MAGNA-CUMLAUDE

Birthday ng napakaganda kong professor(naka blue dress) nung nakaraang thursday kaya naman, join force dapat ako dyan! para mabuo ang kulay ng rainbow pagkatapos ng pag "wisik" ng ulan sa aming mga mukha.dahil nga si sir ay isang "kapanalig sa pananampalataya" sa dyosang si "braguda" (dyosa  ng bading) imagine nyo nalang kung ano itchura nya.. nung una. hindi ko talaga binalak na sumama pa, sa layo ng pasig to quezon city, malamang ngaragan ang byahe, pero dahil isa akong likas na kaladkarin e, sumama na ako. siguro naman pag tungtong ko ng edd na 50 nay mrt na pasig to QC 'noh! ayun! naka sampung tambling ako mula bahay hanggang birthday party ni sir ganda na may split pa sa gitna crossing overpass.


pag dating ko palang ay sinalubong na ako ng bati, "special guest" hahah! dahil nga sa ako ay kabilang sa natatanging "dugong bughaw" LOL!  in na in ako sa party na yon! madaming bisita, may makikita kang solidong lalake, medyo lalake, at confused na lalake, at mga bading! ..at malamang sa alamang. ang rules and regulataions ay umiral nung inuman at yun ay..


 "BAWAL ANG BABAE"


 daot daw kasi sa mga bisita o ang tinatawag naming "alay!" hahahah!!


sa gitna ng kasiyahan ay todo bantay sa kanya kanyang "alay" ang mga "dugong bughaw" upang hindi madaot ng kapwa dyosa. walang palitan ng pwesto, walang labasan ng cellphone at baka maka segway ng kuhaan ng numero. sigurado pag nangyari yon! mag kakaroon ng
"nota war" .. lumipas ang ilang oras ng inuman, kasayahan, tawanan, kwentuhan,kulitan, asaran, at palitan ng panlalait sa isat isa. ay nalasing din ang mga dyosa. lalo na ang mga na- "vetchin" na "alay" at simulan na ang serimonya. (bahala na kayo kung ano yun) haha!!



pag katapos ng gyera ng lalamunan at ugat. nag si-uwian na ang karamihan at ang natira nalang ay itago nalang natin sa pangalang vic, bryan, marlon (2) bading na tambay galing sa kabilang barangay., at ako.
patuloy ang pag hawak ko ng "mikroponong maugat" habang umaawit sa saliw ng musikang  pinagbibidahan ni "ate guy".


ng mapag desisyonan naming lumabas at magpahangin saglit.kwentuhan ng mga naganap kanina. at yabangan kung ano ang naging karanasan.


pag balik namin ng bahay. laking gulat nalang namin na wala na ang mga bag namin sa kilalalagyan nito. sa sala. naka bukas ang pintuan ng bahay, 


"teka, asan yung bagelya ko"??- sambit ni vic
..teka yung akin din.. -ako yung cellphone ko din-marlon..!"


BANG!!!!!


NILOOBAN ang bahay ni sir. at ang target lang ..BAG NAMIN na nag lalaman ng mahahahlagang kagamitang pang gyera. cellphone,pera,usb,id,make up(nila) , relo at kung ano ano pang mahahalagang bagay sa bag. gaya ng pustiso ni Vic na labis nyang iniyakan.


nakakalungkot isipin na may mga taong gagawin ang lahat makuha lang ang gusto, kahit kapalit nitoy ikapapahamak nila. ang mga suspek sa naganap na nakawan ay isa ding dyosa, na walang future (baklang tanod) o (baklang tambay). na nabanggit ko kanina. na labis ang pag tanggi na hindi sya ang may gawa. kahit na hindi namin tinatanong.


sa susunod pag iingatan ko na ang aking kagamitang pang gyera kung pupunta sa ibang teritoryo, dahil hindi natin alam kung sino ang gagambala , matang nag mamasid at mga kamay na naka abang sa aagawing bagay na hindi nya pag aari..poorita!!


umuwi tuloy akong walang dala., kawawa., basang sisiw at luhaan.


mga certified :MAGNA-CUMLAUDE.  kidlatan sana kayo!!


ikaw nabiktima ka na ba??



LONG DISTANCE (part4)last part

" sorry mejo busy,graveyard shift kasi ako.Liit, pag dating ko pa lang sa airport, bibili na ako ng sim to text you,dont worry  ok! see you there, mwaaaaaaahh!!"


pero ..

dumaan ang march:
1.
2-
3-
4-
wala pa din akong text na natatanggap galing sa kanya., nawalan na ako ng gana, pero hindi padin ako nawawalan ng pag asa. sabi ko nalang, baka busy pa at nag eenjoy.hayaan ko nalang..

hanggang sa dumating na ang panahon na dapat mag kikita kami. hindi sya nag pakita.. di nya ako sinipot. di sya nag paramdam..ilang buwan kong hinintay yun. tapos wala.. pilit man akong aliwin ng mga kasama ko, di nila matanggal ang lungkot na nararamdaman ko, naapektohan ang trabaho ko. pakikisama ko sa mga ka dorm, wala akong gana kumain, wala akong gana mag trabaho, wala akong gana sa lahat ng bagay..

para akong nalumpo. sobrang sakit ng naramdaman ko. parang walang nangyari, parang wala lang sa kanya, lumipas ang oras,araw,buwan..wala pa din syang message, wala syang paliwanag,parang walang pakialam.nasaktan ako ng sobra..


hanggang sa isang gabi.. may nakipag chat sa aking isang tao na hindi ko na inaasahan...


       


                                                                   
                             
habang kausap ko sya ulit ay parang   walang nangyari.. ganun pala talaga pag mahal mo,kahit ano pang ginawa,lambingin ka lang,di mo matitiis.. o baka kinain  lang ako ng pag ka desperado..  at tinanggap ko sya ulit.. 
di ko naman first time mag ka love life, madami naman din naman ang dumaan, pero sya lang yung masasabi kong maipag mamalaki ko. inside and out. 

nakakalungkot lang na nagawa nya akong i cheat, pero di ko naman masisisi dahil "babae" ang 3rd party, ano ba laban ko..

inisip ko nalang, ganon talaga.. sinimulan namin na internet, unfortunately nag tapos din sa internet. madaming mga bagay na hindi natin masasabi o masisigurado na sa atin.. wala akong karapatang angkinin sya..minsan kailangan maniguro tayo. wag ibibigay ang lahat, wag seryosohin kung alam mo naman na hindi seryoso yung isa. 

dapat marunong sa laro ng pag ibig.dahil kung anong tamis ang naramdaman mo sa una. doble ang pait na mararamdaman mo sa huli.,pinasok ko to. mag tiis ako.bago ako mag bday. after ng MAY tour nya . di nanaman sya nag paramdam. naiwan nanaman ako..

at dahil sa nangyeri tumigil na ako. at tumanggap ng ibang tao sa buhay ko. pero di nag tagal nakipag break din ako. di kasi ako masaya. di ako makahanap ng katulad nya.



sa ngayon, medyo nakakapag move on na. at paminsan minsan nag memessage sya sakin, pero hindi ko na binibigyan ng malisya. siguro mensaheng pang kaibigan nalang. ayoko ng umasta na feeling ko kami pa, nag message sya, pero hindi  ibig sabihin nun, kami na ulit.

pero hindi ko maitatanggi na nakalimutan ko na sya. inaamin ko, mahal ko pa rin. hanggat nakikita ko ang pictures nya sa fb. tuloy tuloy lang pagmamahal,kahit walang kapalit.pilit kong binibigyang buhay ulit sa panaginip ang pitong buwan na pagiging kami,.sino ba naman ang makakalimot sa heart ache, walang araw sa isang linggo na hindi ko sya naiisip, o sa isang buwan na hindi ko sya mapanaginipan.. sa ngayon "in an open relationship" ang status nya sa FB. kung sino man yun. ang swerte nya. dahil nung kami pa. never nyang nilagay sa fb nya na "in relationship sya".

wala akong nagawa kundi tanggapin yon, sino ba naman ako para pang himasukan ang buhay ng isang tao na hindi ko naman masasabing naging "akin" ..

that experience really made me stronger. still. mamimiss ko sya. marami akong natutunan sa kanya.and i will treasure him for the rest of my life..




hanggang sa muli, paalam mahal...



ps: (update-)august/28/2011- 7:10pm) blinock na nya ako sa FB.  T_T  pinaka malungkot na gabi. salamat sa lahat aries..mamimiss kita..:-(


we'll have no ending
If we can hold on
And I think I've come this far because of you
Could be no other love but ours will do



You were my "1" more chance
I never thought I'd find
You were the "1" romance
I've always known in my mind

No one will ever touch me more
I only hope that in return
I might of saved the best of me for you

LONG DISTANCE (part3)

Dumating ako ng singapore ng 7:30am, at damang dama ko ang kaba at pag ka miss kaagad sa naiwan  ko sa pilipinas,paanong hindi ko mamimiss, parang pilipinas  lang din, parang pag labas ko, makati  lang, ang kaibahan lang napakaraming puno,halaman at mga bulaklak  kahit saang ka lumingon.napakalinis at sariwa ang hangin kahit mainit.

umpisa nang trabaho kinabukasan, nakilala ko ang mga katrabaho kong pinoy at mga itsik, mga indiano at malay.
naging masaya naman ang aking trabaho, kahit mahirap at mahigpit ang boss namin, dahil pilipino nga,pag nag sama sama kami sa trabaho tanggal ang problema.
pero pag uwi ko ng bahay, bumabalik lahat ang lungkot, miss ko na pamilya ko, miss ko na school ko, miss ko na sya.

dumaan ang pasko, bagong taon at valentines na wala akong kasama. malungkot pero kinakaya,hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil kailangan, hindi pwedeng mag backout., tanging internet lang at cellphone ang nag papasaya sa akin,pero kahit malayo ako, tuloy ang communication namin ni aries, minsan nga tumawag pa sya. napasaya nya ako ng sobra nung gabing yun., pero napansin ko lang bandang january at february, hindi sya nag paparamdam sakin, sa isang buwan, 1 beses lang sya mag txt,.

 kung alam lang nya kung gaano kabigat ang loob ko kapag hindi ako nakaka recieve ng txt msg galing sa kanya.

kung alam lang nya kung gaano ako kasaya pag nakaka text at nakaka chat ko sya.

kung alam lang nya kung gaano ako nahulog sa kanya,

kung alam lang sana nya kung gaano ko sya kamahal...

-----------------------------------------


"friend, kelan ba dating nyang baby mo? diba kwento ka ng kwento na mag kikita kayo dito dahil mag tu- tour sila ng mga kaibigan nya..kelan nga ulit??"- ang tanong ng kaibigan ko.

ahh..sa march 2 andito na yun, sabi nya sa last day nalang daw nya kami mag kita para free day nya. (kahit na kinakabahan na ako dahil hindi na sya nag paparamdam at prinivate nya ang wall nya sa  fb.)


"ahh.. malapit na pla..excited ako para sayo! pakilala mo samin ha! hehehe!"


ahh.. oo walang problema..


dumating ang march ,ang araw na pinaka hihintay ko..yes! andito na sya sa lugar kung saan malapit sakin, at nag pa off talaga ako para lang maisave ang espesyal na araw na yun para sa napaka espesyal na tao sa puso ko..




excited na ako. ilang araw nalang march 5 na..

LONG DISTANCE (part2)

Tinanggap ko ang alok na OJT sa abroad.. at sa nov 2 ang flight ko, (4:30 am. to be exact ) bago pa man ang pag bisita sa puntod ng yumao kong ama ay nakapag impake na ako at nakahanda na lahat ng papers na kailangan., at lahat ay nasa sasakyan na para derecho na ako sa airport after cemetery..

biglaan ang flight ko dahil inaasahan ko sa december pa. pero may nag back out sa list, kung kayat ako ang napili nila para sumalo ng ticket. pero dahil bigla din akong sinagot ni aries,hindi ko malaman ang gagawin kung paano  sasabihin sa kanya,ano ba ang magiging resulta kapag sinabi ko na aalis ako at mawawala ng 6months, napakatagal ng kalahating taon at maraming pwedeng mangyare.

dahil hindi na ako mapakali ay inamin ko na sa kanya..

sa pag kakataoing 'to, tumawag na ako..

"bhe... may sasabihin pala ako..importante"

oh ano yun..?bad news ba yan??


"oo e, aalis ako,..

"saan ka punta?"

hmm.. sa singapore..

"wow, vacation??"


hindi, six months ako dun.. OJT.."

"ayy ganun ba.. pano yan.. aalis ka kaagad.."
iiwan mo kaagad ako..kaka oo ko palang.."T_T


sorry.. biglaan kasi e, actually flight ko mamaya, di ko na sana sasabihin sayo kasi gusto ko isurprise ka, kasi alam ko may tour ka din sa singapore, at dun tayo mag kikita...

"ikaw ah,ang daya mo. malihim ka masyado! mag iingat ka dun ha.. wag ka mag alala, mag kikita tayo dun..ok. dont worry, nag work na satin ang long distance, kaya din natin ang 6months."mag iingat ka dun alagaan mo sarili mo, galingan mo ha. andito lang ako lagi sa tabi mo.call ka lang o tawag ka sa akin pag may problema ha.."


tumatak sa utak at tumagos sa puso ko ang mga salitang bibitawan nya, at lalo akong nahulog sa kanya. ng mga oras na yon,feeling ko inlove din sya. feeling ko isa lang ang nararamdaman namin.masaya ako. at sa pag alis ko, di ako nangangamba na baka mabaling sa iba ang atenstyon nya..napakasaya ako. inspired ako mag ojt. excited na akong umalis..


oras na para mag paalam, at sa pag babalik ko, sisiguraduhin ko sa kanya na babawi ako, at ibibigay ko ang nawalang oras..


12:00am na ng umalis kami sa cemetery, nag paalam na ako sa aking ama at kasama ko ang buong pamilya sa pag hatid sa akin sa airport.
dahil sa masyado pang maaga ay nag decide silang mag coffe break muna kami sa the fort kung saan 15 mins nalang papuntang NAIA. at dahil sa anim na buwan nila akong di makakasama, nag bonding kami, mamimiss ko sila, mamimiss ko sya..sana bumilis ang panahon dahil may nag hihintay saakin, makalipas ang isang oras na pangungulit nila saakin at ang masayang kwentuhan kasama ang mga pamangkin, nag punta na kami sa airport at dun na nga ay nag hintay na kasama ang tatlo ko pang kasama sa byahe.

nanginginid ang mga mata ko ng luha habang nakatalikod na sa kanila at papasok na sa naia, madami akong mamimiss, kaibigan, pamilya, lalo na ang mahal ko..
simula na ng laban, sana makayanan ko ang tarabaho, sana makauwi kaagad ako..sana mag kita kami pag tour nya, sana mahintay nya ako.

LONG DISTANCE (part1)


Dahil sa pag kabagot, at panahon ng semestral break sa aming unibersidad, sa aking pag kakatanda, taong 2009 ,ng maisipan kong kalikutin ang friendster ko. ng makita ko sya na konektado sa isa sa malapit kong kaibigan,
Dahil sa angkin nitong ka gwapuhan.at kakisigan ,nabighani ako..kayat gumawa ako ng paraan para mapansin nya..nag message ako sa kanya at kinabukasan ay nakatanggap naman ako ng reply at ng hiningi ko ang number nya ay agad naman nya itong ibinigay, at yun ang simula ng pag kakaibigan namin ni aries na humantong sa pag iibigan.

ako si chris, isang binatang galing sa isang mayamang pamilya,graduate at nag aral sa isang malaking unibersidad sa pampanga, madaming business ang pamilya nila, to describe him,  gwapo sya, matangakad, chinito, maputi, at higit sa lahat.mabait ..ako naman,di ako kagwapuhan, maliit at maingay na tao,galing sa simpleng pamilya, 4th  year college ako nun ng makilala ko si aries, isang registered nurse at nag ta trabaho sa isang pribadong ospital sa makati. noong una ay nag aalangan pa ako na makipag kilala sa kanya, sa kadahilanang baka mataas ang standard nito sa pakikpag kaibigan o kaya naman baka hindi ako pansinin dahil hindi sya nakikipag usap sa hindi nya kilala.. ngunit ng binigay nya ang number nya ay nag bago ang pananaw na yun..

nagsimula na ang pag kakaibigan namin sa frienster at ngayon naman ay naging textmate kami, marami kaming napag kwentuhan, mula sa personal na buhay, mga ginagawa sa araw araw, kaibigan,gala,problema, at kung ano ano pa na  nauwi na nga sweetness pag kalipas ng ilang buwan..

nov.1 nun at abala ang lahat sa pag hahanda para sa pag bisita sa mga yumao nating kapamilya at mahal natin sa buhay, hating gabi na noon ngunit madami padin tao dahil karamihan sa kanila ay nag tayo ng tent para doon mag sleep over,at ganun din kami ng  pamilya ko.at dahil sa pag ka bagot tinext ko nalang si aries at agad naman syang nag reply.

"oh pre,napatext ka..?kamusta?nasa cemetery ka din..?"

"oo e, bored na ako d2, namiss kita,hehehe!.san ka pala ngayon..?"

"dito ako sa pampanga.. since andito buong family ko, dito na ako mag papalipas ng undas,"

"ahh ganun ba..?" hmm.. "

....hindi ko ma derecho dahil baka mabigla sya sa sasabihin ko.,pero ng mag tanong sya kung ano yun ,at dahil sa hindi ko sya matiis sa kakakulit nya ay inamin ko na.

"pre.. matagal na tayo  mag ka txt at mag ka chat diba.. kilala mo na ako, kilala na din kita, alam mo yun. wala na tayong itatago sa isat isa..so..ano kasi....


wala ka pa ba nararamdaman sakin. ?

ano na ba tayo.."kasi ..................ako gustong gusto kita.."



aries:"gusto din nman kita, actually yan din sana ang gusto ko sabihin sayo e.."so ano nga.?. heheheh!"

"tayo na..pwede ba..?"


habang kinakabahan ako sa pwede nyang isagot.ay humingi ako ng sign,.
pero mas nauhanan na ako ng reply ni aries kayat binasa ko ito kaagad.

"oo,tayo na....bhe" salamt at pinag katiwalaan mo ako,sana tumagal tayo."

laking gulat ko sa reply nya.. napatayo ako bigla sa masarap na pag kakahilata,gusto kong mapasigaw ng "YES" !! "SA WAKAS..!!" dahil sa mag kahalong saya at kilig na naramdaman ko nung oras na yon,at atleast di ako nabigo..
para sakin naman, sukatan na ang tagal naming mag ka kilala, pero ang hindi ko lang masiguro ay kung tatagal kaming ganon kahit di kami nag kikita.

ngunit sa kabila ng saya na nararamdaman ko,bumalik ako sa totoong panahon.nalungkot ako. dahil alam kong sa pag kakataong iyon ay malamang makikipag kita na sya sakin, pero ..




huli na ang lahat..

20 SECONDS CHALLENGE ^_^

YOU NEED TO COMPLETE THE WORD IN JUST 20 SECONDS
TIMER STARTS NOW!!!!!!






NABIKTIMA AKO NITO..! IKAW DIN BA! NYAHAHA..!
GREEN WORLD!

Written by:


NANLILIGAW O NALI-LIGAW ^_^




Pwedeng PLAYER ng mga PC GAMES o PLAYER sa "LARO NG PAG-IBIG",
yun naman yung mga tinatawag nilang "PLAYA". Kaya nga nauso ang kasabihang. . .

"DON'T HATE THE PLAYER, HATE THE GAME!!"

ayt then, let's move-on to my sh!t.....................


ANG TANONG: NANLILIGAW KA BA O NALILIGAW KA LANG??

ANG SAGOT: Kung ako ang tatanungin mo... eto lang sasabihin ko... ako kasi hindi ako nanliligaw... kasi baka puro good side ko lang ang makikita nila, puro pa-impress, pa-goodshot, pa-pogi (kahit hindi naman POGI!!) maganda kasi! caharot! puro pacute "POINTS" ang ginagawa dahil sa inaasam mong maka-"SCORE", hindi na nya tuloy nakikita at nakikilala yung "REAL YOU" y'knowhat i'm sayin?? pero ako ang tipo ng tao na mahilig makipag flirt.oo malandutay ako.!! hahaha!

Walang masama sa panliligaw, at alam kong kaugalian na nating mga PINOY yan noong unang panahon pa kaya nakasanayan na, pero suyuin mo s'ya ng patas, yung makikilala nya yung tunay na ikaw, yung tunay na pagkatao mo talaga kasi bad trip naman kung makikilala nya yung totoong ugali mo pag sinagot ka na nya!!! hahahahaha!!!! falling in love pa din ang the best, hindi kayang tawaran ng salapi yung feeling na yun eh, pero mas maganda kung patas yung ipinapakita mo na pagkatao sa girl/boy di'ba? walang halong plastikan, may mga iba kasi na BANO dumiskarte, at may ilan naman may mga STYLE-STYLE pa....

check this out....

 ETO BA ANG KLASE NG MGA MANLILIGAW MO…???

[eLite]
Mayaman, gwapo/maganda, kilala ,at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na di sya mababasted kaya pag nabasted maaapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihin “sus kala mo kung sinong maganda eh pinagtyatyagaan ko lang naman sya. pweh!”


[Quickie]
Ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam sabihin kundi “kelan mo ba ko sasagutin?” o kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa love?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.


[Everything]
Linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magugustuhan mo. kahit pa ang buwan o kaya mundo.” gaga ka pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan!


[Stalker]
Eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nasan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman nya, pero ang nakakatakot na parte dyan eh yung kahit hindi mo sagutin ang mga tanong nya na iyon ay nalalaman pa din nya, mukhang may matinding “source” ang gago na pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa’yo kaya nasusundan ka na nya kahit saan ka magpunta, kadalasan humahantong ang tagpong ito sa rape dahil hindi na nya talaga mapigilan ang nararamdaman nyang nag-aalab!! kaya mag-ingat ka sa mga pinagkakatiwalaan, baka kasi ilaglag ka ng mga kakilala mo di’ba? at mabigyan nila ng impormasyon tungkol sa’yo ang damuhong lalake/babae na yun,, di mo na kasi masasabi sa panahon ngayon kung sino talaga ang kakampi mo, andaming PLASTIK sa panahong ito.
Sino nga ba ang mga taong NAGLALAGLAG sa'yo na posible mong pagbintangan?? pwedeng kaibigan mo,o yung iba pang tao na malapit sayo na nakakaalam ng personal mong buhay. minsan umaaligid sila sa balat ng facebook mo. tama ba..? napakaraming paraan ng pang iistalk. mula personal hanggang sa internet!
kaya babala!! mag ingat sa stalker ... lalo na kung ....


pangit!!^_^

[Take it or Leave it]
Pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at eto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.


[Salesman]
Dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr./ Ms. Everything din kaya lang mas matindi sya mang-uto. KUNG BINEBENTAHAN KA NG BAHAY AT LUPA NYAN MALAMANG BUMILI KA NG LIMA “KAHIT BA NASA PASO PA EH” DAHIL SA GALING NYA SA “SALESTALK” puro bola nga ang gagawin ng tarantadong yan sa’yo.. yun bang tipong “ang ganda ganda talaga ng mga mata mo..” KAHIT DULENG KA NAMAN!! o kaya “ang lambot ng mga kamay mo, anong lotion ang gamit mo?” kahit yung kamay mo parang paa!! TAPOS BEBENTAHAN KA LANG PALA TALAGA NG LOTION ANO?? BWISET!! Eto ang grabe.. “KUNG MASAMA ANG MAHALIN KA.. MAGPAPAKASAMA AKO!!” HAHAHAHA!!! at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang ng OO. HAHA!!!


[Good Dog]
Eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan!! hala ka!!


[Anonymous]
Motto nya ang “action speaks louder than words”. wala kang kaalam-alam na nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. haha


[Second Chance]
Sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin ay “please give me a second chance”


[Romantiko]
Jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at kahit magmukha ng TINDAHAN NG BULAKLAK ANG BAHAY NYO AT MAGKA-DIABETES KA NA ay lagi pa din s’ya may dalang Flowers and Chocolates tuwing dadalaw sa’yo. pero madalas nakakapagpakilig s’ya ng nililigawan nya dahil sa kanyang ‘malinis na hangarin’ aww… siguraduhin mo lang!!! =)

[BURAOT] - mula kay bibi PILYO ..^_^
eto yung mga BAD guys!
sabi nya ito daw yung...

yung sex muna bago ligaw
yung mumurahin ka muna bago ka sasabihan ng i love you.
yung babastusin ka muna bago ka mamahalin
yung gagawin ka munang alipin bago ka ilalagay sa pedestal
yung pakakainin ka muna ng fishball bago hamburger.



grabe naman pag papahirap to! tinalo mo pa ang isang kontrabidang desperada sa teleserye ,mapa sakanya lang ang pinaka mamahal na macho gwapitong lalake.
well,pangit sa una pero may magandang intensyon sa bandang huli.
diba mas magandang kilala mo yung tao, para malaman mo kung matatanggap
mo ba sya o hindi sa simula palang na ipakita nya sayo kung gano sya ka gago at kaburaot.^_^


Kaya para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak manligaw, nililigawan,

naliligaw, nag-hihintay maligawan at nagbabalak lumagay sa magulo:

Ang love ay hindi minamadali, hindi pinipilit at lalong hindi kina-career.. Aray ko!

Unang-una , PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA?

*
Dahil ba natutuwa ka sa kanya?
*
O kaya naman naaaliw ka?
*
Naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya?
*
Kinikilig ka ba pag nakikita mo siya?
*
At naha-high kapag naririnig mo na ang boses niya?



Eh teka muna, baka naman na-IMPACHO ka lang ESTE…. INFATUATED ka lang o kaya naman kagaya nga ng sagot mo, BAKA naaaliw ka lang. Dahil kakaiba siya, may spark na hindi mo maintindihan.

TSK! Ang saklap nyan!…

GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???…

alam mo na nga ba ang mga bagay-bagay? Ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya, na nagdedetermine ng sarili niya. As in kung sino ba talaga SIYA.

Pangatlo, KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN?


Pang-apat, KAYA MO BANG MAGING TOTOO?

*
Kaya mo bang makita yung sarili mo na kasama pa rin siya sa isang sitwasyong pag naisip mo eh mapapaiyak ka na lang sa sakit nang dahil din sa kanya?
*
Kaya mo bang magmukhang tanga as in umiyak ng dahil sa kababawan ibuhos ang mga nararamdaman mo kahit na puro kababawan nga lang naman as in kahit sa harapan niya?
*
Kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya? Yung tipo bang wala ka ng pakialam mawala man ang manners mo na wala ka naman talaga!!! jowc lang hahaha!!! ano sure ka na?!

In short,

KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA?

Yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga dahil alam mong HINDI MO LANG SIYA TANGGAP, TANGGAP KA RIN NIYA. BUONG-BUO RIN!!

MGA TAO! Tama na kasi ang trip. Tama na ang pagmamadali. Oo, masarap ngang mainvolve sa isang tao, pero diba mas masarap yun LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNG NARARAMDAMAN MO. see what i’m sayin peeps?



IPAKITA MO MUNA SA KANYA NA MALINIS ANG INTENSYON MO AT KILALANIN MO
MUNA SIYANG MABUTI. ALAMIN MO ANG TUNAY NA NARARAMDAMAN MO, KASI PAG DI
KA NAMAN SIGURADO SA NARARAMDAMAN MO EH KAWAWA LANG SYA SA'YO.


bow!!! ^_^

Written by:

STRICT ang PARENTS ko..^_^


"ikaw bata ka! ginabi ka nanaman ng uwi. ke bata bata mo pa! lagalag ka na.! kung saan saan ka nakakarating! kung ano anong inaatupag mo.! yung pag aaral mo napapabayaan mo na. yung obligasyon mo dito sa bahay,di mo nagagawa. ano ka ba! ano nangyayari sayo! barkada!! yan.. yang barkada na yan! masamang impluwensya yan sayo!"

example of  those lines that you can possibly hear after getting caught of returning home late,drunk or tipsy.

nakaka-rindi hindi ba..lalo na kapag mala full- subwoofer ang ingay ng bibig ng nanay/tatay mo. haha!! pero ganun talaga ang magulang! gusto nila. habang nasa poder o pangangalaga ka nila. sila ang sundin mo. sila lang ang dapat masunod.sabi nga nila.. sila ang nag palaki sa atin at lahat ng desisyon na gagawin natin ay sangkot sila sa ayaw at gusto mo. dahil ayaw nilang mabahiran ng kahihiyan ang pamilya o masabing mali ang pag papalaki sa atin.pero dahil sa ang kabataan sa ngayon e mapusok, mapag laro, pilyo, pasaway at gusto makatikim ng bawal, pilit nitong ibabaluktot ang tuwid na landas.! hehe!

ano-ano nga ba ang BAWAL (18 below) bawal uminom ng alak, magpagabi,makipag barkada,manigarilyo,gumala,sleep over,birthday party,malling, gumimik, makipag boyfriend/gf at marami pang iba. napakaraming pinapakialaman ng ating magulang simula nung bulinggit palang tayo hanggang sa pag dadalaga at pag bibinata. ulitimo damit na sinusuot natin o sa style ng buhok napapansin. ganyan talaga ang magulang, balang araw, pag wala na sila.. hahanap hanapin mo yan..^_^

bakit nga ba masarap ang bawal..kasi... gusto natin matikman yung bagay na natitikman ng mga taong kaedad natin,sabay sa uso.sunod sa kaibigan, ayaw mag pahuli o kaya naman yung iba. atribida lang.napaka explorer,observant at experimental ng mga kabataan kagaya ko.dahil sa matinding CURIOSITY, sinusubukan natin ito.pero ang inyong lingkod ay magaling magtago ng bisyo at kalokohan, walang nakaka alam dahil malinis akong trumabaho! hahahah!

dahil sa mga napabalita ng masamang pangyayari sa mga kabataan ay ayaw nilang matulad tayo dito. tulad ng pagka pariwara, mag ka bisyo, ma rape, maagang pag bubuntis ,maagang makabuntis o mapahamak dahil sa pag pasok sa mali/ baluktot na paniniwala ng ilang kabataan (frat).ngunit sa ginagawa nilang pang hihigpit. lalong umiinit ang mga pwet natin gawin ang mga bagay na bawal at ayaw na ayaw ng ating mga magulang..

dahil minsan nakakasakal na hindi ba....(aminin)

dahil ginagawa nila sa atin ang mga bagay na natikaman nila sa parents nila nung panahon nila.
iba ang panahoon noon. more conservative.walang cellphone,walang internet,wala halos sex TV.
iba na ngayon..liberated, mas mapusok, mas mapangahas umaapaw sa sex TV. sana naman luwagan nila kahit papaano.wag naman sana pang himasukan kung sino ang naging boyfriend o girlfiend mo. besides..tignan mo din naman ang dahilan ng parents bakit ayaw sa taong iyon na luvs mo.maybe..(jobless, illiterate,adik,tambay,bastos,hambog etc) -sundin ang parents!! pero kung wala sa nabanggit, go sago, humayo kayo at mag pakarami!LOL. sa bandang huli nasa sayo ang desisyon.pumili ng nararapat. aanhin mo ang gwapo kung gutom ka naman at ang future baby mo. ikaw naman ang makikisama dyan hindi naman sila. sino ba ang nag mamahalan. for example (ako at si piolo) charot!! ayaw nila kay piolo! bakit sino ba ang pakakasalan.. si papa..?LOL!

lets try this scenario:
noon
anak, kailan ka ba mag aasawa...gusto ko ng mag ka apo.
ngayon:
ano ba yan! ke bata bata mo pa! may anak ka na!nakakahiya ka!!
--------------------------------------
nung binata/dalaga pa
...bawal mag boyfriend, bawal uminom,bawal maglakawatsa!
nung nag asawa na
...o ngayon.nag sisisi ka, di mo inenjoy ang pag dadalaga mo! nag asawa ka ng maaga! pordyos kang bata ka!

HELLO!!!!
pano namin maeenjoy ang pag dadalaga/pag bibinata  kung yung panahon na yon e naka padlock ang mga paa namin sa kamay ninyo.grrr!!!

tama o tama..??!

TIPs: kung gagawa ka ng bawal siguraduhin mong walang makaka alam
          kung gusto mong gawin.. gawin mo...!
          kung gusto mong tumikim.. tikman mo!
be sure to have limitation in all things that you do.
maging responsable sa lahat ng bagay, huwag papapatalo sa tukso, at huwag hayaan ang sarili malulong.
tikman mo. gawin mo. make sure nothing bad will happen, think before you do, learn how to control yourself.

but since they are your parents: listen to them, follow them ,love them.
kapag naka graduate na kayo ng college at nakapag trabaho na o sa iba dyan na nag kaanak na.
marerealize nyo lahat ng pang hihigpit na yan, at masasabi nyong
TAMA pla sila. sana sinunod ko, hindi sana nag kaganito ang buhay ko


or TAMA sila. salamat at sumunod ako...


ikaw..strict ba ang parents mo..?


Written by:

PINOY- SAME SEX MARRIAGE-

 
 SAME SEX MARRIAGE- ano sa tingin mo..?!


Same Sex Marriage be legalized in the Philippines. Yes or No?

Nagkakagulo nanaman ang SIMBAHANG KATOLIKO, GOBYERNO, MEDIA, AT MAMAMAYANG PILIPINO.
sa pag PUTOK balitang ito na gumimbal sa dugo ng ating mga kaparian at obispo.
hala.! gyera nanaman sa pagitan ng GAY RIGHTS at MORALIDAD/KRISTIANISMO.

Saan nga ba nag simula ang ganitong kasalan..?

BAGUIO CITY-Metropolitan Church performs the first wedding since November of 2003 but public get to know about this just last early july 2011.
In 1994, the Progressive Organization of Gays in the Philippines (ProGay) led the first gay and lesbian pride march in the country. Since then, Filipino homosexuals have marched in an annual public pride parade every June and a number of grassroots GLBT groups have lobbied the government for official recognition of their basic human rights.

teka..Who wore the bridal gown? Neither spouse.

Because the couple was two men in their best barong tagalog as they march down the isle.
                              
                                                            "pasilip nga!!"

ayun naman pala..ang cute! colorful.! mga beckie talaga..! gusto mala rainbow ang life.haha!
anyways....
Same-sex couples like them continue to struggle for equal rights and recognition of gay and lesbian marriage in a society pretending to be democratic and free,.ang hirap ng ganitong sitwasyon. because eventhough tanggap naman ng madalng people ang gay, di naman nila maatim ang gayness to the highest level na may kasalan nang nagaganap. aguy!!!

well.. kung ako tatanungin..even im in a long term relationship.
it doesnt mean na,magpapakasal kami ng partner ko. no need na yan! as long as we love each other,nagsasama kami ng maayos. masaya kami. ayos na yun!! diba mas masarap humarap sa simbahan at makinig ng misa at tumanggap ng ostya kapag wala kang itinatagong sikreto sa puso mo.

yes its illegal ,patago.and unlike holy matrimony, a "holy union" doesn’t require legal documents. People enter holy union as a holy sacrament that seeks divine blessings for the love they share to one another. its a blessing only.

sabi nga nila- BABAE at LALAKE lang ang may karapatang mag pakasal.

but i want to be fair to my "colleague" ^_^

“Ang kasal ay pag-iisa ng lalaki at babae. At ang pag-iisa ay pagkakaroon ng natural na supling na hindi maaaring gawin ng parehong kasarian na nagpakasal,"  bishop —  GMA News  

Hindi po ba mas nararapat na sabihin na ang kasal ay  ang pag-iisa ng dalawang nilalang na NAGMAMAHALAN? At ang pag-iisa ay ang pagkakaroon ng supling maging natural o hindi.
Para niyo na ring sinabing hindi maaring ikasal ang mga BAOG dahil sa wala silang kakayahang magkaroon ng NATURAL na supling.

I CORINTHIANS 13:13
And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.  

Hindi ba ang nangyaring pag-iisa ng couple na yun ay dahil sa PAG-IBIG?


But Bishop Cenzon cautioned the Catholic faithful, “Mag-ingat tayo sa grupong ito dahil kanilang pinapalabas na sila ay bahagi ng Simbahang Katolika gayong ang kanilang ginagawa ay labag sa Church teachings. Even the Baguio local government is condemning this kind of act."

Hindi naman po nila sinabing nasa ilalim sila ng SIMBAHANG KATOLIKA. Yung mga kinasal po at yung nagkasal NEVER INSISTED na kilalanin ito ng saligang batas ng PILIPINAS. They do it because naniniwala silang nagmamahalan yung dalawang tao.

Maraming bagay na mas makabuluhang dapat pag-aksayahan ng panahon. Huwag bunuin ang oras ng paglilingkod sa taong bayan sa mga usaping PRIBADO. hindi na nga sa simbahan nag pakasal e.. tagong tago na nga diba.dun sila sa kabundukan at liblib na lugar nag isang dibdib at hindi sa tahanan ng panginoon(simbahan) ano pa ba gusto nyo..

hindi po kayo invited sa kasal kaya hindi po dapat kayo nakikialam. Ni hindi nila sinabing mag ninong kayo o mag ninang.

BAKIT hindi nyo nalang pag toonan ng pansin ang mga KORUPT sa gobyerno at MAHIHIRAP sa tapat ng quiapo na pinag mimisahan nyo father! mawalang galang na po. mas marami pang mas importanteng bagay na  dapat pag toonan ng pansin. kagaya ng mga "kotche na  iligal na pinamahagi sa inyo galing sa kaban ng bayan" hindi po ba...

salamat po.

sa mag papakasal pa dyan..

kunin nyo kasi silang NINONG..! kayo kasi!!


kwentong BECKY..


father: sino dito ang bakla.?
becky: akez fatherbells..!!
father: bawal ang bakla.! makasalanan! hindi kayo papapasukin sa langit!!sasarhan kayo ng pinto!
becky:okay lang father! dun nalang ako sa rainbow mag slide-slide!!

Written by:

FRESH ka ngayon.. paano ka BUKAS...


"para akong nag luto ng sinigang na kuko ng baka, ginisang kuto at kalderetang libag..with ice cream dessert flavored wasabi and bagoong.
parang tubig na hinalo sa gasulina, parang cellphone na walang battery, parang ako na MAG-PAPAKASAL sa babae.at mag AANAK ng PAG ka-dami dami.!! ang bottomline --MALABO--
"

Isang seryosong bagay na sumagi sa isip ko..




isang gabi. nanaginip ako tungkol sa kahihinatnan ng buhay ko pag dating ng panahon.
nakakatakot.. ayoko mangyari. pero alam ko darating ang panahong iyon.
wala na akong ama, simula nung 3rd year highschool ako. kaya sa kabuuan ng pag-dadalaga pag bibinata ko e, wala sya. pero nag papasalamat parin ako sa kabila ng lahat, napunan naman ng aking ina ang mga bagay na dapat si papa ang gumawa.,naaalala ko pa ang panahong PILIT akong sinasama ni papa sa cockfight( SABONG) kahit na ang init,bored, at napipilitan lang ako,at ang magagarang manok na ako ang ginawang care taker. pakainin ko nga ng dinurog na katol yung isa ,ayun edi round 1 palang,tepok na.! hihih!) mga kalokohan ko nung araw. ngayon papa alam mo na kung bakit natalo ka.! peace po!! heheh!!
i miss you..'pa..love na love ka ni mama..speaking of mama..

Noong una. iba pa ang ugali ng mama ko. maingay. magulo. laging galit. hindi malapitan.nakakatakot kausapin. yung tipong nambabato ng kamatis kapag inistorbo mo,sisigawan ka sa harap ng madaming tao kapag mainit ang ulo.pero sa pag daan ng panahon.dahil nga sa pag kawala ni papa, saaming mag kakapatid nabaling ang atensyon nya.lao na nung nagkaroon ng madaming apo mula kay kuya, nagiging maaalalahanin sya.masayahin,pasexy na manamit at sumusunod sa uso,naging malambing pa,kahit na minsan,di ko masakyan dahil di naman ako showy para makapag lambingan din kay mother earth. at ayokong makita yun ng mga kapatid ko dahil seloso sila. at ayokong nagiging bida.kaya pinili ko ang maging tahimik na tao at suplado sa mata ng pamilya ko,para sila ang pag-toonan ng pansin..at habang nag kakaedad ako at nag kakaisip.napansin ko na si mama lang ang kakampi ko kahit papano. sya ang nag bibigay ng mga pangangailangan ko. kaya natatakot akong mawala sya..

natatakot ako sa panahong, baka kalimutan na ako ng mga kapatid ko.wala na akong kakampi,wala mag sosoporta saakin. kaya pinipilit kong makatapos kaagad. para makapag solo na o di kaya e,maranasang kumita galing sa sariling pawis.

Sa ngayon masaya ako.. feeling ko, wala akong problema sa buhay, walang problema sa pagkain,damit, tirahan, nasusunod ang gusto, walang trabaho, kain tulog lang kumbaga..
di ko napapansin.. dumadagdag ang edad ko. sa edad kong 21 ngayon, feeling ko. wala akong silbi. feeling ko wala pa akong naa-achieve,saan ako pupulutin kapag wala na si mama.susuportahan ba ako ng mga kapatid ko,paano ako mabubuhay mag isa?, paano ako kapag nag asawa na sila at may kanya kanya ng pamilya.?paano na ako.? yan ang mga tanong na parang gayuma na pilit pumapasok sa isip ko kahit kontrahin ko pa.natatakot ako:-(

dumako naman tayo sa realidad,personalidad,kasarian at katotohanan...

HINDI AKO MAG AASAWA..!

'yan ang nakatatak sa utak ko. dahil alam ko di ako magiging masaya kahit ipilit ko.para akong nag luto ng sinigang na kuko ng baka, ginisang kuto at kalderetang libag..with ice cream dessert flavored wasabi at bagoong!
parang tubig na hinalo sa gasulina, parang cellphone na walang battery, parang ako na MAG-PAPAKASAL sa babae.at mag AANAK ng PAG ka-dami dami.!! ang bottomline --MALABO-- pero naisip ko mali e. paano na ako pag tanda ko. sino ang mag aalaga sakin, sino ang aagapay, sino ang magiging kasama ko sa hirap at ginhawa. makakasama ko tuwing espesyal na okasyon, mula birthday, christmas at newyear. specially UNDAS"valentines"

OO.. siguro sa ngayon nag eenjoy pa ako,party party, gimik, gala, inom, bisyo, lahat na.. date dito date doon. kembang dito, harutan doon.. kinikilig sa twing nakakarecieve ng sweet txt msgs na kala mo walang katapusang pag ibig.(kahi na "goodmoring" lang naman ang sinabi) mahabang call na umaabot ng 3-4 hours,kahit gipit na,at pang baon na ang ipinang a unli call. sweet sweetan. nag lalaro ng habulan-gahasa ..asaran sa barkada(ayaw mo pero kinikilig ka),bigayan ng gift (pero ako narerecieve ko after a month, delayed lagi.)tuwing monthsary.nag susubuan ng snack sa school(sa kanya ang meal,sa akin ang water"mag diet daw ako") manonood ng sine.(sagot nya nga 1 popcorn sakin naman yung movie pass) hala!! wala naman tumatagal na relasyon. pinakamatagal ko na ang 7 months. kalokohan pa.at ang masaklap, ako lang ang nag seryoso.tsk tsk!siguro sumpa na yun ng relasyon dahil nag kasagutan kami sa sementeryo at nov.1 yun.(hindi yan joke)yan ay ngayong bata pa at FRESH pa. pano pag matanda na ako at kasing kutis ko na tita swarding, at ka fes si kuya jobert sucaldito. at ang dating mabangong katawan ay magiging amoy bayabas na bulok na,o sing amoy ng bulaklak na pininda ni aling puring sa tapat simbahan,na may halong amoy kandila sa gigilid.. sa tingin mo ba.. magagawa ko pa yan..o ang tanong. may papatol pa ba kay barrogs.haha!!

kaya naisip ko.. tama si mother earth. KAILANGAN ko ngang mag asawa at mag kaanak.
gusto daw nya mag kaapo sakin..ano naman kaya magiging itchura nun. yan din ang isa pang nakakatakot e.!LOL!

pano ba.. paano ba manligaw ng babae, pano ba maging sweet sa kanila.
kaya ko ba,(hindi ba nakaka suka yun- lasunan(anti-BI-otic)

AYY BASTA!natatakot ako..kailangan mag payaman.mag impok para sa kinabukasan
natatakot akong tumanda....natatakot akong mapag iwanan at tumanda mag isa..
sana makahanap ako ng taong mamahalin ko habang buhay
at habang naka sakay sa jeep , darating sa time at sasabihin nya
ang mga katagang
..
"ma', bayad oh.. dalawang senior"

ikaw.. handa ka na bang harapin ang kinabukasan mo..?

Written by:

MY BABIES ! (ace and ace jr.)

Ito ang dahilan ng pag ka tengga ko sa pag ba blog. kung kelan naman nag uumpisa saka naman nangyari to. malas naman!! grr! nakaka dalawang laptop na ako.. oo! dalawa..!

the kwento goes like this: (arte lang)

mahal ko ang mga gamit ko higit sa kaynino man, except kay "mother earth"
nakapag pundar ako ng mga gamit ko dahil din sa pag sisikap ko. sa trabaho at pag pupursiging makaipon makabili lang ng mga yan. laptop, cp at DSLR at kung ano ano pang gadget/accesories. hindi ko lahat inaasa sa mama ko ang mga bagay na ganito. rumaraket ako mag kapera lang..hmpf!

ang unang laptop ko ay ito..



aguyy!!!!!!!!! habang pinag mamasdan ko ang mga picture ng "baby ace" ko,lalo ko syang namimis.. naiiyak na tuloy ako.wala pang 1yr old, kinuha ka na agad sakin. iningatan kita n a halos di kita pinapadapuan sa lamok, wala kang gasgas kahit isa, wala kang peklat at kahit anong virus, alagang alaga ka sa program at updates ko. di masyadong mabigat ang nilalagay kong files para di ka mahirapan, at lagi kang malinis..
pano ka ba nawala sa mga palad ko.. recall recall..
balikan natin ang nakaraan..
actually,hindi sya nawala or accidentally naiwan..

NINAKAW SYA.. :"(



nasa kalagitnaan ako ng OJT ko sa singapore ng manakaw ang laptop ko.. na ang suspek ko ay walang iba kundi kapwa natin pilipino din.wala na siguro syang magawang paraan para makauwi ulit ng pilipinas ng mag tangkang mag hanap ng trabaho sa SG ng walang kasiguraduhan.makalipas ang 1 buwang pag hahanap ng trabaho sa singapore ay hindi sya pinalad. wala na siguro syang pamasahe pauwi kaya napilitan "siguro" sya na kunin ang laptop ko at ibenta sa "lucky plaza".nakaka lungkot isipin na may kababayan tayong handang gawin ang nakakatakot na bagay na pwede nilang ikapahamak dahil sa matinding pangangailangan, at pati kapwa pinoy na nag papagod sa pag ta trabaho ay bibiktimahin nya, grabe sya tinalo nya ako.!
pasalamat sya wala akong malakas na pruweba para makulong ka dun, dahil na kauwi sya kaagad ng pinas at wala sya ni isang bakas na iniwan. pero kung nag kataon. nakakahiya, dahil kahit ilihim natin ang nangyari, kakalat yun at makakarating sa pamilya at kaibigan nya na talaga namang kahiya hiya!

dahil sa pangyayaring yon,2 buwan ako halos walang komunikasyon sa pamilya ko at lugmok na lugmok sa kalungkutan doon dahil sa laptop lang ang libangan ng mga pinoy sa abroad, wala naman tv dun.:-( kaya nag pasya akong bumili ulit ng laptop, kahit masama sa loob ko dahil ipon ko iyon para pang treat pag uwi ng pinas.
kahit di sya kasing laki at kasing mahal ni baby ace na regalo sakin ni mother earth nung bday ko, minahal ko din ang netbook na acer aspire-one na pinangalanan kong "ace jr" dalawang buwan din kaming nag sama sa singapore ni ace jr. at napasaya nya ako ng husto sa pag dating nya dahil napawi nga ang kalungkutan ko dala na pag kawala ni ace.

bumalik man ako ng pinas na wala si ace. kasama ko naman si ace jr.
subalit, ngunit, datapwat.

isang araw..umuwi akong lasing, wala sa wisyo at antok na antok. at dahil addicted ako sa fb. kahit naka bulagta na ako sa kama,pinilit kong buksan ito at chineck ang FB notifications ko..ayun!! di ko namalayan na naka tulog na pala ako..
ang scenario pag ka gising.
(wala pang hilamos o toothbrush) masaya kong pinag masdan si ace jr. sabi ko.
"ay nakatulugan kita kagabi, sigurado akong napuyat ka at naubusan ng battery", at bumangon na ako at saka tsinarge ko na sya.
masaya akong bumalik ng kwarto pag katapos kong maligo at binuksan ko sya ng nabigla ako sa nakita ko.

bang!!!!!


aguy!! sus ginoo! nadaganan ko pala sya kagabi.:(
di ko alam kung ano ang irereact ko. wala. blangko, shocked.nganga!

sa ngayon 2 weeks na syang nasa cabinet ko.,napakamahal pala ng pag papapalit ng LCD nito. php.5,700 ang singil ng ACER service center sakin:-( ahhhhhhaaayy!!
sana mag ka pera na. ayoko ng nag titiis sa desktop kong nag loloko:-( at isa pa mas magastos sa kuryente, kawawa naman ako.. sana sa christmas mabili ko na ang pinapangarap kong


SONY VAIO Y-SERIES
ahayyyyyyyyy!! napaka cute mo! pwede ka pang palit palitan ng housing! para kang barbie doll na pwedeng palitan ng damit. ang classy ng look, 11.6 inch,parang hindi netbook. ganda pa ng specs.flawless, sana isa ka sa matupad ngayong christmas.kahit wala na yung love life, sayo palang, inlove na inlove na ako.! hehehe!!
pag napasakin ka.. iingitan talaga kita!!!^_^

50 facts about me...!!!!!! basa dali..!



At dahil na uso nga ang ganitong listahan ng mga bagay o mga “facts about me” sa mga ka blog natin at sa kung saan saan pang babasahin sa world wide web….abay hindi naman ako papahuli dyan. Dahil sa isinilang akong gaya gaya.. ayan gagayahin ko kayo.haha!!
Sino nga ba si lei?? Hmm (basa)

1. Grade 5 ako nung nag pa TULI, nyahahah! At ang mga kasama ko pa noon ay mga grupo ng kalalakihan na kung tutuusin ay mas matatanda pa sakin ng ilang taon. (lalaki pa ako nun).at hindi ako nag paalam. Pag uwi ko, nagulat sila tuli na ako.. so dalaga binata na..!LOL

2. Takot at malaki ang galit ko sa IPIS! As in! lalo na kapag nag liparan sila sa kwarto ko habang sarap na sarap na nano nood ng porn TV. Ahaaaaaayy! Nauuna na ang betlogs kong tumalon bago ako. At nag mamadaling lumabas ng kwarto minsan sa labas ng bahay pa lalo na kapag nag spray sila mamita ng baygon! Grrrrr!!!

3. Mahilig akong kumanta, at yan ang nag iisang talentong tinatago ko! Haha! Mahilig din ako sa photography..(makapag post nga d2 minsan)


4. Moody ako! Sobra.. pero kadalasan naman sa school dahil nga sa malaya ako dun, lagi akong game! Masaya syempre. Pero sa bahay. Nako wag mong asahang kakausapin kita.basta! haha! Suplado din ako sometimes.hihih!

5. Di kami nag uusap ng kuya ko for 5 years now. Grabe ang tagal noh?? Kahit na minsan naman dumadalaw sya sa bahay naming. Si ate at mama lang ang kinakausap nya. Kahit bating kapatid na “kamusta” o “kain tayo” hindi mo maririnig sa kanya. Malaki ang galit nya sakin, at malalaman nyo ang dahilan SOON!


6. Malandi ako! As in malandi! Basta type ko. Di ko tinitigilan. Pero madali din naman ako Manawa, wag mo lang akong papatulan dahil mabilis akong mainlove. Ganun siguro talaga ang taong lagging single at searcher, kung sino ang dumapo, tanggap agad. At matagal ako bago makapag move on! Ang landi ko! Di ko naman jowa! Haha

7. mabilis ako mag tiwala/Mabilis akong mag pakawala ng tao sa paligid ko. Though nakaka pang hinayang. Pero pag ako na traydor ng isang kaibigan, sorry. Pero ba bye!:-( ayokong mag ipon ng kaibigan mo pag kaharap. Kaaway mo pag naka talikod ka. Tama o tama.?? Heheh!!

8. Mapag mahal ako sa pamilya ko. At kaibigan ko. Pero ang kaso… hindi ako SHOWY. Yan ang hirap sa iba, na mi misinterpret nila ako. Kala nila wala akong pakialam sa kanila di nila alam, sila ang inspirasyon at buhay ko.:-(

9. Hindi ko matitiis, di ko kayang iwan, at kaya kong isuko ang bagay na meron sakin kapalit ng buhay nya kasama ako.Pinakamahal ko sa lahat at sa buong mundo- mama ko..

10. Mahilig akong kumain ng kung ano ano. Napaka explorer ko pag dating sa pag kain lalo na sa mga pag kaing di ko pa natitikman kaya gumagwa ako ng paraan maka bili o makatikim man lang nun, kung hindi. Ako ang mag luluto! Hehe!

11. Yes! As an HRM student. Marunong ako mag luto. Di naman magaling pero. Sapat lang bilang isang cute chef.:-) yey!

12. Kuripot ako- sa mga bagay na walang kinalaman saakin,haha! Di ako gumagastos para sa ibang tao, depende nalang kung espesyal sa puso ko!naks!!magastos ako pag dating sa pag bibili ng abubot sa mukha. Mga pampaputi, pampa cute, pang pa pogi , basta mga bagay na nilalagay sa mukha at katawan. Numero uno ako jan. magutom na ako wag lang ako mawalan ng favorite kong “facial wash”! Lol

13. Mahilig ako sa mga soap opera. Drama etc. basta sa ABS-CBN lang ha.!:-) solid kapamilya ako e.! at pinaka paborito ko sa lahat ang MMK, yan ang drama anthology na talaga naman di ako binibigong paluhain.T_T

14. May SCANDAL VIDEO ako! Hahahah! Totoo. At naka tago lang to sa laptop ko. Isa lang ang kopya at naka security code pa. gusto nyo ba ng copy.?? Hehehehe!!

15. 3 years na akong di nakaka inom ng sofdrinks,(yr.2008)  favorite ko pa naman. E bawal e. at hindi lang bawal as in masakit pag umiinom ako. Kaya kahit mag lihim ako uminom. Ako rin ang kawawa. So be it!:-(

16. Di pa ako nakakaranas ng wet dream. Pano inuubos ko gabi gabi! LOL! Nyahaha bad!

17. Iba ang personalidad ko sa bahay (pamilya) at sa labas (kaibigan) sa bahay-tahimik sa labas malandi, maingay, haliparot!!!!!! Kaya nyo yan..? dual personality! Haha!

18. I hate my “last name” apelyido. pag nalaman nyo at napa sa inyo yun. Malamang ibabalik nyo sakin! Hahahah!

19. Madami akong crush!! Mapa babae o lalaki.! Landi! Nyahahah!

20. May naka relasyon na ako via phone/net. 7 months yun!

21. Tamad ako.. pag nakita mo akong nag lilinis ng bahay malamang may sanib ako nun. At pag may sanib ako ng kasipagan. Ultimo toilet kinikiskis ko! Haha!!

22. Pangarap ko maging professor at mag turo sa paaralang pag tatapusan ko. Balak ko mag M.A. 2 years ulit na pag sabak sa panibagong unibersidad. Maging guro lang.huhu!!

23. Mahilig ako sa pet.specially cute puppy!!

24. Balbon ako. E I hate balbon pa naman! Haha! So pag tumubo na yung mga balahibo ko sa paa. Shave agad. Kahit Makati at nag kaka scratch nag mumukang may skin asthma ang legs ko. Go lang! tiis ganda! Haha! Ay tiis gwapo pla! LOL

25. Marunong ako mag gay lingo!

26. Nakapag travel na ako sa ibang country (SG)at nasubukang mamuhay din ng anim na buwan. Ang hirap ng buhay pag malayo sa minamahal na pamilya at kaibigan.:-(

27. At dahil dyan… gusto ko naman masubukang mag travel sa iba pang bansang gusto ko puntahan. Weeee! Syempre gusto ko muna malibot ang pinas! Sana mag ka work na. para magawa ko nay an! My dream in life. Travelling with someone I love. Ayiiiiieee!!

28. Matigas ako. Di ako basta basta napapaiyak.! Pero napaka sensitive ko. Sa loob lang di ko nilalabas pero pag napuno ako imba.! Sumasabog talaga. Ayoko ng tinatapakan ang pag katao ko. Porke ba maliit ako??hmpf! bad!!

29. Facebook addict ako! Sus! Karamihan naman sa inyo ganyan din. Haha! Mas malala nga lang ako dahil wala akong pinapalagpas na oras. 24/7 na yata ako naka online. Desktop sa umaga, lappy sa gabi.hanggang pag tulog naka open yan. Waiting for some Buzz from "1" ayiee!!

30. Wala na akong papa, he died 5 years ago.:-( but it doesn’t make me weak. Ayan oh ang sipag ng mama ko mag tarabaho for us. Kaya I love my mom for being a good and responsible mother to all of us!:-)

31. Madami akong sites, FACEBOOK,TWITTER,BLOGSPOT(2), PR, LO,M.J, YOUTUBE,SKYPE,MULTPLY, YM, ano pa ba..hmmm dami! Haha! Nakakahilo pag inopen ko sila ng sabay-sabay pero di ako nalilito mag log in dahil lahat ng username/e-add at password ay iisa lang. kaya pag na reveal nyo ang password ko. Lahat ng sites ko mabubuksan ninyo..hihihi!

32. Hindi ako lumaki sa pamilya ko.ganun din ang mga kapatid ko, Palipat lipat ako ng tinirhan noon. Kung kani- kayninong bahay at tao ako napadpad. Dahil sa mga problemang napag daanan ng aming pamilya..at kung kalian natapos ang problema at nabuo ang aming pamilya saka naman nawala si papa at nabawasan ulit kami.:-( nananatili nalang si papa sa aming alaala,.

33. Di ako close sa kahit kaynino dito sa bahay. Dahil ilang sila sakin.

34. Halos Wala akong kilala sa mga kapitbahay ko. Siguro mga 5 lang sila. Haha! Di ko kasi ugaling makipag halubilo sa mga dirty people eewww!! Lol ang yabang! Ahahah! Ang totoo .Di lang talaga ako pala labas. Taong bahay lang kung tawagin.

35. Mahilig ako manood ng PORN.

36. Mahilig ako mag ayos sa bahay, maarte ako sa katawan kaya sumasalamin naman yun sa kwarto ko. Syempre malinis.at dapat lagging organized. Di ko kayang matulog kapag madumi ang paligid. Feeling ko lagi nasa dumpsite ako. Kahit na plastic lang ang nakaka kalat sa kwarto.. ang arte????! Ahahahah!

37. ayoko ng may kasama ako pag nagsisimba dahil ayoko ng minamadali ako.. pag nasa galaan hanggang umaga. Kahit pagod na tuloy padin. Pero para sa isang oras na misa nag mamadali. Kala mo sinusunog yung pwet.grrr! I hate those kind of people!

38. First job ko ang pagiging service crew sa “Greenwich” at tumagal lang ako dun ng 1 month. At nilayasan ko silang lahat ng walang paa-paalam.haha! bad!!! Ayoko kasi mag work. Triny ko lang yung dahil sa gusto ko maexperience.haha!

39. Nag I smoke ako at umiinom occasionally. Pero allergy ako sa dalawang yan. Mana kami lahat kay mama.kaya kahit malakas kami uminom. Di pwede dahil namamantal ang buo naming katawan.eeww!!

40. Maarte ako! (nasa lugar)

41. Galit ako sa mga taong atribida. At none sense kausap. Gusto ko yung totoong tao. Nasa lugar ang kaartehan at di sinungaling(I really hate that)marunong makisama sa kahit anong estado ng buhay. Kumbaga flexible ang personality. Maingay at masayahing kasama at walang drama sa buhay.Yan ang gusto ko! Kung ganyan ka mag kakasundo tayo!:-D

42. Mahilig akong mangalikot ng appliances na sira. At minsan naaayos ko pa. ewan ko ba wala akong takot mag hahawak ng bagay kahit may kuryente. Sarap lang ng pakiramdam mag “kalikot” haha!

43. I love music! (kahit anong genre,exept emo rock /hardcore songs –YUCK!Di ako nakaka gala o pumapasok ng din aka sabit sa mag kabila kong tenga ang earphone ko. Love songs and Rn’B ONLY!

44. Pag natulog ako ng hindi nag hihilamos. Kinabukasan sigurado akong may tumubo nanamang TAGHIYAWAT! Errrrrrrrrr!! Ganyan sya kasensitib kaya purong alaga at atensyon ang binigigay ko kay fes..

45. Pangarap ko mag ka roon ng bahay na may pool sa rooftop. At may garden naman sa 1st floor. Yung tipong may mga butterfly at dun kami kakain ng breakfast kasama ni “future baby” ko habang magkayakap naman habang naka sakay sa duyan pag sapit ng dilim. Naks! .hahah! (pangarap nga….)

46. Ako ang nag design ng exterior ng bahay namin. Pinilit ko ang nanay ko na ipag katiwala saakin ang pag aayos(renovate) ng bahay. Kahit nanginginig sya habang binibigay ang pera. Natuwa naman sya sa resulta. Bleh!!!

47. I can keep secret.. as in secret to the highest level;.hahah! dyan ako maaasahan. Kahit mag away tayo di ko parin kayang ipag sigawan ang sikreto mo.

48. Di ako umiinom ng kapeng mainit.since elementary up o now. Di kaya ng sensitive at maarte kong tummy. Pero hilig ko ang pag inom ng malamig na juice o water pag umaga, freezing mocha frappe' ng SB na sinasamahan ko ng mainit na krispy-kreme dougnut.hahahah! weird daba..!haha!

49. Meron akong piano sa kwarto ko na nirequest ko pa nung bday ko. Hanggang ngayon di ko pa nagagamit. Tinamad na ako. Hahaha!

50. Magaling ako makiramdam o makisimpatya ng tao. Yan ang bagay na natutunan ko sa pagiging tahimik ko sa bahay at pagiging maingay ko sa school/kaibigan. Alam ko kung ang tao e makakasundo ko, plastic o isang “friend for benefit” lang ..,di ako nang huhula pag dating sa bagay nay an. Dahil ayaw kong mag bintang sa tao at mang husga basta basta. Binibigay ko nalang sa kanya ang nararapat na “treatment” depende sa personality nya.


Ayan!!!!!!!! Tapos na! hahah! Grabeh ah.. actually sa isang tao. Kulang pa nag 50 na yan. Pero dahil sa over naman mag lagay ako ng 100 facts about me .. e hindi na masarap sa mata yan! Hahaha! Salamat sa pag babasa. Sa ganitong paraan siguro. Mas naipa kilala ko na ang sarili ko ng husto sa inyo.
Thank you for reading my first blog post! Bisita ka ulit nextime ha!.. :-)

Written by:

About the Author