheh!! i love u..! pre!seryoso. hehe!

Anonymous said...

nangyari sa kin yan last year, psp, laptop, dslr, tangay lahat. tsk! yumaman sana sila.

Lei said...

talaga sir bino..??

grabe ah.. sabay sabay ba yang kinuha..???

yung akin sa pag kakatanda ko..
cellphone, laptop(my baby):(, at ngayon mga small things..

sabi nga nila..pag may nawala. malaki daw ang kapalit nun. sana nga..:-(

bat hanggang ngayon naka netbook padin ako. heheheh!!

About the Author