LONG DISTANCE (part3)

Dumating ako ng singapore ng 7:30am, at damang dama ko ang kaba at pag ka miss kaagad sa naiwan  ko sa pilipinas,paanong hindi ko mamimiss, parang pilipinas  lang din, parang pag labas ko, makati  lang, ang kaibahan lang napakaraming puno,halaman at mga bulaklak  kahit saang ka lumingon.napakalinis at sariwa ang hangin kahit mainit.

umpisa nang trabaho kinabukasan, nakilala ko ang mga katrabaho kong pinoy at mga itsik, mga indiano at malay.
naging masaya naman ang aking trabaho, kahit mahirap at mahigpit ang boss namin, dahil pilipino nga,pag nag sama sama kami sa trabaho tanggal ang problema.
pero pag uwi ko ng bahay, bumabalik lahat ang lungkot, miss ko na pamilya ko, miss ko na school ko, miss ko na sya.

dumaan ang pasko, bagong taon at valentines na wala akong kasama. malungkot pero kinakaya,hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil kailangan, hindi pwedeng mag backout., tanging internet lang at cellphone ang nag papasaya sa akin,pero kahit malayo ako, tuloy ang communication namin ni aries, minsan nga tumawag pa sya. napasaya nya ako ng sobra nung gabing yun., pero napansin ko lang bandang january at february, hindi sya nag paparamdam sakin, sa isang buwan, 1 beses lang sya mag txt,.

 kung alam lang nya kung gaano kabigat ang loob ko kapag hindi ako nakaka recieve ng txt msg galing sa kanya.

kung alam lang nya kung gaano ako kasaya pag nakaka text at nakaka chat ko sya.

kung alam lang nya kung gaano ako nahulog sa kanya,

kung alam lang sana nya kung gaano ko sya kamahal...

-----------------------------------------


"friend, kelan ba dating nyang baby mo? diba kwento ka ng kwento na mag kikita kayo dito dahil mag tu- tour sila ng mga kaibigan nya..kelan nga ulit??"- ang tanong ng kaibigan ko.

ahh..sa march 2 andito na yun, sabi nya sa last day nalang daw nya kami mag kita para free day nya. (kahit na kinakabahan na ako dahil hindi na sya nag paparamdam at prinivate nya ang wall nya sa  fb.)


"ahh.. malapit na pla..excited ako para sayo! pakilala mo samin ha! hehehe!"


ahh.. oo walang problema..


dumating ang march ,ang araw na pinaka hihintay ko..yes! andito na sya sa lugar kung saan malapit sakin, at nag pa off talaga ako para lang maisave ang espesyal na araw na yun para sa napaka espesyal na tao sa puso ko..




excited na ako. ilang araw nalang march 5 na..

2 comments:

egG. said...

wah. biten.. :D

Lei said...

ayan! may kasunod na! hihihi!

About the Author