MY BABIES ! (ace and ace jr.)

Ito ang dahilan ng pag ka tengga ko sa pag ba blog. kung kelan naman nag uumpisa saka naman nangyari to. malas naman!! grr! nakaka dalawang laptop na ako.. oo! dalawa..!

the kwento goes like this: (arte lang)

mahal ko ang mga gamit ko higit sa kaynino man, except kay "mother earth"
nakapag pundar ako ng mga gamit ko dahil din sa pag sisikap ko. sa trabaho at pag pupursiging makaipon makabili lang ng mga yan. laptop, cp at DSLR at kung ano ano pang gadget/accesories. hindi ko lahat inaasa sa mama ko ang mga bagay na ganito. rumaraket ako mag kapera lang..hmpf!

ang unang laptop ko ay ito..



aguyy!!!!!!!!! habang pinag mamasdan ko ang mga picture ng "baby ace" ko,lalo ko syang namimis.. naiiyak na tuloy ako.wala pang 1yr old, kinuha ka na agad sakin. iningatan kita n a halos di kita pinapadapuan sa lamok, wala kang gasgas kahit isa, wala kang peklat at kahit anong virus, alagang alaga ka sa program at updates ko. di masyadong mabigat ang nilalagay kong files para di ka mahirapan, at lagi kang malinis..
pano ka ba nawala sa mga palad ko.. recall recall..
balikan natin ang nakaraan..
actually,hindi sya nawala or accidentally naiwan..

NINAKAW SYA.. :"(



nasa kalagitnaan ako ng OJT ko sa singapore ng manakaw ang laptop ko.. na ang suspek ko ay walang iba kundi kapwa natin pilipino din.wala na siguro syang magawang paraan para makauwi ulit ng pilipinas ng mag tangkang mag hanap ng trabaho sa SG ng walang kasiguraduhan.makalipas ang 1 buwang pag hahanap ng trabaho sa singapore ay hindi sya pinalad. wala na siguro syang pamasahe pauwi kaya napilitan "siguro" sya na kunin ang laptop ko at ibenta sa "lucky plaza".nakaka lungkot isipin na may kababayan tayong handang gawin ang nakakatakot na bagay na pwede nilang ikapahamak dahil sa matinding pangangailangan, at pati kapwa pinoy na nag papagod sa pag ta trabaho ay bibiktimahin nya, grabe sya tinalo nya ako.!
pasalamat sya wala akong malakas na pruweba para makulong ka dun, dahil na kauwi sya kaagad ng pinas at wala sya ni isang bakas na iniwan. pero kung nag kataon. nakakahiya, dahil kahit ilihim natin ang nangyari, kakalat yun at makakarating sa pamilya at kaibigan nya na talaga namang kahiya hiya!

dahil sa pangyayaring yon,2 buwan ako halos walang komunikasyon sa pamilya ko at lugmok na lugmok sa kalungkutan doon dahil sa laptop lang ang libangan ng mga pinoy sa abroad, wala naman tv dun.:-( kaya nag pasya akong bumili ulit ng laptop, kahit masama sa loob ko dahil ipon ko iyon para pang treat pag uwi ng pinas.
kahit di sya kasing laki at kasing mahal ni baby ace na regalo sakin ni mother earth nung bday ko, minahal ko din ang netbook na acer aspire-one na pinangalanan kong "ace jr" dalawang buwan din kaming nag sama sa singapore ni ace jr. at napasaya nya ako ng husto sa pag dating nya dahil napawi nga ang kalungkutan ko dala na pag kawala ni ace.

bumalik man ako ng pinas na wala si ace. kasama ko naman si ace jr.
subalit, ngunit, datapwat.

isang araw..umuwi akong lasing, wala sa wisyo at antok na antok. at dahil addicted ako sa fb. kahit naka bulagta na ako sa kama,pinilit kong buksan ito at chineck ang FB notifications ko..ayun!! di ko namalayan na naka tulog na pala ako..
ang scenario pag ka gising.
(wala pang hilamos o toothbrush) masaya kong pinag masdan si ace jr. sabi ko.
"ay nakatulugan kita kagabi, sigurado akong napuyat ka at naubusan ng battery", at bumangon na ako at saka tsinarge ko na sya.
masaya akong bumalik ng kwarto pag katapos kong maligo at binuksan ko sya ng nabigla ako sa nakita ko.

bang!!!!!


aguy!! sus ginoo! nadaganan ko pala sya kagabi.:(
di ko alam kung ano ang irereact ko. wala. blangko, shocked.nganga!

sa ngayon 2 weeks na syang nasa cabinet ko.,napakamahal pala ng pag papapalit ng LCD nito. php.5,700 ang singil ng ACER service center sakin:-( ahhhhhhaaayy!!
sana mag ka pera na. ayoko ng nag titiis sa desktop kong nag loloko:-( at isa pa mas magastos sa kuryente, kawawa naman ako.. sana sa christmas mabili ko na ang pinapangarap kong


SONY VAIO Y-SERIES
ahayyyyyyyyy!! napaka cute mo! pwede ka pang palit palitan ng housing! para kang barbie doll na pwedeng palitan ng damit. ang classy ng look, 11.6 inch,parang hindi netbook. ganda pa ng specs.flawless, sana isa ka sa matupad ngayong christmas.kahit wala na yung love life, sayo palang, inlove na inlove na ako.! hehehe!!
pag napasakin ka.. iingitan talaga kita!!!^_^

4 comments:

Ms. Chuniverse said...

I would like to recommend a MacBook para sa 'yong next laptop.

Shifting to Mac is one the best decisions i made.

:)

Lei said...

Ms. Chuniverse, ang hirap naman nyan! hahah!! ang mahal po kasi ng macbook, though i like it,di naman afford. ok na ako sa dream kong sony vaio.hihihih! anyways.. thank u ha! keep reading, ill follow u also.:-)

NOX said...

that's my baby. mine's gray.

glentot said...

The best advice I ever got, and the best one I followed was when I was considering getting a Vaio but my friends told me to get a Mac instead kasi magkalapit na raw ang presyo. OK hindi masyadong magkalapit pero I took the risk and went for a Macbook pro, and totoo nga yung sinasabi nila na once you go Mac you will never go back.

I bought it from a guy who distributes Apple products here in the Philippines pero wala syang shop, meetups lang. All his products are genuine (kasi ireregister mo sya sa Apple, something you cannot do kung fake ang nabili mo) and brand new (sealed lahat) at same Apple warranty. If you want I'll give you the link, sobrang laki ng difference ng price nya sa price ng Apple shops. Malaking savings.

About the Author