NANLILIGAW O NALI-LIGAW ^_^




Pwedeng PLAYER ng mga PC GAMES o PLAYER sa "LARO NG PAG-IBIG",
yun naman yung mga tinatawag nilang "PLAYA". Kaya nga nauso ang kasabihang. . .

"DON'T HATE THE PLAYER, HATE THE GAME!!"

ayt then, let's move-on to my sh!t.....................


ANG TANONG: NANLILIGAW KA BA O NALILIGAW KA LANG??

ANG SAGOT: Kung ako ang tatanungin mo... eto lang sasabihin ko... ako kasi hindi ako nanliligaw... kasi baka puro good side ko lang ang makikita nila, puro pa-impress, pa-goodshot, pa-pogi (kahit hindi naman POGI!!) maganda kasi! caharot! puro pacute "POINTS" ang ginagawa dahil sa inaasam mong maka-"SCORE", hindi na nya tuloy nakikita at nakikilala yung "REAL YOU" y'knowhat i'm sayin?? pero ako ang tipo ng tao na mahilig makipag flirt.oo malandutay ako.!! hahaha!

Walang masama sa panliligaw, at alam kong kaugalian na nating mga PINOY yan noong unang panahon pa kaya nakasanayan na, pero suyuin mo s'ya ng patas, yung makikilala nya yung tunay na ikaw, yung tunay na pagkatao mo talaga kasi bad trip naman kung makikilala nya yung totoong ugali mo pag sinagot ka na nya!!! hahahahaha!!!! falling in love pa din ang the best, hindi kayang tawaran ng salapi yung feeling na yun eh, pero mas maganda kung patas yung ipinapakita mo na pagkatao sa girl/boy di'ba? walang halong plastikan, may mga iba kasi na BANO dumiskarte, at may ilan naman may mga STYLE-STYLE pa....

check this out....

 ETO BA ANG KLASE NG MGA MANLILIGAW MO…???

[eLite]
Mayaman, gwapo/maganda, kilala ,at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na di sya mababasted kaya pag nabasted maaapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihin “sus kala mo kung sinong maganda eh pinagtyatyagaan ko lang naman sya. pweh!”


[Quickie]
Ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam sabihin kundi “kelan mo ba ko sasagutin?” o kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa love?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.


[Everything]
Linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magugustuhan mo. kahit pa ang buwan o kaya mundo.” gaga ka pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan!


[Stalker]
Eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nasan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman nya, pero ang nakakatakot na parte dyan eh yung kahit hindi mo sagutin ang mga tanong nya na iyon ay nalalaman pa din nya, mukhang may matinding “source” ang gago na pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa’yo kaya nasusundan ka na nya kahit saan ka magpunta, kadalasan humahantong ang tagpong ito sa rape dahil hindi na nya talaga mapigilan ang nararamdaman nyang nag-aalab!! kaya mag-ingat ka sa mga pinagkakatiwalaan, baka kasi ilaglag ka ng mga kakilala mo di’ba? at mabigyan nila ng impormasyon tungkol sa’yo ang damuhong lalake/babae na yun,, di mo na kasi masasabi sa panahon ngayon kung sino talaga ang kakampi mo, andaming PLASTIK sa panahong ito.
Sino nga ba ang mga taong NAGLALAGLAG sa'yo na posible mong pagbintangan?? pwedeng kaibigan mo,o yung iba pang tao na malapit sayo na nakakaalam ng personal mong buhay. minsan umaaligid sila sa balat ng facebook mo. tama ba..? napakaraming paraan ng pang iistalk. mula personal hanggang sa internet!
kaya babala!! mag ingat sa stalker ... lalo na kung ....


pangit!!^_^

[Take it or Leave it]
Pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at eto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.


[Salesman]
Dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr./ Ms. Everything din kaya lang mas matindi sya mang-uto. KUNG BINEBENTAHAN KA NG BAHAY AT LUPA NYAN MALAMANG BUMILI KA NG LIMA “KAHIT BA NASA PASO PA EH” DAHIL SA GALING NYA SA “SALESTALK” puro bola nga ang gagawin ng tarantadong yan sa’yo.. yun bang tipong “ang ganda ganda talaga ng mga mata mo..” KAHIT DULENG KA NAMAN!! o kaya “ang lambot ng mga kamay mo, anong lotion ang gamit mo?” kahit yung kamay mo parang paa!! TAPOS BEBENTAHAN KA LANG PALA TALAGA NG LOTION ANO?? BWISET!! Eto ang grabe.. “KUNG MASAMA ANG MAHALIN KA.. MAGPAPAKASAMA AKO!!” HAHAHAHA!!! at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang ng OO. HAHA!!!


[Good Dog]
Eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan!! hala ka!!


[Anonymous]
Motto nya ang “action speaks louder than words”. wala kang kaalam-alam na nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. haha


[Second Chance]
Sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin ay “please give me a second chance”


[Romantiko]
Jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at kahit magmukha ng TINDAHAN NG BULAKLAK ANG BAHAY NYO AT MAGKA-DIABETES KA NA ay lagi pa din s’ya may dalang Flowers and Chocolates tuwing dadalaw sa’yo. pero madalas nakakapagpakilig s’ya ng nililigawan nya dahil sa kanyang ‘malinis na hangarin’ aww… siguraduhin mo lang!!! =)

[BURAOT] - mula kay bibi PILYO ..^_^
eto yung mga BAD guys!
sabi nya ito daw yung...

yung sex muna bago ligaw
yung mumurahin ka muna bago ka sasabihan ng i love you.
yung babastusin ka muna bago ka mamahalin
yung gagawin ka munang alipin bago ka ilalagay sa pedestal
yung pakakainin ka muna ng fishball bago hamburger.



grabe naman pag papahirap to! tinalo mo pa ang isang kontrabidang desperada sa teleserye ,mapa sakanya lang ang pinaka mamahal na macho gwapitong lalake.
well,pangit sa una pero may magandang intensyon sa bandang huli.
diba mas magandang kilala mo yung tao, para malaman mo kung matatanggap
mo ba sya o hindi sa simula palang na ipakita nya sayo kung gano sya ka gago at kaburaot.^_^


Kaya para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak manligaw, nililigawan,

naliligaw, nag-hihintay maligawan at nagbabalak lumagay sa magulo:

Ang love ay hindi minamadali, hindi pinipilit at lalong hindi kina-career.. Aray ko!

Unang-una , PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA?

*
Dahil ba natutuwa ka sa kanya?
*
O kaya naman naaaliw ka?
*
Naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya?
*
Kinikilig ka ba pag nakikita mo siya?
*
At naha-high kapag naririnig mo na ang boses niya?



Eh teka muna, baka naman na-IMPACHO ka lang ESTE…. INFATUATED ka lang o kaya naman kagaya nga ng sagot mo, BAKA naaaliw ka lang. Dahil kakaiba siya, may spark na hindi mo maintindihan.

TSK! Ang saklap nyan!…

GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???…

alam mo na nga ba ang mga bagay-bagay? Ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya, na nagdedetermine ng sarili niya. As in kung sino ba talaga SIYA.

Pangatlo, KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN?


Pang-apat, KAYA MO BANG MAGING TOTOO?

*
Kaya mo bang makita yung sarili mo na kasama pa rin siya sa isang sitwasyong pag naisip mo eh mapapaiyak ka na lang sa sakit nang dahil din sa kanya?
*
Kaya mo bang magmukhang tanga as in umiyak ng dahil sa kababawan ibuhos ang mga nararamdaman mo kahit na puro kababawan nga lang naman as in kahit sa harapan niya?
*
Kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya? Yung tipo bang wala ka ng pakialam mawala man ang manners mo na wala ka naman talaga!!! jowc lang hahaha!!! ano sure ka na?!

In short,

KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA?

Yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga dahil alam mong HINDI MO LANG SIYA TANGGAP, TANGGAP KA RIN NIYA. BUONG-BUO RIN!!

MGA TAO! Tama na kasi ang trip. Tama na ang pagmamadali. Oo, masarap ngang mainvolve sa isang tao, pero diba mas masarap yun LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNG NARARAMDAMAN MO. see what i’m sayin peeps?



IPAKITA MO MUNA SA KANYA NA MALINIS ANG INTENSYON MO AT KILALANIN MO
MUNA SIYANG MABUTI. ALAMIN MO ANG TUNAY NA NARARAMDAMAN MO, KASI PAG DI
KA NAMAN SIGURADO SA NARARAMDAMAN MO EH KAWAWA LANG SYA SA'YO.


bow!!! ^_^

Written by:

8 comments:

RainDarwin said...

ang haba naman!

wala ako sa category na binigay mo.

AKO YUNG MANLILIGAW NA BURAOT.

yung sex muna bago ligaw (ching)
yung mumurahin ka muna bago ka sasabihan ng i love you. (ching)
yung babastusin ka muna bago ka mamahalin (ching)
yung gagawin ka munang alipin bago ka ilalagay sa pedestal
yung pakakainin ka muna ng fishball bago hamburger.

at marami pang iba. hahahaha.

leonard said...

hahahahah!!

ang BAD mo!!

pero ayos yan!!

hihihih!
binigyan mo ako ng idea. ok lang ba idagdag ko yan sa listahan ng kategorya ko..?haha
----------------------------
gusto ko matikman ang yang "sex" muna bago ang ligaw,!weeeeeeee!!(charot lang!)
at wala akong pakialam kung fishball ang ipapakain mo sakin basta galing yun sa puso mo!naks!!nyahhah!

iya_khin said...

ang haba ng post mo umabot hanggang edsa!

kung papapiliin ako..si buraot nalang kasi i see his true colors na agad! lol

leonard said...

@ IYA_KHIN hehehheeh!!

hahaha!! edsa ka dyan! di naman! hihih!wow ah. bakit nakatagpo ka na ba ng buraot na manliligaw??

heheh!!thanks for visiting my blog.
matagal na akong reader ng mga nakakalungkot mong blog!^_^

lakas maka emo! hehe!!:D

Yehosue said...

As time goes by naiiba ang paraan ng panliligaw at nag-iiba rin ang nililigawan. hahaha :)

Itong post mo ay isang boung lecture na! ;) hehehe

Ang masasabi ko lang mabuhay sa lahat ng nagmamahal,minamahal at nagmamahalan!pak!

leonard said...

thanks YEHOSUE ! hahah!buong lecture tlga..?hihih!
..sabagay may punto ka, pati yung mga nililigawan iba iba din ng mukha/pag uugal as time flies by.makagawa nga ng blog about sa kanila.. hahahah!

mabuhay tayong lahat!!^_^

egG. said...

jusko.... ganda ng entry na to... NKKLK.. haayyyzzz *sigh* hay layp...

ako nanliligaw... pero tinatamaan ako dun sa pinakaibaba mong message yung baka infatuated lang ako. chever chever.. haayyy..

wala lang sapul lang... :)

leonard said...

heheheh! tinamaan ka??
pag tinamaan ka dun edi guilty ka! hihihi!

thanks for reading sir!^_^
godbless,!:D