Time Machine




Nag daan ang isang buwan matapos ang bakasyon.. at nag simula na din ako mag hanap ng trabaho. nung naka tayo ako sa gilid ng stage.. at nag aabang na tawagin ang pangalan ko. madaming pumasok sa isip ko. nasabi ko sa sarili ko na, napaka dali lang siguro humanap ng trabaho. lalo na ngayon. graduate na ako. kung kaya ng iba. kaya ko din. at ng tawagin ako ay nakarinig ako ng hiyaw at palakpak mula sa mga classmates at professors ko. masarap sa pakiramdam. na sa huling araw kong 'yon sa school. kahit na graduate na ang mga ka batch ko. eh nagkaroon pa pala ako ng mga kaibigan. Masarap sa pakiramdam ang madaming kaibigan.

Pero hanggang doon nalang pala..

pagkatapos ng graduation eh kanya kanya na. minsan dahil sa iba iba din ang tawag ng company na pinag papasahan namin. eh hindi rin kami nag kaka sabay sabay. hanggang sa isa isa ng natatanggap ang mga kaibigan ko at ako.. hindi parin.

Dahil sa kaibigan, nakapasok ako sa CityBank , Outbound contact center. Taytay branch. madali lang ang interview. at nakapasok naman ako. at pagkalipas ng ilang araw. nag palit sila ng account at naging Pru-life UK. kung saan. naging ahente kami bigla lahat. sa hirap ng buhay sa Pinoy ngayon. napaka hirap ng maka benta ng insurance . at wala pa kami benipisyong matatanggap hanggat hindi kami nakaka benta. kaya isa isa na ang nag alisan. at hindi din ako nag tagal sa kompanya na yun.

Nag sumikap ako. dahil pinang hahawakan ko yung kasabihan na "kung hindi para sayo. hindi ibibigay. at kung sayo. ay para sayo talaga kahit ano ang mangyari"
dumaan ang isa, dalawa, tatlo hanggang sa ika limang  buwan ng pag hahanap ko ng trabaho. pero hindi padin ako natatanggap. dumating sa point na sumuko na ako. dahil lumabas na ako sa filed ko at pinasok ko na ang BPO. pero hindi pa din pinalad. laging " wait for a call after a week or two" , hindi nalang sabihin kung tanggap ka o hindi. pero alam ko naman kung ano ang ibig sabihin nun. kumbaga. subtle way of saying "i'm sorry, hindi ka tanggap".

Sa sobrang pressure ko. kung ano ano na ang ginawa ko para mag ka trabaho.halos mapudpod ang sapatos ko. at maligo ng pawis habang nililibot ko ang makati at ortigas. kahit hindi ko alam kung anong kompanya ang pupuntahan ko. minsan nga eh. gumagawa pa ako ng "Maling bagay" para mag ka pera. dahil ayaw ko na at nahihiya na ako mang hingi ng pera sa mama ko. para pantustos sa pag papa print. at pamasahe ko sa pag hahanap ng trabaho.

dumating pa ako sa point na pati pag a abroad. pinatos ko na. pero wala padin. nasa isip ko. kung hindi para saakin. bakit ako sinusubukan ng ganito. grabeng pag subok naman. :( hanggang sa pati ang diyos. sinisi ko na kung bakit ako hindi napag bibigyan. kasalanan man mag isip ng masama sa panginoon. patawarin ako ng mga readers,  pero nagawa ko. 

wala na akong ginawa noon kundi ang mag mukmok sa kwarto. mag self pitty. mag inom , mag bisyo ulit. minsan nag oopen nalang ng dating site at nakiki pag date kung kani- kanino para lang malibang. pero ang nasa isip ko pa din yung insecurity sa sarili ko. kung bakit walang tumatanggap saakin. nakapag tapos naman ako. hindi din naman ako BOBO . madami naman ako na achieve nung college pa ako. at kung ano ano ng competition ang sinalihan ko. maging active lang sa huling taon ko nung college.

kaya habang nakahiga ako nung isang gabi. naisip ko. sana may Time Machine , para bumalik ako sa simula. mula bata. Ang katawang lupa at panahon ay babalik sa dati. pero ang Utak at pag katao ko. buo na at hindi magiging bata ulit. kumbaga. panahon at katawan ko lang lang ang mag a-adjust..mag aaral ako ng mabuti. mag babasa ako ng madaming libro. hindi ako mag lalaro at mag pe petiks lang sa buhay. aayusin ko ang buhay ko. at mag sasanay ako mag salita ng english. dahil kasalanan ko ang lahat. hindi ako naging mabuting estudyante. inuna ko ang saya. inuna ko ang bisyo. ang barkada at panandaliang ligaya. kapalit pala nito ang sobrang pag sisisi. tama nga ang nakatatanda. 

"Pag sisisihan mo lahat ng bagay na ginawa mo noon. kahit na alam mong mali."

Nag sisi ako, at nag dasal. para sa isa pang chance.

Hanggang sa may tumawag saakin na agency. kung saan galing yung isa ko pang kaibigan/classmate na ngayon ay nasa kuwait na. naalala ko. nag pasa pala ako ng resume ko dun nati. at tinawagan ako for interview.

kinabahan ako . dahil sa dami ng applicante. pero pili lang ang nakuha. at sa awa ng dyos. nakapasok ako sa final interview. at 



NATANGGAP ako.! 

pero hindi pa nag tatapos dun ang lahat. dahil kailangan ko pang mag hintay ng ilang buwan para sa VISA. /OEC/ at ang kinatatakutan "daw" ng lahat ang GAMCA medical.

sana dumating na ang VISA ko at maipasa ko lahat ng exams. para maka lipad na papuntang 

KUWAIT...!

Thank you Papa Jesus. kahit po mag hintay ako ng matagal. alam ko may plano kayo para saakin. :)

Sa aking pag tatapos








Masaya ako ng malaman ko na isa pala ako sa ga graduate nung batch 2012. After 5 years of hardwork. grumaduate din. :) akala ko. mag kaka ugat na ako sa unibersidad na pinapasukan ko. hahahah! full support ang buong family at nakatanggap pa ng regalo galing kay kuya. yes! medyo okay na kami. hindi ko alam kung paano sya nag simulang kausapin ako. napakatagal din namin hindi nag usap. halos 5-6 taon. mula ng mamatay ang papa namin. anyways, saka ko na idedetalye ang storya ng buhay namin mag kapatid. steady muna tayo dito sa pag graduate ko. haha!! 

Tinapos ng inyong lingkod ang kursong BS-HRM, o Bachelors Degree of Hotel and Restaurant Management sa Jose Rizal University. 5 taon ko din binuno dahil sa pag i intern ko sa Singapore for six months. kaya nahuli ng 6 months. at yung 6 months pa ay ginamit ko para makompleto naman lahat ng back subjects ko na binagsak ko noong panahon na adik pa ako sa barkada. haha!! so kung hindi ako nag OJT sa Singapore. malalaman nila na madami akong bagsak. so naging daan na din yun para mapag takpan ko ang nakaraang kasalanan. LOL!

Pinasok ko ang kursong HRM, HINDI dahil sa gusto kong mag luto o matutunan ang mundo ng Hospitality . kaya ko sya pinili dahil yun ang pinaka murang COURSE that time. dahil ng panahong yan eh. 2 kami nag aaral ng ate ko sa college at isang hamak na tindera lamang ang aming ina sa palengke sa Pasig. kaya bumagsak nalang ako sa kursong hindi ko naman gusto , at sa eskwelahang pinili NILA para saakin. para maka TIPID. :(

Sa limang taon pakikipag sapalaran sa JOSE RIZAL UNIVERSITY. madami naman ako nakilala. naging kaibigan. naka away. madami akong natutunan sa buhay, na experience, doon ako namulat sa makamundong bagay. at dumating pa nga sa point na sinubukan ko ang mga bagay na hindi dapat ginagawa. pero dahil sa kalikutan ng utak ko. at sa matinding curiosity bilang teen ager. sinubukan ko. natikman ko lahat ng Bisyo. hindi naging dahilan saakin ang hirap ng buhay para mag pursigi. baliktad ako. ginamit ko ang hirap ng buhay para mag mukang mayroon. ibig sabihin. nag paka SOCIAL CLIMBER ako. sumasama ako sa BARKADAHAN ng mayayaman sa school. nakiki sakay sa kotse. nakiki party. nakiki shopping nakiki food trip at kung ano ano pa. 

Napaka Flexible kong tao sabi nila. kaya kahit anong antas pa ng buhay mo. kaya kitang sabayan. hindi ko alam kung natural yon. o dahil sa "dalawa" ang pagkatao ko.

Hanggang sa dumating ang mga pag subok. Bumabagsak ako sa mga subjects ko, kapalit ng lakad ng barkada. hindi pwedeng laging "PASS" kasi baka hindi makasabay. at ayaw masabihan ng "KJ" o "Patay na bata" . at ang pinaka malupit pa eh nung nag nanakaw ako ng tuition. nagawa ko pang mag pagawa ng RESIBO. para lang masabi na ganun talaga ang binayaran ko. mabigat sa loob ko. pero kailangan kong gawin para "MAKASABAY".

Habang tumatagal ako sa pag aaral. nakikita ko ang sarili ko sa BABA. kasama nila na isa isa ng nawawala sa school. na kung  hindi LUMIPAT ng school , eh Nakabuntis o NABUNTIS naman .walang pinatutunguhan. Hanggang sa bumalik ako sa dati kong mga kaibigan, mga una kong nakasama at sila ang nakalimutan ko na. pero sila hindi nila ako kinakalimutan na alalayan at pag sabihan. at tinanggap nila ako ng buo. nung panahong wala na akong kasama at lagi ng mag isa. Nung malugi ang negosyo namin. Muntik na akong hindi makapag enrol noong 3rd year 1st sem. Pero pinilit ko si mama, kahit na alam kong hindi na kaya. sa pag pasok ko , doon ko naranasan na pumasok ng walang baon. Pamasahe lang. kahit Full load ako . Tinitiis ko ang gutom.kakain nalang ako ng marami sa bahay. at uuwi nalang ng maaga para makakain ulit pagkatapos ng klase.

Hanggang sa dumating ang araw na mag tatapos na ang mga kaibigan ko. at ako hindi parin. mabait parin ang diyos dahil binigyan nya ako ng 2nd chance. pumasok ang Global internship at napasama ako sa nag OJT sa Singapore. inayos ko ang trabaho at umuwi akong masaya. bumalik ako ng pag aaral at sinikap kong makatapos.

at sa palagay ko. isa na yun sa pinaka Maganda at masayang regalo na binigay ko sa Mama ko. nung gabing yon, naramdaman ko kung gaano sya ka proud sa akin. kasama ng buo kong pamilya. Salamat sa Dyos. Salamat sa mga kaibigan ko. 

Sa mga tao na naging daan para tumibay ako. sa lahat ng mga nakasama ko. mula professors classmates at iba pang faculty ng school. salamat.

Ngayon.. haharapin ko na ang Bukas, dahil alam ko. ang pag tatapos ko.

ay simula palang ng hamon ng buhay.

Ang Pag babalik



Hello Bloggers !! I'm Back !!! <3 font="font">






Minsan may isang Naligaw ng Landas


Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.


Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.


Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.


Pilipinas nga pala.






Pa- PEYSBUK nga!!!!!!!!!!!!!



“PA – PEYSBUK NGA!!!!”. Linya ng estudyante na uubusin ang baon para makapagrent sa isang internet shop. Linya ng isang empleyado pagkadating niya sa opisina at naabutang ginagamit ng katrabaho ang office computer. Linya ng kapitbahay na gustong maki gamit ng internet sa kadahilanang hindi siya nakapagbayad ng bill. At kung sino man ang sinasabihan nila, malamang ang isasagot nito ay.. “teka, log out ko lang..”. Nagpe-facebook din pala.


Facebook. Ang social networking site na lumamon sa myspace at friendster. Ito rin ang pilit kinakaibigan ng ilan pang aspiring forms of social media. Pansinin mo, yung mga bagong kumakaribal sa Facebook e may feature kung saan magrereflect din sa FB account mo ang kung ano mang post mo, gamit ang site nila. Gaya nalang ng twitter, tumblr at kung ano ano pa. Parang pelikula. Pag pinalabas ito sa sinehan sa guadamall (ang mabagsik na mall sa guadalupe), ipapalabas din ito sa sinehan ng MOA. Nagkakaiba nga lang sa level ng urine aroma at dami ng surot sa upuan.

Sa sobrang popularidad nito ay pwede na itong iconsider na necessity. Iba na ngayon. Humans need food, water and facebook. Clothing? Ano ngayon kung nakahubad. At least. nakaporma ka naman sa bago mong profile picture. Pwede na ngang iconsider ang kasalukuyan bilang “The Facebook Era”. Ang panahon kung saan tangap na ang mga bading at tomboy (kaya ikaw, wag na magpanggap, ok na daw, di mo na kelangan mag gym kuno), kung saan mas mahal nang mga tao ang aso kesa sa kapwa nila tao (inday!! ibigay mo ung ulam mo kay brownie, mag skyflakes ka nalang!!!), kung saan lahat ay tumatakbo sa mga marathon, kung saan lahat ay may necklace na ang pendant ay isang mamahaling camera, kung saan papalitan na ng cobra at sting ang dumadaloy sa mga tubo ng NAWASA, kung saan lahat ng statement ay dapat magtapos sa isang uri ng emoticon (uy, tang ina mo, joke. (“,) ). Lahat ito ay bahagi na ng social norm. Lahat tangap na. Pero huwag. Uulitin ko. HUWAG NA HUWAG mong sasabihin, lalo na sa isang pampublikong lugar na. “Ay, wala akong Facebook eh..”. Patay ka dyan brad. Kiss of death yun. Baka bigla kang paskilan ng papel sa noo mo na may nakasulat na EEEWWWW!!!. Baka biglang magkaroon ng caste system sa pinas at lahat ng walang FB account ay mga untouchables. Pwede ring i-ekskomunikado ka ng simbahan katoliko at ipapakalat ito sa mga tweet ng arsobispo.

Kung stalker ka, di na kelangan ng paliwanag kung bakit adik na adik ka sa FB. Pero para sa masa. Ano bang meron dito?

Bukod sa green joke na ibinulong sayo nung tropa mong adik, pwede ka ding magshare ng pictures (aka pix),videos, notes at mga links mula sa iba pang sites. Makikita ito ng mga “friends” mo at pwede silang magkomento dito. Walang limit ang pagpo post. May sense man o wala. Healthy nga daw ito sabi nung mga sociologist. Exercising our rights to free speech daw ito. Pero lahat ba e post-worthy? O karamihan ay nagdadala lang ng badtrip.

Freedom of speech pala ha. Ito ang post ko tungkol sa mga post ng iba. Guilty tayo dito.

1. Iwasan ang pabigla – biglang pagpapalit ng relationship status. Lalo na kung mababaw lang ang dahilan tulad ng late reply sa text o hindi pag iloveyou sayo ang jowa mo kaninang alas tres (sarili nyong 3 o’clock habit). Dahil pag nagka-ayos kayo, at ibinalik mo sa dati ang status mo, ikaw din ang magmumukhang praning.

2. Walang masama kung purong tagalog ang shout out mo. Wag matakot na sabihan nang “uy makata”. Kesa naman panay nga ang english, sablay naman ang grammar at hindi kakikitaan ng sense ang sinabi. (iba ang you’re sa your).

3. Check in. Ang post kung saan sinasabi ang kasalukuyan mong lokasyon. Positibo. Pwedeng maging safety precaution. At least alam nila kung saan ka huling pumunta sakaling di ka mahagilap ng ilang araw. Negatibo. Easy prey ka sa mga serial killers o sa kaibigan na may galit sayo. (Ingat ka silvestre. hehehe)

4. May “about you” page ang FB. Dun mo isusulat ang mga hilig mo. Di mo na kelangan pang magpost ng magpost ng mga youtube videos nila Ozzy Osbourne, Metallica o Korn para ipagdiinan na rakista ka. Ikaw din, baka mahirapan kang panindigan. Lalo na pag tumugtog na ang paborito mong kanta ni Katy Perry. Napaindak at sing along si kumag.

5. Hindi kelangan magpost ng mga litrato o video nang iniembalsamo o bangkay na durog durog ang katawan at labas ang mga laman loob. Palit kaya kayo nung andun sa picture. Ako naman ang magpopost.

6. Magtira ng konting privacy para sa sarili. Hindi lahat ng bagay ay dapat ishare. Lalo na sa social media. Sarilinin mo nalang ang gusot sa pamilya o away mag asawa. Pribado na yon. Post ka ng post, tapos mababadtrip ka kung gagawing pulutan sa inuman ang kwento ng buhay mo.

7. Ok lang ipost ang mga bago mong gamit. Gaya ng mga gadget, damit o accessories. Natural lang maging proud ka lalo na kung pinaghirapan mo o importanteng tao ang nagbigay sayo nito. Di lang siguro tama na sabihing “hay nakakapagod na magshopping, andami ko kasi pinamili”.

8. Kung sakaling may nagpost ng malungkot o kaya’y tungkol sa isang masamang pangyayari sa kanila, wag mong i-like. Ano yun? Nagustuhan mo pa na sumemplang siya sa kanal.

9. Wag mong i-like ang sarili mong post. Kaya nga pinost mo in the first place. Mas malala kung ikaw din ang magcocomment. Parang loner ka naman nun.

10. Wag kang basta basta magpost ng nakakagagong comment, lalo na sa mga picture kung saan may mga taong di mo kilala. Halimbawa: “Pre, sino yang kasama mo sa pic? si Bella Flores?”. Huli mo na nalaman. Girlfriend pala niya yun.

11. Kung sakaling may nagpost ng matino at informative na mensahe. Magpasalamat. Huwag mag angas sabay comment nang “ay luma na yan, huli kana sa balita” o kaya “wala, kalokohan lang yan”. Wag kang magmagaling. Matalino kaba na parang si Rizal? E di pabaril ka sa Luneta.

12. Wag gamitin ang FB para magpakalat ng maling impormasyon at maghatid ng mass hysteria. Pero kung sino man ang napost na aabot dito ang radiation sa japan. Nagpapasalamat sayo ang manufacturer ng Betadine.

13. Wag sumali at i-like ang isang fan page kung puro kagaguhan lang ang ipopost mo sa wall nito. Halimbawa, nagpamember ka sa page ng isang seksing artista tapos mag cocomment ka lang ng “uy, sarap mo naman, parang mainit na lugaw sa malamig sa madaling araw”. Tapos magtataka, “hala.. bakit ako na banned?”.

14. Hindi lang ikaw ang may gustong manood ng sine. Wag kang mag post ng mga spoilers na maaaring ikabadtrip ng iba. “just watched Nardong Putik: Ang Pagbabalik Ni Totoy Burak, ganda ng ending, napatay nya ung kontra bida sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo ng isang palayok, pero sad dahil huli na nang malaman nya na tatay niya pala yun..”.

15. Di naman ata kelangan simulan ang post mo sa salitang “Damn!!” o kaya “Oh gosh” lalo na kung di naman malubha o kagulat gulat ang pangyayari. Halimbawa: “oh gosh, umuulan”. Taga saudi???

16. Wag matawa at kantyawan kung corny o masyadong romantiko ang isang post. Tandaan mo, magmamahal ka din. Lintik lang ang walang ganti. Dami kong kilalang ganyan.

17. Ok lang siguro ipost kung ano at kung saan ka kumakain. Iwasan lang yung pagpopost ng close up pictures nung pagkain mismo. Marami ang nagpapalipas ng gutom sa pamamagitan ng Facebook. Sino ka para inggitin sila. Parang yung feeling na, asa air-con bus ka, pauwi sa bahay at gutom tapos may kumag na kakain ng burger at fries. Langhap mo ang bawat kagat niya. Di maka tao. Dapat palitan ang pangalan niya. Gawing Lucifer.

18. Ok lang siguro ang mag post sa paraang Jejemon. Trip mo yun e. Wag mo nga lang asahan na seseryosohin ka kahit matino ang gusto mong sabihin. Expect mo rin na lahat ng comment sayo e magtatapos sa “jejejeje”.

19. Wag magimbita sa isang okasyon gamit ang shout out mo, tapos may ita-tag ka lang na piling tao. Bangag kaba? Makikita ng lahat ng “friends” mo na iilan lang ang gusto mo papuntahin sa nasabing okasyon.

20. Pwede ba?? HINDI PORKET ALL CAPS E GALIT ANG NAGPOST. BAKA LUMUBOG AT NASTUCK LANG ANG CAPS LOCK.

21. Sapat naman na siguro ang tatlong exclamation point para ipaalam sa bumabasa na puno ng emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng punctuations porket walang bayad ang extra characters tulad ng sa text messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Mali yun. Dapat. Pakyu ka!!!

22. Iwasang magpost kung ikaw ay (a) lasing, (b) nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot o (c) hindi tinirahan ng ulam. Walang gustong makabasa ng pag aamok mo na puno ng mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam ng “FB rage”, magpahid ng menthol toothpaste sa mga palad, at itampal tampal sa mukha mo hanggang sa kumalma.

23. Oo, dapat sulitin ang unlimited surfing na maghapon mong binantayan para lang maregister. Pero di ibig sabihin nun na post lang ng post. Halimbawa, ang ilalagay mo sa shout out mo e tatlong magkakasunond na tuldok. Ano yun? Buti pa quote nalang. Time is gold.

24. Wag trigger happy sa “share” button. Hindi porket di nagappear sa profile page ang mabangis mong status message e kelangan mong tiktikin ang pagpindot. Antayin mo lang. Mamaya ilang beses na pala napost. Paulit ulit. Wag kang atat. Lalo na kung ang ipopost mo e “Patience is a virtue”.

25. Wag mong kakumpetensyahin ang youtube sa dami ng video na nakapost sa wall mo. OK lang siguro kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan may nag susurfing na pusa o kaya naman e makabuluhang excerpt ng isang documentary. Wag naman yung lahat ng mtv ng kantang marinig mo sa jeep o lahat ng episode ng wow mali.

26. Wag ipahamak ang sarili. Kung sakaling pwede naman palang acronym ang isang term e wag mo na itong buuhin sa iyong post. Loud out loud!!!!.

27. Hindi masamang makisali sa mga occasional drives o campaigns. Tulad ng paggamit ng picture ng nanay mo pag mother’s day o pag post ng mensahe tungkol sa cancer bilang status message mo. Hindi porket di ka nakisali e cool o mas sophisticated ka.

28. Kung may nagcomment o nagpost sa wall mo na di mo kilala ang pangalan pati na ang picture. I-open saglit ang profile. Wag mo agad replyan ng makamandag na “HU U?”. Malay mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang pangalan. O kaya naman e dinagdagan ng H. Mhayhumhi Pharhedez.

29. Kung magcocomment ka, halimbawa sa isang picture, iwasang gumamit ng paghahalintulad sa ibang tao lalo na kung kagaguhan lang ang sasabihin mo. Halimbawa, “baduy ng porma mo pre, parang bisaya lang” o kaya “mukha kang magsasaka”. Tandaan, di ka lamang o nakahihigit sa mga bisaya at magsasaka. Ikaw kaya, magpost ka ng video tungkol sa mga unggoy, tapos may magcomment, “ambobobo naman nila, parang ikaw”.

30. Wag kang magatubiling bumati sa mga post tungkol sa panganganak ng isang ina, pagpapakasal ng magsing irog o pagkatangap sa trabaho. Sa magulong mundo, hindi ba’t masarap ishare ang mga positibong pangyayari.

Code of ethics. Wala. Oo. Walang basagan ng trip.

Pero hindi ba mas maganda kung ginagamit mo to sa matinong paraan?

Pa-Peysbuk nga!!!






TSINELAS

“O, okay ka lang?” Tanong mo sa akin, nagliligpit ka na ng gamit bago mag- ayos ng katawan at matulog. Maaga ka pa pala bukas, board exams mo na. Tumango lamang ako, tulad ng nakagawian. Hindi ka umimik.
Kahit naman sabihin kong oo, halata namang hindi. Hindi ako okay. Hindi at okay- hindi bagay magsama sa isang pangungusap lang. Kaso ganoon talaga. Iyon lamang ang nalalaman kong paraan upang maisalawaran kung “okay nga ba ako?”
Nalulungkot ako. Dahil ba sa nalulungkot ka, hindi ka na okay? Ano ba ang maging okay? Ano ba ang okay? Nalulungkot ako. Nalulungkot talaga ako. Kulang pa nga ito upang maihayag kung ano itong pumipiga sa puso ko. Bakit nga ba ako malungkot- dito, ngayon, sa eksaktong lugar at oras na ito? Tulad ng tuwalyang sinabunan at binabanlawan ko kanina ang puso ko: pigang- piga. May ipipiga pa ba?
Tingnan mo nga naman, kung anu- ano na itong naiisip at nasasabi ko!
Hindi naman ako humagulgol, nakapapagod iyon. Tuluy- tuloy lamang ang naging pagdaloy ng luha sa aking mga pisngi, pero kung tutuusin nakapapagod din ito. Iisipin mo pa kung bakit kailangan mo pang pag- isipan at pag- ukulan ito ng panahon! Iyon yung mga pagkakataong hindi mo na makontrol. Mamamalayan mo na lamang na nangyayari na pala. Nagkakaroon na pala ng kaganapan. Tila bago akong hilamos- sa luha.
Napangiti na lamang ako nang muli mong lingunin. Ngiting
sana
kakitaan mo pa ng lakas, lakas na galing din naman sa iyo. Sabihin na nating ng pagmamahal ko sa iyo.
“Nakakain ka na ba?” Tanong ko. Tumango ka naman bilang tugon.
“May tubig pa ba tayo?” Tanong mo, nagbibihis ka na’t nagtatanggal ng sapatos.
“Paubos na.”
Buwan- buwan kasi ang rasyon ng tubig sa atin. Kung bakit kasi hindi pa ito magawan ng paraan ng lokal na pamahalaan.
“Nasaan na pala iyong tsinelas ko?”
“Ewan ko, saan mo ba iniwan kanina?”
“Hindi ko na matandaan eh…”
“Alalahanin mo muna kung saan mo huling nilagay.”
Katahimikan.
Naglakad ka mula sa
kama
hanggang sa may banyo nang walang sapin sa paa. Nakakunot ang noo mo sa iyong pagbalik. “Nawawala talaga. Wala rin sa banyo.”
Paano mo nga ba naman kasi mahahanap ang isang bagay na nawawala? Patuloy mong hahanapin. Masuwerte ka kung mahahanap mo nga. Kung hindi naman, ayos lang. Maaari kang maghanap ng panibago upang mapalitan o di kaya’y tuluyan mo na lamang itong kalilimutan. Makakalimutan mo nga ba o mananatili itong naroon at bahagi ng iyong pag- iral, kahit hindi mo na mamalayan? Ang paghahanap na ito ay naiiba sa paghahanap sa isang bagay na hindi mo alam kung saan mo inilagay.
Paano mo mababalikan ang isang bagay na hindi mo alam kung saan mo iniwan?
“Bilhan na lang kita ng bago.” Sabi ko. “Anong gusto mong kulay?”
“Hindi na… sige na, tulog na tayo,” sabi mo, sabay higa. Nakaharap ka sa akin, sabay talikod. Bahagya kang bumangon, sabay halik sa aking pisngi. “Good night.”
Minahal kita sa sandaling hindi mo namamalayan. Paano kung sa sandaling hindi ko napaghandaan, bigla na lamang mawala ang ningas ng minsan nating matamis na pagtitinginan?
“Anong
plano
mo sa buhay?” Tanong mo. Gabi
noon
, sabi mo ihahatid mo na lang ako pauwi kung kaya’t hindi na rin ako nag- alala sa oras.
Sa puntong iyon pa lamang, nagkakalapit na ang ating kalooban. Hindi ko maitatanggi na mabilis na nahulog ang kalooban ko sa iyo. “Marami.”
“Gusto ko, simpleng buhay lang. Masaya. Iyong tipong kuntento ako sa kung anong meron at kasama ko mga mahal ko sa buhay. Ganun.. eh ikaw?”
Pangiti- ngiti ka pa noong una. Ngiting naging dahilan ng una kong pagluha. “Ganun na ganun din.”
Sayang, kung naghintay pa siguro tayo ng mas matagal bago natin pinasok ang relasyong sa kalaunan, hindi rin pala makakabuti sa atin.
Kaya pala ang Diyos, hindi lamang bigay nang bigay. Kaya pala tinuturuan niya bawat isa na maghintay.
Kaya pala kapag bata ka, pinupuna nila ang mga ginagawa mo. Good girl, bad girl. Good boy, bad boy. Dahil sa huli, hindi lamang sa iyo umiikot ang mundo. Kay rami nilang maaari mong masaktan, o matulungan o mahalin, ipaglaban. Sa bawat kilos mo, mayroong maaapektuhan.
Kaya pala ang tao, mayroong pilit na pinatutunayan sa sarili at sa kapuwa. Dahil mayroon siyang hinahanap, hindi niya matumbok- tumbok, kahit batid niya kung ano nga iyon.
Sa wakas, dumating din ang gabing kay tagal kong pinaghandaan. Kay tagal kong naghihintay rito, sa salas na iniayos ko rin sa paraang gusto mo. Simple lang naman ang inihanda ko para sa gabing ito. Pasado ka sa exams! Nakalagay ang pangalan mo sa diyaryo. Binati na rin ako ng mga kaibigan natin. Ng mga kamag- anak.
Nabili ko na pala iyong ipapalit natin sa tsinelas mo. Ikaw naman kasi, kung saan- saan mo inilalagay! Kapag hindi mo talaga iningatan, mawawala iyan! Ang tagal- tagal mo nang ginagamit iyon, nasaang lupalop na kaya iyon?! Mahuhuli raw pala ang rasyon ng tubig para sa buwang ito. Ayun, nagreklamo na ang mga kapitbahay sa baranggay! Ewan ko ba, bakit ganyan ang mga tao, pabaya! Ang dami- raming mapeperwisyo sa ginagawa nilang iyan!
Lumamig na ang putaheng magiisang- oras ko nang naihanda. Pulos balita na rin ang mapapanood sa telebisyon na napanood ko na kanina pa sa TV Patrol. Pinatay ko na lamang ang telebisyon. Nakaidlip na nga ako nang may kung ilang minuto.
Iniwan ko na lamang ang tsinelas sa may paanan ng
kama
natin. Makikita mo agad iyon, tiyak na ikatutuwa mo. Hindi ba’t ganoon ka pa rin naman? Natutuwa sa mga simpleng bagay.
Maaga akong nagising. Hindi ka pa rin pala dumarating.
Naghanda ako ng iyong almusal, iyong paborito mong vienna sausage at corn soup. Nag- init na rin ako ng kaunting tubig na iyong ipanliligo. Inihanda ko na rin ang isusuot mo para sa araw na ito.
Malaki ang ngiti ko ngayong umaga. Ngiting minsan, sabi mo, naging dahilan ng pagkakahulog ng iyong kalooban sa akin. Sa ganitong pagkakataon, hindi maiwasang balik- balikan ang nakaraan. Sapagkat naroon ang minsan nating pinangarap. Minsan nating mga mithiin, minsan nating mga takot at pangamba.
Hindi ka na darating. Sayang naman ‘tong mga inihanda ko para sa’yo! Nagsayang lang ako ng panahon! Ang dami kong ginawa para sayo! Gaganituhin mo lang ako! Kung alam ko lang, hindi
sana

Hindi ba’t ang pagngiti’y para lamang sa nagagalak? Hindi ba ako dapat na matuwa sapagkat nabigyan na ng kasagutan ang matagal ko nang hinala?
“Okay ka lang ba?” Tanong mo. Kumakain tayo ng agahan
noon
. Huling beses kong inihanda ang hapag- kainan para sa iyo. Huling beses na hinugasan ko ang plato mo. Huling beses na nagpahalik sa iyo ng “Bye, ‘dy”, “Ingat…” Tiningnan kita nang hindi kumukurap. May kung ilang segundo rin iyon. Sabay ngiti, “Okay lang. Ang tanong, ikaw, okay ka lang ba?”
Wala kang naisagot.
Doon
pa lamang, naunawaan ko na. Pakakawalan na kita. Nakasisiguro na ako..






National FOOD Showdown 2011.

At dahil matagal tagal din akong hindi nakapag bahagi sa inyo. malamang ginutom na kayo sa mga post ko. echos! hahahah! (asa) . sa sobrang busy ng inyong lingkod sa kanyang tinatahak na larangan sa sining ng pagkain. heto at bibigyan ko kayo ng ilang larawan, mga kaganapan sa nakaraang national food showdown na ginananap sa world trade center kamakailan lang.

dahil sa mahalagang okasyon na ito. at bilang isa sa organizer/officer sa aming pangkat.
kami ay nag over night sa school mini hotel. sa dami namin , salamat naman at nag kasya kami. nakalibre ako ng malambot na higaan sa malamig na kwartong pinaliligiran ng kalalakihan palamuti.lol!. di naman nakatulog sa ingay nila. mga excited!!

hala bangon na!!peace!













welcome to the "national food showdown 2011" .!!



ipapakita ko muna sa inyo ang mga larawan ng mga cake na gawa ng ating mga malikhaing kabataan sa industriya ng HRM.
















































maniwala kayo o sa hindi. cake yang mga yan! at lahat ay edible. kaya after ng grading, nilantakan nung iba. lalo na sa mga hindi nag lunch! hahahah!

syempre ako naman.. sa mga ayaw makita ang mukha ko. pakilagpasan nalang! hahah!!.pasintabi po sa mga kumakain..o heres my pic..




















kami naman ni sir..! ayieeeee!!!



anong gusto mong cake dyan! pili na!! ^_^


FRUIT/veggie CARVING











actually madami pa sanang pics kaso. di ko na  ilalagay pa. nasa FB ko naman yang lahat. hehehe! gusto ko lang ishare yung sa cake. amazed lang ako! hehehe! sa dalawang araw na food showdown. eto lang masasabi ko.  ang gagaling ng mga studyante ngayon. napaka creative. palaban na talaga. at hindi na biro ang mga kaganapan lalo na sa flambe' competition na may nag buwis buhay. oooops!! hindi yun, i mean. yung ginawa nyang eksena. ikaw ba naman ang mag flambe' na nakapatong sa bamboo na pang tinikling at buhat ng apat na kalalakihang payat. grabe!! 


at bilang pasilip. heto sya.



kita nyo ba ang apoy..?? grabe 'no..  yan ang pinakamalupit na flambe' na nakita ko in history.!
IMBA nga sabi ng iba. pero sabi ko. buwis buhay yan! hahaha! kakaiba.! nasa bamboo na nag paapoy pa. then nag sasasayaw pa..

tsk!!
sana grumaduate na ako at ng makapag work na. mahirap kalaban ang mga kabataang ito. baka di na ako makapasa sa standards nila pag nakita nila to! haha!.ibang level na. sa mga propesor na mahuhusay, salamat sa pag babahagi ng kaalaman, salamat din sa organizer ng showdown na ito dahil marami nanaman ang nakilahok, nanalo at nabigyan ng inspirasyon.

galing ng pinoy!!

Dear Self

DO YOU STILL REMEMBER YOUR PAST??DO U STILL REMEMBER WHAT YOU ARE BEFORE AND WHAT YOU ARE NOW AT THE MOMENT.. ? DON'T DEPEND YOURSELF TO OTHER PERSON AROUND YOU. TALK TO YOURSELF. TO KNOW WHAT YOU NEED, AND WHAT YOU WANT..




THIS IS MY LETTER TO MY SELF, I WOULD LIKE THIS TO  BE AN INSPIRATION TO ALL OF THE PERSON  WHO ALREADY FORGOT THEMSELVES,




Hi! Hello.. how are you,

Im sure this thing is unusual to you, though we often time talk every minute of the day,. i decided to write to you, so that this will work as a reminder of communicating with you, I am really sorry for all the not so good things that i have done to you. I am so sorry too in hurting you badly and causing you a lot of pain and trouble. I am also asking an apology fro abusing, exploiting, and neglecting you for quite a long time.

most other people call you in so many different names, like others say you are the consciousness, some say you are conscience while many say you are soul or spirit. no matter what they would like to call you, still you will always be my one and only "self. "

I wanted to be more close to you the same as how i was once been so very thirsty and eager in meeting and discovering you.  i guess for me to know you more, understand you more, and learn more about you.

i had almost forgotten and abandoned you as i once was fooled by the illusion of this wordily life, and finally realized that there must be other ways of getting out of here. there is too much confusion, to much hatred and madness among other "selves" living around me. i also almost had forgotten my mission and purpose of staying here living this life for a while, because everything is just temporary and has its own definite end, which they call the material physical death of the existence of the finite.

but i think this physical material death of the finite is both an end and a beginning towards having a new life in another dimensional existence.

well before i forget,i would like to extend my personal thanks to you "self" for all the good things that you have done, for being so patient, supportive, understanding kind, modest polite and passionate to me, most especially your prayers. i will never forget all of these things and they will remain in my heart eternally. I dont want to make any promises at this point of time, but from now on i will strive hard to do all my best to be always be good to you the same with the other "selves" around me so, we can be like best of friends,isnt it?

and for you to be my very ever best "self" with in me. goodbye for a while because i need to go back to my ordinary routinary living and return being a common human being. don't you worry about me  "self " because i will be fine and everything will be all right! as i will now start to put order and direction in reaching my greatest goal to accomplish my mission, purpose and very reason why i was given a chance to live and stay here on earth. thank you so much for loving me and accepting me for what i am.

i want you to know "self" that i really do miss you so much.!

(love enemy as you love yourself, because the real enemy of man is himself)

p.s.
I LOVE YOU
from ME!



MAGNA-CUMLAUDE

Birthday ng napakaganda kong professor(naka blue dress) nung nakaraang thursday kaya naman, join force dapat ako dyan! para mabuo ang kulay ng rainbow pagkatapos ng pag "wisik" ng ulan sa aming mga mukha.dahil nga si sir ay isang "kapanalig sa pananampalataya" sa dyosang si "braguda" (dyosa  ng bading) imagine nyo nalang kung ano itchura nya.. nung una. hindi ko talaga binalak na sumama pa, sa layo ng pasig to quezon city, malamang ngaragan ang byahe, pero dahil isa akong likas na kaladkarin e, sumama na ako. siguro naman pag tungtong ko ng edd na 50 nay mrt na pasig to QC 'noh! ayun! naka sampung tambling ako mula bahay hanggang birthday party ni sir ganda na may split pa sa gitna crossing overpass.


pag dating ko palang ay sinalubong na ako ng bati, "special guest" hahah! dahil nga sa ako ay kabilang sa natatanging "dugong bughaw" LOL!  in na in ako sa party na yon! madaming bisita, may makikita kang solidong lalake, medyo lalake, at confused na lalake, at mga bading! ..at malamang sa alamang. ang rules and regulataions ay umiral nung inuman at yun ay..


 "BAWAL ANG BABAE"


 daot daw kasi sa mga bisita o ang tinatawag naming "alay!" hahahah!!


sa gitna ng kasiyahan ay todo bantay sa kanya kanyang "alay" ang mga "dugong bughaw" upang hindi madaot ng kapwa dyosa. walang palitan ng pwesto, walang labasan ng cellphone at baka maka segway ng kuhaan ng numero. sigurado pag nangyari yon! mag kakaroon ng
"nota war" .. lumipas ang ilang oras ng inuman, kasayahan, tawanan, kwentuhan,kulitan, asaran, at palitan ng panlalait sa isat isa. ay nalasing din ang mga dyosa. lalo na ang mga na- "vetchin" na "alay" at simulan na ang serimonya. (bahala na kayo kung ano yun) haha!!



pag katapos ng gyera ng lalamunan at ugat. nag si-uwian na ang karamihan at ang natira nalang ay itago nalang natin sa pangalang vic, bryan, marlon (2) bading na tambay galing sa kabilang barangay., at ako.
patuloy ang pag hawak ko ng "mikroponong maugat" habang umaawit sa saliw ng musikang  pinagbibidahan ni "ate guy".


ng mapag desisyonan naming lumabas at magpahangin saglit.kwentuhan ng mga naganap kanina. at yabangan kung ano ang naging karanasan.


pag balik namin ng bahay. laking gulat nalang namin na wala na ang mga bag namin sa kilalalagyan nito. sa sala. naka bukas ang pintuan ng bahay, 


"teka, asan yung bagelya ko"??- sambit ni vic
..teka yung akin din.. -ako yung cellphone ko din-marlon..!"


BANG!!!!!


NILOOBAN ang bahay ni sir. at ang target lang ..BAG NAMIN na nag lalaman ng mahahahlagang kagamitang pang gyera. cellphone,pera,usb,id,make up(nila) , relo at kung ano ano pang mahahalagang bagay sa bag. gaya ng pustiso ni Vic na labis nyang iniyakan.


nakakalungkot isipin na may mga taong gagawin ang lahat makuha lang ang gusto, kahit kapalit nitoy ikapapahamak nila. ang mga suspek sa naganap na nakawan ay isa ding dyosa, na walang future (baklang tanod) o (baklang tambay). na nabanggit ko kanina. na labis ang pag tanggi na hindi sya ang may gawa. kahit na hindi namin tinatanong.


sa susunod pag iingatan ko na ang aking kagamitang pang gyera kung pupunta sa ibang teritoryo, dahil hindi natin alam kung sino ang gagambala , matang nag mamasid at mga kamay na naka abang sa aagawing bagay na hindi nya pag aari..poorita!!


umuwi tuloy akong walang dala., kawawa., basang sisiw at luhaan.


mga certified :MAGNA-CUMLAUDE.  kidlatan sana kayo!!


ikaw nabiktima ka na ba??



LONG DISTANCE (part4)last part

" sorry mejo busy,graveyard shift kasi ako.Liit, pag dating ko pa lang sa airport, bibili na ako ng sim to text you,dont worry  ok! see you there, mwaaaaaaahh!!"


pero ..

dumaan ang march:
1.
2-
3-
4-
wala pa din akong text na natatanggap galing sa kanya., nawalan na ako ng gana, pero hindi padin ako nawawalan ng pag asa. sabi ko nalang, baka busy pa at nag eenjoy.hayaan ko nalang..

hanggang sa dumating na ang panahon na dapat mag kikita kami. hindi sya nag pakita.. di nya ako sinipot. di sya nag paramdam..ilang buwan kong hinintay yun. tapos wala.. pilit man akong aliwin ng mga kasama ko, di nila matanggal ang lungkot na nararamdaman ko, naapektohan ang trabaho ko. pakikisama ko sa mga ka dorm, wala akong gana kumain, wala akong gana mag trabaho, wala akong gana sa lahat ng bagay..

para akong nalumpo. sobrang sakit ng naramdaman ko. parang walang nangyari, parang wala lang sa kanya, lumipas ang oras,araw,buwan..wala pa din syang message, wala syang paliwanag,parang walang pakialam.nasaktan ako ng sobra..


hanggang sa isang gabi.. may nakipag chat sa aking isang tao na hindi ko na inaasahan...


       


                                                                   
                             
habang kausap ko sya ulit ay parang   walang nangyari.. ganun pala talaga pag mahal mo,kahit ano pang ginawa,lambingin ka lang,di mo matitiis.. o baka kinain  lang ako ng pag ka desperado..  at tinanggap ko sya ulit.. 
di ko naman first time mag ka love life, madami naman din naman ang dumaan, pero sya lang yung masasabi kong maipag mamalaki ko. inside and out. 

nakakalungkot lang na nagawa nya akong i cheat, pero di ko naman masisisi dahil "babae" ang 3rd party, ano ba laban ko..

inisip ko nalang, ganon talaga.. sinimulan namin na internet, unfortunately nag tapos din sa internet. madaming mga bagay na hindi natin masasabi o masisigurado na sa atin.. wala akong karapatang angkinin sya..minsan kailangan maniguro tayo. wag ibibigay ang lahat, wag seryosohin kung alam mo naman na hindi seryoso yung isa. 

dapat marunong sa laro ng pag ibig.dahil kung anong tamis ang naramdaman mo sa una. doble ang pait na mararamdaman mo sa huli.,pinasok ko to. mag tiis ako.bago ako mag bday. after ng MAY tour nya . di nanaman sya nag paramdam. naiwan nanaman ako..

at dahil sa nangyeri tumigil na ako. at tumanggap ng ibang tao sa buhay ko. pero di nag tagal nakipag break din ako. di kasi ako masaya. di ako makahanap ng katulad nya.



sa ngayon, medyo nakakapag move on na. at paminsan minsan nag memessage sya sakin, pero hindi ko na binibigyan ng malisya. siguro mensaheng pang kaibigan nalang. ayoko ng umasta na feeling ko kami pa, nag message sya, pero hindi  ibig sabihin nun, kami na ulit.

pero hindi ko maitatanggi na nakalimutan ko na sya. inaamin ko, mahal ko pa rin. hanggat nakikita ko ang pictures nya sa fb. tuloy tuloy lang pagmamahal,kahit walang kapalit.pilit kong binibigyang buhay ulit sa panaginip ang pitong buwan na pagiging kami,.sino ba naman ang makakalimot sa heart ache, walang araw sa isang linggo na hindi ko sya naiisip, o sa isang buwan na hindi ko sya mapanaginipan.. sa ngayon "in an open relationship" ang status nya sa FB. kung sino man yun. ang swerte nya. dahil nung kami pa. never nyang nilagay sa fb nya na "in relationship sya".

wala akong nagawa kundi tanggapin yon, sino ba naman ako para pang himasukan ang buhay ng isang tao na hindi ko naman masasabing naging "akin" ..

that experience really made me stronger. still. mamimiss ko sya. marami akong natutunan sa kanya.and i will treasure him for the rest of my life..




hanggang sa muli, paalam mahal...



ps: (update-)august/28/2011- 7:10pm) blinock na nya ako sa FB.  T_T  pinaka malungkot na gabi. salamat sa lahat aries..mamimiss kita..:-(


we'll have no ending
If we can hold on
And I think I've come this far because of you
Could be no other love but ours will do



You were my "1" more chance
I never thought I'd find
You were the "1" romance
I've always known in my mind

No one will ever touch me more
I only hope that in return
I might of saved the best of me for you

About the Author