"para akong nag luto ng sinigang na kuko ng baka, ginisang kuto at kalderetang libag..with ice cream dessert flavored wasabi and bagoong.
parang tubig na hinalo sa gasulina, parang cellphone na walang battery, parang ako na MAG-PAPAKASAL sa babae.at mag AANAK ng PAG ka-dami dami.!! ang bottomline --MALABO--"
Isang seryosong bagay na sumagi sa isip ko..
isang gabi. nanaginip ako tungkol sa kahihinatnan ng buhay ko pag dating ng panahon.
nakakatakot.. ayoko mangyari. pero alam ko darating ang panahong iyon.
wala na akong ama, simula nung 3rd year highschool ako. kaya sa kabuuan ng
i miss you..'pa..love na love ka ni mama..speaking of mama..
Noong una. iba pa ang ugali ng mama ko. maingay. magulo. laging galit. hindi malapitan.nakakatakot kausapin. yung tipong nambabato ng kamatis kapag inistorbo mo,sisigawan ka sa harap ng madaming tao kapag mainit ang ulo.pero sa pag daan ng panahon.dahil nga sa pag kawala ni papa, saaming mag kakapatid nabaling ang atensyon nya.lao na nung nagkaroon ng madaming apo mula kay kuya, nagiging maaalalahanin sya.masayahin,pasexy na manamit at sumusunod sa uso,naging malambing pa,kahit na minsan,di ko masakyan dahil di naman ako showy para makapag lambingan din kay mother earth. at ayokong makita yun ng mga kapatid ko dahil seloso sila. at ayokong nagiging bida.kaya pinili ko ang maging tahimik na tao at suplado sa mata ng pamilya ko,para sila ang pag-toonan ng pansin..at habang nag kakaedad ako at nag kakaisip.napansin ko na si mama lang ang kakampi ko kahit papano. sya ang nag bibigay ng mga pangangailangan ko. kaya natatakot akong mawala sya..
natatakot ako sa panahong, baka kalimutan na ako ng mga kapatid ko.wala na akong kakampi,wala mag sosoporta saakin. kaya pinipilit kong makatapos kaagad. para makapag solo na o di kaya e,maranasang kumita galing sa sariling pawis.
Sa ngayon masaya ako.. feeling ko, wala akong problema sa buhay, walang problema sa pagkain,damit, tirahan, nasusunod ang gusto, walang trabaho, kain tulog lang kumbaga..
di ko napapansin.. dumadagdag ang edad ko. sa edad kong 21 ngayon, feeling ko. wala akong silbi. feeling ko wala pa akong naa-achieve,saan ako pupulutin kapag wala na si mama.susuportahan ba ako ng mga kapatid ko,paano ako mabubuhay mag isa?, paano ako kapag nag asawa na sila at may kanya kanya ng pamilya.?paano na ako.? yan ang mga tanong na parang gayuma na pilit pumapasok sa isip ko kahit kontrahin ko pa.natatakot ako:-(
dumako naman tayo sa realidad,personalidad,kasarian at katotohanan...
HINDI AKO MAG AASAWA..!
'yan ang nakatatak sa utak ko. dahil alam ko di ako magiging masaya kahit ipilit ko.para akong nag luto ng sinigang na kuko ng baka, ginisang kuto at kalderetang libag..with ice cream dessert flavored wasabi at bagoong!
parang tubig na hinalo sa gasulina, parang cellphone na walang battery, parang ako na MAG-PAPAKASAL sa babae.at mag AANAK ng PAG ka-dami dami.!! ang bottomline --MALABO-- pero naisip ko mali e. paano na ako pag tanda ko. sino ang mag aalaga sakin, sino ang aagapay, sino ang magiging kasama ko sa hirap at ginhawa. makakasama ko tuwing espesyal na okasyon, mula birthday, christmas at newyear. specially
OO.. siguro sa ngayon nag eenjoy pa ako,party party, gimik, gala, inom, bisyo, lahat na.. date dito date doon. kembang dito, harutan doon.. kinikilig sa twing nakakarecieve ng sweet txt msgs na kala mo walang katapusang pag ibig.(kahi na "goodmoring" lang naman ang sinabi) mahabang call na umaabot ng 3-4 hours,kahit gipit na,at pang baon na ang ipinang a unli call. sweet sweetan. nag lalaro ng habulan-gahasa ..asaran sa barkada(ayaw mo pero kinikilig ka),bigayan ng gift (pero ako narerecieve ko after a month, delayed lagi.)tuwing monthsary.nag susubuan ng snack sa school(sa kanya ang meal,sa akin ang water"mag diet daw ako") manonood ng sine.(sagot nya nga 1 popcorn sakin naman yung movie pass) hala!! wala naman tumatagal na relasyon. pinakamatagal ko na ang 7 months. kalokohan pa.at ang masaklap, ako lang ang nag seryoso.tsk tsk!siguro sumpa na yun ng relasyon dahil nag kasagutan kami sa sementeryo at nov.1 yun.(hindi yan joke)yan ay ngayong bata pa at FRESH pa. pano pag matanda na ako at kasing kutis ko na tita swarding, at ka fes si kuya jobert sucaldito. at ang dating mabangong katawan ay magiging amoy bayabas na bulok na,o sing amoy ng bulaklak na pininda ni aling puring sa tapat simbahan,na may halong amoy kandila sa gigilid.. sa tingin mo ba.. magagawa ko pa yan..o ang tanong. may papatol pa ba kay barrogs.haha!!
kaya naisip ko.. tama si mother earth. KAILANGAN ko ngang mag asawa at mag kaanak.
gusto daw nya mag kaapo sakin..ano naman kaya magiging itchura nun. yan din ang isa pang nakakatakot e.!LOL!
pano ba.. paano ba manligaw ng babae, pano ba maging sweet sa kanila.
kaya ko ba,(hindi ba nakaka suka yun- lasunan(anti-BI-otic)
AYY BASTA!natatakot ako..kailangan mag payaman.mag impok para sa kinabukasan
natatakot akong tumanda....natatakot akong mapag iwanan at tumanda mag isa..
sana makahanap ako ng taong mamahalin ko habang buhay
at habang naka sakay sa jeep , darating sa time at sasabihin nya
ang mga katagang
..
"ma', bayad oh.. dalawang senior"
ikaw.. handa ka na bang harapin ang kinabukasan mo..?
Written by:
14 comments:
Such a serious issue, delivered in the same stream-of-consciousness way that I've learned to love. LOL.
You reflect similar fears as mine, and the same outlook. In a way, I am the same, wanting someone there when I get old, fearing that I'll be an old, gay man being pushed around in a wheelchair by a hot male nurse. (Kailangan talaga hot nurse no?)
Hahahaha.
Funny thing is, I want a family, but I realized that I just want the concept of family, it doesn't necessarily mean that it involves a girl.
thanks MUSHKA!-alam mo na yun! heheheh!!
"Funny thing is, I want a family, but I realized that I just want the concept of family, it doesn't necessarily mean that it involves a girl." kailangan padin yan! heheh!
thank u for reading!^_^
ayan!!!! :D hehehehe followed friend... pa basa at pa tambay sa blog mo ah! :D
anlakas ng impact ng akda mong ito sir. I was faced with this question months ago. When I broke up with my ex, and found myself in a junction of two separate paths, I asked myself, should I go with the right or should I go with the one that makes me happy. I ended up with one thought, the right will always make you happy. So there, I chose this path. Marami din talaga akong identity issues, and I was at the tip of having a girlfriend though alam nya ang past at true sexuality ko... but I can never broke her heart... So we decided to remain friends... Mag aasawa nga ba ako?!
nakaka pressure, especially now that ako na ang next in line na mag aasawa sa mga magkakapatid. Hinihingian na ako ng apo ng nanay ko. But I can only fool myself so much. In due time, I'll make my point and hopefully, those that love me will learn to understand, that I chose to be happy and be right though societal perspective see it in a wrong context.
Nice, super nice entry sir! saludo ako sayo! :D
heheheh!! thnak you for reading sir ron..!^_^
tambay din ako ng blog mo matagal na ..kaso wala ka lng nung navbar kaya im reading your blog silently without putting any footprints! haha! shytype ba.. pero di ko na kaya!
ang gwapo mo e! kaya message na kita!
yeah! ano mag aasawa ba tayo o hindi! hahah! nakakatakot dba. ang hirap!. tayo nalang kaya sir! what do u think! ahaha!
hahaha, sira, kung tambay ka ng blog ko, alam mong taken na ako. ahahahahah, loko ka :D cheers to my new friend, lei! :D
oo.! alam ko na taken ka na no!
at "daddy" pa nga ang tawag mo dun.!"
keep it up my new baby-ron! haha!
Pasali naman minsan sa habulang gahasa hahaha ;)
I'm so fresh at the age of 25,akala nga ng iba eh 18 lang ako char!
Sa ngayon honestly hindi ko pa dilema ang bagay na tinalakay mo post na ito,maybe tomorrow?hehehe
Serious na nga :) fortunately sa generasyon ngayon malaki ang % ng mga young adult ang mas priority ang career kaysa pag-aasawa isa itong magandang rason hindi ba :)
at bilang isang eastern country we value most of families and friends.Kaya bibihira na talagang mararamdaman natin ang mag-isa.
I'll be looking forward for that day to come ng may ngiti sa aking labi at fresh pa din dapat!and I do believe in a saying that "No man is an island." Hindi ako,hindi tayo mag-iisa sa paglalakbay na ito!
Ithankyoubow! LOL (napakinabangan din ang mga napanalunang sash at fame sa mga mr.ek ek na sinalihan ko nung elem at high skul) ;)
hahahah!!
tara habulang gahasa tayo! loL!
hmm.. maybe. sana lang talaga.
dahil hindi naman natin hawak ang kapalaran at hindi kayang i edit ang susunod na kabanata ng ating buhay. sana sa bandang huli mag karoon ng barangay kung saan sama sama tayong lahat! lol
hahahahah!!papakasaya na ako habang maaga at mag iipon na ng bongga! para pag dating ng araw hindi ako naka nganga!
salamat sa pag basa !!^_^
anlandi
@ghraxia- kailangan yan!
kung hindi tayo lalandi ngayon,, kailan pa..?
hahahah!!
thanks for reading! follow back^_^
huhuhuhuhuhu... love this entry....
dumaan na din ako sa dilemmang ito... jusko..... pero alam mo ang hirap eh... di mo alam kung me magmamahal sayo na dahil sa preferences mo, di mo alam kung pano ka manliligaw ng babae.... kung ano sasabihin ng ibang tao.. you know..
-------------
feeling ko mag isa lang akong tatanda yung magiging palaboy na matanda sa kalye...
jusko iniisip ko pa lang sina tita swarding at joel sucaldito.. jusko.. pag narating ko yung edad nila parang i want to dieeee naaa...... NKKLKKKKKKK!!!!!!!!!!!!!!!!!..... hayyy layppp....
---
sa edad na 25 feeling ko 5 years na lng ang ilalagi ko sa mundo.. parang mamimiss ko ang pagkabata ko... :( mamimiss ko ang pagkalooking young... ganon talaga siguro eh noh...
di ko pa rin alam ang susunod mangyayari sa aking buhay.....
------
anyway.. tama ka siguro habang bata.. magpakasaya naaa... kasi balang araw... yun naahhhhhh....
nagustuhan ko ang entry mo na to.. sensya na sa aking komment... nadala lang aketch...
hahahah!!GRABE KA EgG.>!
mas mahaba pa ata yung comment mo sa wallpost ko! hahah!kakatuwa ka! youre so xpressive!
ano ka ba. 25 ka palaang! ang bata mo pa kaya!....para maging young looking, mag work out ka! at alagaan ang skin with vitamins etc.
bata ka pa! dont self pitty!
may kilala nga ako 40 na pero mukang 25 palang e..
enjoy life!! long live sir!^_^
thanks for visiting!
Ewan ko, pero hangang ngaun nagugulahn prin ako.. Ilang buwan plang ang nakkalipas nung mkipag break ako sa GF ko, matagal n xang may gusto skin pero ang ndi nya alam na may live in partner na ko na bisexual din.. Ung girl is an officemate 2yrs na xang ngpaparamdam and kmi nung partner ko 4yrs na.. Hindi alam sa office na bi ako.. And dumating nga ung time na nagulahan ako at parang gusto ko n mag-asawa.. Tulad ng mga sinabi mo naisip ko din un.. Panu pag tanda ko, hindi ko siguradong maaalagaan ako ng partner ko.. At minsan mahirap n lagi n lng akong nagsisinungaling sa mga friends ko na i'm straight, bakit di ko n lng pangatawanan diba.. Pero nangibabaw parin ung pagiging tutoo ko.. Hindi ko maiwan ang partner ko kasi ang dami n nming naipundar at halos kumpleto na kmi.. Anak n lng tlga.. Naisip ko maguumpisa nnman ako pag nkipaghiwalay ako s knya.. Sna lng tama ang desisyon ko..
Post a Comment