"ikaw bata ka! ginabi ka nanaman ng uwi. ke bata bata mo pa! lagalag ka na.! kung saan saan ka nakakarating! kung ano anong inaatupag mo.! yung pag aaral mo napapabayaan mo na. yung obligasyon mo dito sa bahay,di mo nagagawa. ano ka ba! ano nangyayari sayo! barkada!! yan.. yang barkada na yan! masamang impluwensya yan sayo!"
example of those lines that you can possibly hear after getting caught of returning home late,drunk or tipsy.
nakaka-rindi hindi ba..lalo na kapag mala full- subwoofer ang ingay ng bibig ng nanay/tatay mo. haha!! pero ganun talaga ang magulang! gusto nila. habang nasa poder o pangangalaga ka nila. sila ang sundin mo. sila lang ang dapat masunod.sabi nga nila.. sila ang nag palaki sa atin at lahat ng desisyon na gagawin natin ay sangkot sila sa ayaw at gusto mo. dahil ayaw nilang mabahiran ng kahihiyan ang pamilya o masabing mali ang pag papalaki sa atin.pero dahil sa ang kabataan sa ngayon e mapusok, mapag laro, pilyo, pasaway at gusto makatikim ng bawal, pilit nitong ibabaluktot ang tuwid na landas.! hehe!
ano-ano nga ba ang BAWAL (18 below) bawal uminom ng alak, magpagabi,makipag barkada,manigarilyo,gumala,sleep over,birthday party,malling, gumimik, makipag boyfriend/gf at marami pang iba. napakaraming pinapakialaman ng ating magulang simula nung bulinggit palang tayo hanggang sa pag dadalaga at pag bibinata. ulitimo damit na sinusuot natin o sa style ng buhok napapansin. ganyan talaga ang magulang, balang araw, pag wala na sila.. hahanap hanapin mo yan..^_^
bakit nga ba masarap ang bawal..kasi... gusto natin matikman yung bagay na natitikman ng mga taong kaedad natin,sabay sa uso.sunod sa kaibigan, ayaw mag pahuli o kaya naman yung iba. atribida lang.napaka explorer,observant at experimental ng mga kabataan kagaya ko.dahil sa matinding CURIOSITY, sinusubukan natin ito.pero ang inyong lingkod ay magaling magtago ng bisyo at kalokohan, walang nakaka alam dahil malinis akong trumabaho! hahahah!
dahil sa mga napabalita ng masamang pangyayari sa mga kabataan ay ayaw nilang matulad tayo dito. tulad ng pagka pariwara, mag ka bisyo, ma rape, maagang pag bubuntis ,maagang makabuntis o mapahamak dahil sa pag pasok sa mali/ baluktot na paniniwala ng ilang kabataan (frat).ngunit sa ginagawa nilang pang hihigpit. lalong umiinit ang mga pwet natin gawin ang mga bagay na bawal at ayaw na ayaw ng ating mga magulang..
dahil minsan nakakasakal na hindi ba....(aminin)
dahil ginagawa nila sa atin ang mga bagay na natikaman nila sa parents nila nung panahon nila.
iba ang panahoon noon. more conservative.walang cellphone,walang internet,wala halos
iba na ngayon..liberated, mas mapusok, mas mapangahas umaapaw sa
lets try this scenario:
noon
anak, kailan ka ba mag aasawa...gusto ko ng mag ka apo.
ngayon:
ano ba yan! ke bata bata mo pa! may anak ka na!nakakahiya ka!!
--------------------------------------
nung binata/dalaga pa
...bawal mag boyfriend, bawal uminom,bawal maglakawatsa!
nung nag asawa na
...o ngayon.nag sisisi ka, di mo inenjoy ang pag dadalaga mo! nag asawa ka ng maaga! pordyos kang bata ka!
HELLO!!!!
pano namin maeenjoy ang pag dadalaga/pag bibinata kung yung panahon na yon e naka padlock ang mga paa namin sa kamay ninyo.grrr!!!
tama o tama..??!
TIPs: kung gagawa ka ng bawal siguraduhin mong walang makaka alam
kung gusto mong gawin.. gawin mo...!
kung gusto mong tumikim.. tikman mo!
be sure to have limitation in all things that you do.
maging responsable sa lahat ng bagay, huwag papapatalo sa tukso, at huwag hayaan ang sarili malulong.
tikman mo. gawin mo. make sure nothing bad will happen, think before you do, learn how to control yourself.
but since they are your parents: listen to them, follow them ,love them.
kapag naka graduate na kayo ng college at nakapag trabaho na o sa iba dyan na nag kaanak na.
marerealize nyo lahat ng pang hihigpit na yan, at masasabi nyong
TAMA pla sila. sana sinunod ko, hindi sana nag kaganito ang buhay ko
or TAMA sila. salamat at sumunod ako...
ikaw..strict ba ang parents mo..?
Written by:
6 comments:
hindi naman strict ang mga magulang ko, hindi rin matalak. Sadyang naging masunurin lang siguro akong anak :)
at saludo ako sayo bilang masunurin ka ding anak ;) apir!
hahahah!!
kakatuwa ka naman!!
nako noon strict ngayon hindi na masyado.though may bawal pa din,pero alam na natin yun, kung matured ka na no need to tell u everything dba,
nako!!! isa pa yan!! hindi ako masunurin! sadyang eto lang ang tinahak kong landas. hahah! madami din akong bisyo at kalokohan(sexual)lol! ahhahah! dapat malinis ka lang mag trabaho.walang bahid ng mantsa at hindi mag dudulot ng kapahamakan at skandalo sa pamilya.
salamat sa pag basa ng blog ko pre!
napadaan lang.
mwahhhhhhhh!
ang CUTE naman nung dumaan..! hihihi!
what they dont know, can hurt them? or me.... heheheehhe lalo na at medyo strict ang di lang parents ko kundi buong angkan ko hehehehe, mabuti na lang at di ako sa province namin nag work, nagpumilit sa big city to experience fast phase of life... ayun dami kalokohan natutunan,,,,,, some makes me smile pag naaalala ko at yung iba eh masakit sa ulo isipin pero masaya ko at nagawa ko heheeheh.....
@anonymous!
oo nga. yung kalokohan na pinag gagagawa natin noon,tinatawanan nalang kapag naaalala natin, kasi matured na tayo..
pero mas mabuting isipin muna ang kalokohan siguraduhing hindi maaapektuhan ang buong buhay mo pag gnawa mo yun tulad ng (maagang pag bubuntis) etc.
kung sino ka man. salamat sa pag daan sa blog ko ^_^..
Post a Comment